Chapter Twenty One

2.6K 82 2
                                    

Shiara's POV

"Yan, ang ganda este dyosang-dyosa ka na bes"

"Tigilan niyo ako sa pambobola niyo Chels ha" pagsusungit sa amin ni Asha.

Nandito kasi kami ni Chels sa bahay nila Asha para tumulong sa pag-aayos sa kanya.

Guess what? Ngayong araw na yung pageant, kaya itong si Asha ayun kanina pa ninerbyos.

"Umayos ka nga Asha, ang ganda ganda mo tapos nakasimangot ka dyan" sita ko sa kanya nung makita kong nakabusangot na naman siya.

Two days ago, noong nagkaayos kami, naging okay na rin kami ulit kila Tita Tricia, Mom ni Asha. Nung nalaman nila yung nangyari mas nagalit pa sila kay Kisses.

Ang sabi nila dapat daw expulsion yung parusa kay Kisses since bullying yung ginawa niya pero nagkausap na daw sila Tito Christian at si Mr. Monteverde na one month suspension at two months community service na lang ang punishment.

"Alin ba yung suot mo pagpunta doon?" tanong ni Chels habang hinahalungkat yung mga damit ni Asha.

"Yung casual daw muna"

Isinuot na ni Asha yung damit niya at inayos naman namin ni Chels yung make-up at yung iba pang dadalhin mamaya sa school. Masyado kasing pa-VIP yung make-up artist ni Asha kaya doon na lang daw sa School tatagpo, buti na lang magaling mag-make up si Chels.

"Girls okay na ba? Pupunta na tayo sa school"

"Hinihintay lang po namin matapos si Asha pagbibihis tapos bababa na po kami" sagot ko kay Tita Tricia ng puntahan niya kami dito sa kwarto.

"Bagay ba sa akin?" ay! Grabe siya maconcius sa sarili, bagay na bagay nga sa kanya eh.

"Hindi lang bagay Asha, it fits perfectly to you" sabat naman ni Chels sa nagmamaktol na si Asha.

"Oh siya smile na, at pupunta na tayo sa school"

Sumabay na kami sa kanila sa pagpunta sa school, quarter to five na rin pala.

"Girls magda-drive thru na lang tayo sa McDo, okay lang ba sa inyo?" tanong sa amin ni Tito Christian.

"Opo, okay lang po sa amin kahit ano naman pong ibigay niyo eh kakainin namin lalo na si Chels kaya lalong bumibilog eh" natatawa kong sabi kaya nahampas ako ni Chels.

"Dad, magc-cr lang ako, guys samahan niyo ako" aya sa amin ni Asha.

Hinintay na lang namin si Asha sa labas ng Cr, nung lumabas na siya bigla namang tumkbo tapos may pinulot. Ano yon?

"Sha ano yan?" tanong ni Chels tapos tiningnan yung hawak ni Asha.

"Guys remember Asi?" tumango na lang kami bilang sagot, naaalala ko pa iyon lagi niya iyong kinukwento sa amin eh, pero ang sabi niya eleven years na daw silang hindi nagkikita.

"Guys, ito yung keychain naming dalawa, kaso hindi ito yung akin. Kanya ito, nawawala kasi yung akin!" sandali kung doon yan sa Asi niya, don't tell me-

"BAKA NANDITO PA SI ASI!" sabay-sabay naming sigaw sabay tingin doon sa kabilang pinto, ang cr ng boys.

Dali-daling tumakbo si Asha palabas nog minding that she's wearing heels, My Gosh Asha!

"Ano nakita mo?" hinihingal naming tanong ng abuta namin siya.

Pero isang malungkot na ngiti lang ang isinagot niya sa amin. I know that she's still searching for that guy kaya ganoon na lang ang dissappointment niya ng hindi niya nakita si Ace.

Bumalik kami sa kotse nila ng nakatungo. Nagtaka pa nga yung parents niya pero nung pinakita niya yung keychain, they just patted Asha's shoulder, kahit kasi sila hindi din mahanap yung childhood bestfriend niya, Ace lang kasi yung binigay kaya ang hirap daw hanapin.

Ng dumating na kami sa school pinakain muna namin si Asha, tapos inayos na yung buhok niya.

We tried to cheer her up bago siys umakyat sa stage, and luckily napangiti din namin siya. Nasa may bandang unahan kami nakapwesto kaya kitang-kita niya kami. Inilabas na rin namin yung ginawa naming banner para sa kanya.

Steven's POV

Sh*t naman oh! Dapat hindi na ako pumunta doon sa cr edi sana hindi iyon nawala.

Kainis naman oh! Wala na akong nagawa kung hindi pumunta doon sa school ng hindi ko nahanap yung keychain.

Pagdating ko doon, nandoon na pala si Sungit. Dumaretso na ako sa backstage.

"Kanina ka pa diyan?" ganoon na ba ako kagwapo ngayon para magulat pa siya sa akin? Siguro mas gwapo ako ngayon kaya nagulat siya?

"Hoy! Tigilan mo yang pagpupuno ng hangin sa ulo mo mamaya pumutok yan sa kayabangan mo!" pagsususngit niya sa akin, imbes na sagutin yung tanong ko. Ang bait talaga nito aba!

"Bakit may ipagmamayabang naman ako ah! Masama nagyayabang eh pangit naman pala" sagot ko sa kanya tapos tiningnan niya maigi yung mukha.

"Wala akong sinabing gwapo ka at wala din akong sinabing pangit ka"

"Aba't! Bakit ano ako ha?" singhal ko sa kanya.

"Tao ka, TAO" bwiset na babae ito aba, baling gandang kausap.

"Alam kong tao ako!"

"Eh bakit nagtatanong ka pa kung ano ka?"

"Hep Hep, tama na iyang away kapag nanalo na kayo" putol ni Ma'am Guzman sa away namin.

"Ayos na ba yung mga susuotin niyo?"

"Opo"

"Yung sa talent portion niyo? Anong balita?"

"Nako Ma'am mapapabilib kayo sa galing ko doon" sabi ko ng taaa noo.

"Baka nalilimutan mong kasama mo ako doon sa talent portion" seryosong sabi niya sa akin sabay batok, masyadong sadista!

"Oo nga sabi ko nga" natatawa kong sabi sa kanya.

Iniwan na kami ni Ma'am dahil may aasikasuhin pa daw siya.

"Sungit if you don't mind, pwede ko bang malaman yung about kila Kisses?" umayos ka ng sagot ah maayos yung tanong ko sayo.

"Okay na kami nila Shiara at Chelsea si Kisses ang may parusa" what the! Yun lang talaga ang isasagot niya sa akin, hindi man lang inayos eh parang wala sa mood eh.

After noon natahimik na kaming dalawa kung hindi pa tumunog yung cellphone niya hindi mawawala yung awkwardness sa amin.

Sinubukan kong tingnan kung ano yung binabasa niya.

From: 09*********

Don't forget to smile, Goodluck.

I'll cheer for you, I know you can win this pageant.

Hahahahaha! May text mate pala si Sungit kaso bakit unregistered yung number.

"Boyfriend mo?" huli na nung narealize ko yung sinabi ko, mamaya isipin nito eh kung ano-ano.

"You don't care" ano pa bang aasahan kong isasagot nito!

Unknown's POV

Anong ginagawa ng magaling kong kakambal dito? At talagang may pa video cam pang dala ah.

Pero never mind, mukhang wala ng balak mag-reply si Akiexhia sa text ko, pero okay lang 'yon. I just hope that it can cheer her up.

Wondering where I got Akiexhia's number? Let's just say that my connection do it's job very well.

His POV

Parang tanga 'tong katabi ko aba! Makangiti wagas eh.

Tiningnan ko mula dito sa pwesto ko kung maayos ba yung pagkakahawak ng banner na ginawa ko para kay Akiexhia.

Hindi pwedeng ako ang maghawak noon edi nahalata ako. Pinahawakan ko doon sa iba naming kaklase na nasa may unahan.

Lumabas muna ako para tawagan yung mga contact ko na magchi-cheer kay Akiexhia, pwede namang magpa-pasok ngayon ng outsiders eh, mga dating barkada ko iyon tsaka yung iba pinsan ko.

'Wag lang sana silang makilala nung bwiset na 'yon.

----------------------

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon