Akiexhia's POV
Turn na namin sa music express! Even though paikot-ikot lang yung music express sobra akong nag-eenjoy kapag sumasakay ako dito.
As usual puro tawa ako habang pabilis ng pabilis yung ikot. Yung kasama ko naman baling tahimik.
"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya pagbaba namin, para kasing namumutla eh.
"Nakakahilo" tanging nasabi niya at napaupo na lang sa may upuan sa tapat.
"Hahahahahahahahahaha" tawa lang ako ng tawa habang tinitignan siyang nasusuka.
"Ano tara na" yaya ko sa kanya ng medyo mahimasmasan na siya kaso natatawa pa rin ako.
"Lagot ka sa akin Akiexhia, tara sa Surf Dance" sabi niya at hinila na ako papunta do'n. Bakit dito?
"Sigurado ka?" tanong ko pero ngumisi lang siya.
"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" sigaw ko ng magsimula ng umandar yung rides. Yung kasama ko naman tawa lang tawa.
Naman eh! Kaya ayoko dito eh! Ang taas na nga ng ikot umiikot pa pati yung pinakang sinasakyan namin.
Nung umikot na naman napayakap na lang ako kay Ash sa sobrang pagka-lula.
Pagbaba namin siya naman ang tawa ng tawa.
"I hate you!" sigaw ko sa kanya sabay hampas.
"Oops! Tumigil ka na, tara na dumadami na masyado yung tao mahihirapan na tayong mag-rides" sabi niya sabay hawak sa kamay ko. I don't know if it's just me or meron talagang sumusunod sa amin. Kanina ko pa napapansin na may nakatingin sa amin eh.
Kung ano anong rides pa yung sinubukan namin. Kagaya nung parang mini drop tower, feeling ko naiiwan yung kalahati ng katawan ko kapag biglang bababa eh. Tapos nag-try din kami sa horror house, nakakatakot lang kasi madilim tapos nakakagulat yung mga effects nila, pero mas natakot ako dun sa warning sa entrance "Beware of pick pockets" kinabahan ako bigla eh.
At ngayon roller coaster naman, then next na yung ferris wheel, at huli sa snow world.
"Ano kaya mo?" tanong sa akin ni Ash habang nakapila kami.
"Ako pa? Ikaw ang dapat tanungin, kaya mo ba?" mayabang na tanong ko sa kanya.
"Nahiya naman ako do'n sa payakap-yakap mo sa akin ano?" sarcastic niyang sabi kaya binatukan ko siya.
This is it, turn na namin.
"Waaaaaaaaaah" sigaw lang ako ng sigaw ng magsimula na.
"Open your eyes" sabi niya kaya nag-try ako na buksan yung mata ko kaso wrong timing pababa na sinasakyan namin ng imulat ko yung mata ko kaya lalo akong nalula.
"Takte ka Ash!" sigaw ko ng makababa na kami.
"Aba sabi mo kaya mo eh!" sabi niya sabay takbo papunta sa pila ng ferris wheel.
Para talagang may sumusunod sa amin eh. Luminga-linga ako para tingnan kung meron pero wala naman akong nakita kundi yung ibang nakapila.
Bahala na nga si Batman!
Pagkasakay namin parang nakita kong nakadungaw sa amin yung nakasakay dun sa katapat namin. Who's that? Nung mapansin niyang nakatingin ako sa kanya biglang nagtago, siya ba yung sumusunod sa amin?
Unknown POV
Nang-aasar ba talaga siya? Talagang sa extreme rides niya dinadala si Akiexhia para ano? Makayakap ng pasimple?
Peste talaga! Nakita pa ako ni Akiexhia kanina, sana hindi niya ako nakilala. Mukhang kanina la niya napapansin na may sumusunod sa kanila.
Ano bang meron sa kanila ni Ash? Bakit parang close si Ash at ang parents ni Akiexhia?
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Teen FictionUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018
