Chapter Forty One

2.1K 94 11
                                        

Steven's POV

Minadali ko na ang pagmamaneho papunta sa subdivision kung nasaan ang playground kung saan kami unang nagkita ni Akiexhia.

Buti pinayagan akong lumabas nung guard. Paniguradong aabutan ko pa si Akiexhia dahil hindi naman niya ginamit yung kotse niya, nakita ko kasi yung driver niya na naandon pa rin.

Palinga-linga ako habang nagamamaneho baka naglalakad pa si Akiexhia.

Pagdating ko sa subdivision nagpark agad ako at tinakbo ang playground.

Nang makita ko siyang nakaupo sa isang bench, sa bench kung saan ko siya unang nakita napatigil ako. I already saw this in my dream. Umiiyak din siya ngayon.

Lumapit na ako sa kanya.

Ng maramdaman niya siguro ang presence ko napatunghay agad siya at mabilis na pinunasan ang mukha niya.

I was about to held her hand ng bigla siyang tumayo at tumakbo. I ran as fast as I can, natatakot ako. Natatakot ako the mere fact na ganito ang nasa panaginip ko dati. Sana huwag.
(Steven's Dream is in Chapter Twelve)

Ano bang mero dito kay Akiexhia at ang bilis niyang tumakbo ngayon? Peste naman, nadapa pa ako!

Bumangon agad ako at sinundan siya. Habang palabas ako ng subdivision biglang bumuhos ang ulan.

Sa pananakbo ni Akiexhia nadulas siya at napataon pang nasa gitna siya ng kalsada. Dali-dali akong tumakbo dahil malapit ng mag-green ulit ang stoplight. Thanks God hindi nagkatotoo ang panaginip ko.

Itinayo ko siya pero itinulak lang niya ako. Bakit ba hindi muna niya ako pagsalitain?

Tumakbo ulit si Akiexhia patawid ng kalsada. Ano ba 'yan!

Ng mahabol ko siya hinawakan ko agad ang dalawang braso niya.

"Can you stop running away!" frustrated kong sabi dahil nagpupumiglas pa rin siya.

"Ano bang pake mo! I'm just your BESTFRIEND diba?, let me do what I want. And I want to be alone!" bulyaw niya sa akin na lalong lang napainis sa akin.

"Pwede ba! Magtanong ka muna, hindi yung gaganyan ka agad. Hindi porket gano'n ang narinig mo 'yon na ang totoo" sabi ko sa kanya. Napapatingin na sa amin ang mga tao but I don't care. Ngayon lang ba sila nakakita ng taong nagpapabasa ng ulan at nagtatalo?

"I don't care!" sabi niya at tuluyan na niyang natanggal ang pagkakahawak ko sa kaniya.

"Just leave me alone! Gulong-gulo na ako! I don't know why I'm acting like this. Bakit ba ako naaapektuhan sa sinabi mo?" sabi niya at kahit umuulan kita ko pa rin ang pagtulo ng luha niya and I hate it!

"Kaya nga pakinggan mo muna ako!" sigaw ko sa kanya.

"Why would I? Nasasaktan na nga ako!" sigaw niya sa akin.

"Ayoko ng makinig, dahil diyan sa pesteng pakikinig na 'yan kaya ako nagkakaganito!"pagpapatuloy niya habang tinutulak ako palayo. Bakit ba kasi ayaw muna niya akong pagsalitain? Mga babae talaga!

Imbis na sumagot niyakap ko na lang siya kahit na itinutulak pa rin niya ako.

"Kung kasi hinahayaan mo akong magsalita edi hindi ka na nasasaktan! Sa tingin mo ba ako? Hindi nasasaktan diyan sa pag-iyak mo" sabi ko na nagpatigil sa kanya sa pagtulak sa akin. Lumayo siya sa akin pagkatapos kong magsalita.

"What do you mean?" nagtataka niyang sabi.

"Bakit ba ang slow mo!"

"Just answer me!"

"I like you higit pa sa kaibigan. I care for you more than just a friend. Kaya pwede ba makinig ka muna! Hindi mo kasi pinatapos yung usapan namin eh. Can you stop crying now?" sabi ko sa kanya at imbis na tumigil sa pag-iyak lalo lang siyang umiyak. Bakit imbes na mainis ako parang natutuwa ako sa itsura niya? Ang cute niya.

"Tawa ka pa diyan" inis niyang sabi sa akin kaya hinila ko ulit siya para yakapin, habang tumatawa pa rin.

"You're just to cute. I like you okay, hindi ko kasi alam kung ano yung pakiramdam ng love na sinasabi nila so let's just stick with it" sabi ko habang pinupunasan ang mga luha niya.

"Sasamahan mo ba ako hanggang sa malaman ko 'yung sinasabi nilang love?" sabi ko pero itinulak lang niya ako. Bakit ang hilig niyang manulak?

"Engot! Hindi 'yon hinahanap!" sabi niya at naglakad na naman palayo. Nagjo-joke lang naman ako eh!

"Hey I'm just joking!" sabi ko na nagpatigil sa kanya at humarap sa akin na may luha na naman sa mata.

"Sabi na nga ba!" sabi niya at nagalakad ulit. Hindi niya ba ako na-gets?

"Bakit ba ang slow mo! I'm just joking na gusto kita kasi ang totoo mahal na kita!" sigaw ko sa kanya na nagpatigil ulit sa kanya. Natatawa naman ako habang lumalapit sa kanya. Takte, nilalamig na ako!

"Seryoso ka?" humihikbing tanong niya sa akin. Inilapit ko sa kanya ang mukha ko hanggang sa maglapat ang noo namin at sumagot.

"I love you Sungit, I didn't how or when. Kailangan ko lang pa lang tanggapin na kahit magkaibigan pwedeng mahulog sa isa't isa. But the question is, are you willing to catch me? Kasi ako handang-handa akong saluhin ka" sabi ko na nagpatili sa mga nakakakita sa amin.

"Is it okay kung sumilong muna tayo? Nilalamig na ako" namumulang sabi niya.

"Kanina pa din ako nilalamig, pasaway ka kasi kaya nagtagal pa tayo" sabi ko at binuhat siya papunta sa isang waiting shed. As usual ayun, itinutulak na naman ako. 'Pag siya nahulog ng literal bahala siya dyan!

"Anong trip mo?" inis niyang sabi ng maibaba ko siya.

"Just answer me" sabi ko saka ko siya tinitigan sa mata.

"Can we go home na?" tanong niya na nagpailing sa akin. I think ayaw pa niyang sagutin ang tanong ko. Iniwan ko muna siya para kunin ang kotse ko. Hndi pa man ako nakakalayo ng may marinig akong kumausap sa kanya.

"Alam mo miss, ang ganyang klaseng lalaki hindi na pinapakawalan pa. Bihira na 'yung katulad niya na rerespetuhin ka kung hindi ka pa handang sabihin 'yang nararamdaman mo" sabi sa kanya ng isang babae.

Naglakad na lang ako hanggang sa makarating ako sa parking lot. Baka nilalamig na 'yon.

"Tara na" sabi ko sa kanya at binuksan ang pintuan sa front seat.

Sumakay na agad siya at hindi man lang ako tiningnan. Namumula pa rin siya hanggang ngayon, is that a good sign?

"Steven nilalamig na ako pakipatay ang aircon" sabi niya habang yakap niya ang sarili niya.

"Kanina pa patay, still cold?" tumango lang siya sa akin.

"Do you...you.. Do you want me...to hug you? Kung gusto mo lang naman, wala kasi akong spare clothes o jacket dito" alangang sabi ko sa kanya.

"Okay lang? Nilalamig na kasi talaga ako" nahihiyang sabi niya. Hinila ko na lang siya palapit sa akin at tsaka siya niyakap gamit ang isang kamay ko.

"Okay na?" tanong ko pero wala akong natanggap na sagot.

I was to look at her kung natutulog na ba siya pero napatigil na lang ako ng niyakap niya rin ako.

"Baka nilalamig ka na rin" bulong niya pero rinig ko pa rin.

Napangiti na lang ako habang nagda-drive, blessing in disguise pala yung ulan.

Libre yakap.

---------

Ako lang ba? Ako lang ba kinikilig?

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon