Chapter Twenty Three

2.5K 98 7
                                    

Akiexhia's POV

Our talent portion turned out to be the noisiest part.

Sa buong pagkanta kasi namin, ahhmmm, hindi kayo maniniwala pero the whole part nakatitig lang kami sa isa't isa as in eye to eye walang kurapan. At ang lokong 'yon may pa dikit pa ng noo niya sa noo ko, kaya pala binitawan niya yung gitara niya.

Sunod na yung pinaka-ayaw kong part. Hindi naman sa ayaw ko, pero yung isusuot ko yung inaayawan ko, ang sports wear.

No choice ako dahil pumunta na rin dito sa backstage si Mommy tapos pagka-alis niya sumunod naman sila Ara para tingnan kung magbibihis ba talaga ako.

"Ay! Partner pala yung suot niyo" sabi ni Chels sabay tingin sa akin ng nakakaloko habang tumataas baba ang kilay.

"So whay are you trying to say?" sabi ko sa kaniya.

"Wala! Eto naman eh masyadong affected! Oh siya balik na kami goodluck!" at lumayas na silang dalawa, pumunta lang para mang-asar.

Kahit ayaw ko, rumampa pa rin ako suot yung sports wear ko. Alam niyo hindi ko alam kung saan nanggaling yung mga nagchi-cheer sa akin. Ang dami kaya nung mga 'yon.

Tapos meron pang hawak yung mga kaklase namin na isang malaking banner, tinalbugan ang banner nila Ara tapos talagang para sa akin lang yung banner, wala man lang napadpad na Steven dun sa banner.

"Hoy! Inutusan mo ba yung mga 'yon na gumawa ng banner tapos para sa'yo lang?" singhal sa akin ni Yabang nung pabalik na kami sa backstage.

"At bakit ko naman yun gagawin eh meron ng ginawa sila Ara" sagot ko na nagpasimangot lang sa kanya.

Next na yung Q and A tapos yung sa long gown na and tapos na. Konti na lang makakauwi na ako.

"Pagod ka na?" nabigla ako sa tanong sa akin ni Yabang, ay concern?

"H-hoy hindi ako concern sa'yo mukha ka lang ewan kaya tinanong kita" okay fine! As you say so, as if you really care.

Hindi ko na lang siya sinagot at inayos na nung make-up artist ko yung make-up ko at dinala na ni Mommy yung gown na susuotin ko.

Tinawag na kaming lahat para sa Q and A, and seriously inaantok na ako. Huli pa daw kasi kami tatawagin kaya eto naghihintay lang kami habang nakaupo dito sa stage. Ang sakit kaya sa panga ngumiti ng ngumiti.

Nawala yung antok ko ng biglang tawagin si Yabang. Kami na pala ang sunod.

"Mr. Scott here's your question" saglit na tumigil yung emcee. Bawat tanong sa amin ay galing sa students, pinili lang ng teachers.

"What will you choose to listen, your heart that says you love her or your mind that says she's your enemy?" what the fudge! Kanino galing yan? May pinapatamaan ba siya sa amin.

"That's a very hard question for me, but if I will choose, I will choose my heart, why? Simply just because why would my heart say that I love her if that's not true. If I will listen to my brain and that feeling is true at the end I will just hurt myself so I better choose my heart. Sa love kasi hindi naman importante kung anong susundin mo nasa sa'yo 'yon. Pero kung pipili ka better choose the one that's worth the pain. Masasaktan ka din naman kahit anong piliin mo kaya piliin mo na yung makakapgbigay sa'yo ng saya after every pain. That's all thank you."

Oo nga naman, pipiliin mo yung sinasabi ng utak mo tapos sasabihin mo kaya mo yun ginawa kasi ayaw mong masaktan eh masasaktan ka din naman kapag ganoon, so you better choose your heart oo nga't masasaktan ka pero sasaya ka rin, but learn how to use your brain.

"Wow! Parang may pinaghuhugutan ah!" biro nung emcee at tinawag na ako.

"Ms. Collins here's your question. For you what is forgiveness?"

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon