Chapter Fourteen

3K 119 4
                                    

Unknown's Pov

F*ck!!, Anong karapatan niyang saktan si Akiexhia? Wala namang masamang ginawa sa kanya si Akiexhia. Kung hindi dahil sa parusa na yun hindi ito mangyayari.

Kung alam lang niya kung gaano ako nagpigil kanina, kung alam lang niya kung gaano ko pinigilan ung sarili ko na sapakin siya, wala siyang karapatang saktan si Akiexhia.

Eventhough sa tinagal-tagal na maging magka-klase kami never niya akong tinapunan ng tingin,never niya akong kinausap I still want to be the one who will always be by her side, I want to be the one will comfort her pero mukhang malabo, yung tipong lalapit ka pa lang nandyan na ung mga mata niyang nagsusungit idagdag mo pa ung mga words niyang magpapatameme sayo at magapapa-realize sayong ayaw ka niyang kausap.

Ang dami ng nagbalak na manligaw sa kanya pero lahat bigo hindi nila kinaya ang kasungitan ni Akiexhia, pero ako never ko siyang susukuan kahit na hanggang tingin lang ako sa kanya.

Never ko pang nasabi sa kanya na may gusto ako sa kanya natatakot kasi akong mareject at tsaka kahit sa sarili ko hindi ko pa din alam kung ano ba talaga ung nararamdaman ko sa kanya.

Hindi ko alam kung gusto ko na siya o kung mahal ko na siya.

Pero lagi kasi siyang nasa isip ko nalulungkot ako kapag malungkot siya, nasasaktan ako kapag sinasaktan siya nila Kisses, nagseselos agad ako kapag may katabi syang lalaki kahit na hindi naman niya yun kinakausap, never pa kaming naging seatmate kahit dapat magkatabi kami sa upuan pero nirequest ko na huwag kaming pagtabihin idinahilan ko na lang na sinusungitan niya ako pero ang totoo baka hindi lang ako makapag-concentrate sa pag-aaral, ang bilis ko kasing madistract lalo kapag siya ung dahilan.

Ewan ko ba sa sarili ko, hindi ko inaasahan na mag-aalala ako ng husto sa kanya eh samantalang parang wala siyang pakialam sa akin.

Alam niyo bang last year may nagbalak ulit manligaw kay Akiexhia, hindi naman kasi maikakailang maganda siya at matalino pero ugali lang talaga pero sa tingin ko dadating yubg panahon na magbabago siya, na may dadating para baguhin siya. Ok back to the topic, so may manliligaw nga dapat sa kanya pero dahil gusto ko ako lang ang manliligaw sa kanya na hindi ko naman magawa eh tinakot ko ung manliligaw niyang taga section-B, pero nahuhuli ko parin siyang sinusundan ng tingin si Akiexhia kaya binalaan ko na siya, ayun sa takot tumigil na.

Pero sinisigurado ko pagsisisihan nila Kisses ang ginawa nila sa prinsesa ko.

Akiexhia's Pov

Nakauwi ako sa bahay ng hindi ko alam basta ang alam ko nagalakad lang ako hanggang makarating ako dito sa amin nagulat nga sila mommy eh pero hindi na sila nakapagtanong lutang kasi ako ng dumating dito.

Hindi ko parin maintindihan sila Kisses kung bakit nila iyon ginawa pero thankful ako dun sa apat kasi tinulungan nila ako siguro kung hindi sila dumating malamang kawawang-kawawa na ako.

Pero ang pinaka-unexpected sa lahat ng unexpected eh kasama dun sa apat si Yabang.

Nabalik na lang ako sa reality ng may kumatok sa pinto ko. Si mommy pala pinapababa na ako para sa lunch. Wait.. Lunch? Anong oras na ba? Ganoon na ba ako katagal na nakatulala para hindi ko mamalayan ung oras.

Bumaba na ako sa dining room para sabayan sila mommy at daddy sa pagkain.

"Princess bakit parang wala ka sa sarili mo kanina noong umuwi ka? May nangyari bang hindi maganda? Bakit napaaga ata ang uwi mo?" sunod-sunod na tanong ni Daddy sa akin.

"Wait Dad, isa-isa lang po, nag-iisa lang po ako. Wala pong nangyaring masama okay na okay po ako at tsaka na-cancel po ung classes namin gawa ng meeting ng mga teachers wag na po kayong mag-alala sa, Okay po ba Mom, Dad?" sabi ko sa kanila alam kong hindi magandan magsinungaling pero ayokong mag-alala pa sila sa akin. Busy na sila at ayoko ng makadagdag sa isipin nila, tama ng ako na lang ang at mga schoolmates ko ang nakakaalam kung ano yung totoong nangyari.

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon