Chapter Forty Two

2.2K 74 11
                                    

Akiexhia's POV

"Alam mo miss, ang ganyang klaseng lalaki hindi na pinapakawalan pa. Bihira na 'yung katulad niya na rerespetuhin ka kung hindi ka pa handang sabihin 'yang nararamdaman mo" naalala ko yung sinabi sa akin nung isang babae sa waiting shed. Totoo ba talaga 'yon? I mean, yung nangyari kanina!

Kanina pa ako naka-uwi inihatid ako ni Steven, dapat sa school na lang ako magpapahatid kaso sabi niya,

"Text mo na lang yung driver mo. Nilalamig ka na nga, iuuwi na agad kita. Ayaw kong magkasakit ka"

Sabi niya habang.... Oo na! Habang yakap ko siya at yakap naman niya ako. Tapos!

Ganito ba talaga kapag in-love? Nababaliw sa kilig. Hinawakan ko pa yung noo kung saan niya ako hinalikan kanina bago ako bumaba sa kotse niya. Bakit parang nami-miss ko na yung unggoy na 'yon?

Bakit ba hindi ko narealize agad? Na yung kung anong nararamdaman ko sa tiyan ko, yung kuryenteng dumadaloy sa akin sa tuwing nagdidikit kami tulad kanina pero mas nangibabaw ang...ang kilig?, at kung ano ano pang weird kong nararamdaman ay isa lang ang pinapahiwatig. Mahal ko na nga ata ang lalaking 'yon. I know it seems so fast pero 'yon ang nararamdaman ko.

Maya-maya biglang may pumasok sa kwarto ko.

"Shaaaaa!" tili nila Ara at Chels pagkaupo sa tabi ko.

"Anong problema niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ano? What happened?" usisa nila sa akin at nagsimula na ulit magbalikan sa isip ko ang mga nangyari kanina. Bakit pakiramdam ko namumula na naman ako?

"Ay! Positive! Ano kayo na?" tuwang-tuwang sabi ni Ara.

"Hindi pa. Hindi naman niya alam na mutual ang feelings namin" sabi ko at nagkatinginan silang dalawa bago tumili ulit.

"So gusto niyo talaga ang isa't isa? Kailan pa?" tanong sa akin ni Chels na mukhang kilig na kilig. Umiling lang ako sa kanila, mali kasi sila.

"What? Anong ini-iling iling mo diyan?" nagtatakang tanong ni Ara.

"Sabi mo mutual ang feelings niyo, tapos ngayon kung maka-iling ka wagas!" nakasimangot na sabi ni Chels.

"Hindi kasi namin gusto ang isa't isa. I love him ad he loves me, mutual diba?" sabi ko at kasabay ng pagtili nila ang pag-init ng pisngi ko.

"Gosh! Bakit hindi mo pa inamin?"

"Nahihiya ako?" sabi ko. Totoo naman ah! Ang dami kasing tao kanina!

"Sus! Nahihiya daw. Tell us, ano pang nangyari kanina?" taas baba ang kilay ni Ara habang nagtatanong?

"Wa-wala na!" sabi ko habang umiiling.

"DEFENSIVE" pang-aasar nila sa akin. Sa tingin ba nila sasabihin kong may yakapang nangyari kanina? At may pahalik pa sa noo ko si Steven? Edi inasar lang nila ako?

Naputol ang tilian nila ng may kumatok at pumasok si Mommy.

"Dahan-dahan ang tilian, hindi kami magkaintindihan sa baba. By the way princess, nasa sala ang prinsipe mo" sabi ni Mommy sabay kindat bago siya lumabas ng kwarto ko.

Pinaghahampas ako nila Ara habang tumitili habang ako, sige na nga, kinikilig din. Ano kayang ginagawa niya dito?

Ng mahimasmasan yung dalawa tiningnan nila ako na parang may mali sa akin.

"Sha, andyan ang prinsipe mo tapos ganyan ang itsura mo?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Ara.

"Bakit ano bang itsura ko?" tanong ko sa kanila.

May sasabihin pa dapat sila ng pumasok ulit si Mommy.

"Girls, pahiram muna ng anak ko ha! Kailangan muna nilang mag-usap ng kaniyang prinsipe" sabi ni Mommy habang nakatingin sakin na nang-aasar.

"Go Asha"

"Usap lang daw ha! Mag-uusap" kantyaw sa akin ng dalawa.

"Ewan ko sa inyo, 'wag kayong susunod ha. Mom wag niyong pasusunudin 'yang dalawang 'yan manggugulo lang 'yan" sabi ko bago lumabas ng kwarto.

"Ayaw mo lang paistorbo!" sigaw pa nila. Bumaba na ako sa sala at doon ko naabutan na magka-usap si Dad at Steven.

"Oh! Ayan na pala si Akiexhia. You two must talk first" sabi ni Dad sabay tapik sa balikat ni Steven at iniwan kami sa sala.

Awkward.

"Shall we go outside to talk? Siguradong makikinig lang sila Ara sa usapan natin" natatawang sabi ko sa kanya at lumabas na kami.

Naglakad-lakad kami hanggang sa makarating kami sa playground nitong subdivision namin. Dapat sa swing ako uupo kaso dumiretso siya sa isa sa mga bench kaya doon na din ako umupo.

"Akiexhia, can.. Can I court you?" nabigla ako sa tanong niya kaya hindi agad ako nakasagot.

"You don't need to answer. I'll still court you anyway" sabi niya kaya natawa na lang ako.

"Yabang talaga"

"Hindi ah, confident lang!" depensa niya.

"Achooo!" bahing niya kaya napatingin ako sa kanya. Is he sick?

"Okay ka lang?" tanong ko at sinalat ang noo niya pero hindi naman siya mainit.

"Yep, nilalamig lang" sabi niya sabay ngiti.

"Balik na kaya tayo?"

"Okay nga lang ako" pagpupumilit niya. What's with the urge of hugging him again?

Ilang minuto kaming natahimik hanggang sa bumahing ulit siya. Okay lang naman siguro 'yon sa kanya diba?

I felt his body stiffened when I encircled my arms around him.

"Nilalamig ka diba? 'Wag kang assumero diyan" sabi ko sa kanya habang yakap ko pa rin siya.

"Don't worry, hindi ko na naman kailangang mag-assume" sabi niya at niyakap niya rin ako pabalik. Yabang talaga! He even put his jacket on me.

"Akala ko ba nilalamig ka?"

"Mas mukha ka kasing nilalamig, ang lamig ng balat mo, don't worry about me. Yakap mo naman ako" sabi niya sa akin at mas hinigpitan ang yakap sa akin.

"Anyare sa'yo? Pick up line ba 'yan?" biro ko sa kanya.

"Hindi, yon naman kasi ang totoo" by that natahimik ako. Bakit ba hindi ko pa rin inaamin sa kanya na parehas kami ng nararamdaman?

"Akiexhia" tawag niya sa akin.

"I love you Sungit" sabi niya na nagpangiti sa akin.

"Time will come na sasagot din ako sayo ng I love you too, you can wait right?" tanong ko pagkahiwalay ko sa pagkakayakap ko sa kanya.

"I'll wait" sabi niya at niyakap niya ulit ako. Naramdaman ko din ang paghalik niya sa ulo ko.

"Can we stay like this kahit nga ilang minuto lang?" tanong niya pero hindi na ako sumagot. Sapat na siguro ang pagyakap ko din sa kanya pabalik.

Hayden's POV

Late na pala ako. Kung noon pa kaya ako gumawa ng move, ako kaya ang yakap yakap ni Akiexhia ngayon?

Akala ko walang chance na magustuhan ni Akiexhia si Steven dahil iisang buwan pa lang silang magkakilala pero the way she looks and talks to him, she already fell inlove with Steven.

Ano nga ba namang panama ko sa kanya? Siya mahal eh ako?

"Pre hindi pa naman sigurado kung mutual ang feelings nila" sabi ni Gray na biglang sumulpot sa tabi ko.

"Pinapaniwala mo lang ang sarili mo" sabi ko at iniwan na siya doon. Kung kaya niyang tiisin ang sakit, ako hindi.

I can't stand seeing her smiling and hugging him. I'm always dreaming na sana one day ako yung yayakap sa kanya, na ako lagi ang sasabihan niya ng I love you pero mukhang malabo ng dumating 'yon.

Hanggang dito na lang ata sa recorded naming pag-uusap ko maririnig na nag- I love you siya sa akin.

--------------

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon