Gray's POV
Dahil sa party kagabi eto kami ngayon at puro inaantok. Si Steven naman may dala pang pillow neck dahil talagang inaantok pa daw siya. Ano ba kasing trip ng principal namin at biglang may pa-announcement ng sobrang aga? Napilitan tuloy kaming pumasok ng maaga.
"Akiexhia, oh" rinig kong sabi ni Steven sabay bigay nung pillow neck, at inayos niya pa 'yung pagkakasandal ni Akiexhia. Konti na lang iisipin ko ng may something 'tong si Steven kay Akiexhia, kung hindi lang dahil mag-bestfriend silang dalawa talagang lahat ng makakakita sa kanila iisipin sila na.
Paano ba naman, kung magtitigan iba eh. Ang concern ni Steven, grabe kulang na lang bigyan ng yaya at bodyguard si Akiexhia.
Pagkatapos ng announcement na wala naman palang kwenta pinabalik na kami sa room. Ano bang pake namin sa renovation ng school?
"Akiexhia kanino galing 'yan kwintas mo?" medyo inis na tanong ni Steven. Kanino ng aba galing 'yon?
"Regalo ni Hayden" inosenteng sagot ni Akiexhia kaya kaming lahat maliban sa kanya napatingin kay Hayden. Si Akiexhia lang ata ang hindi nakakaalam ng meaning ng necklace as a gift.
"Alam mo ba ang mea-" hindi ko na natapos ang tanong ko dahil binatukan na ako ni Hayden.
"Basag trip din kayo ano?" tanong niya at lumabas ng room.
"Sha mamaya itutu-" hindi na din pinatapos ni Steven si Ara sa pagsasalita.
"Wag na, hayaan niyo na" sabi niya at padabog na umupo.
Si Akiexhia naman para talagang walang kaalam-alam sa nangyayari. Hindi ba siya aware doon?
Natapos ang isang buong araw na hindi nagsalita si Steven, as in tikom ang bibig. Bilang na bilang lang 'yung nasabi niya buong maghapon. Mukhang badtrip. Pagkatapos nung kaninang umaga hindi na 'yan kumibo.
"Galit ka ba?" nag-aalalang tanong ni Akiexhia kay Steven. Ayan na naman po sila, hindi ba nila alam na may isang Gray Watson na nagseselos dito? Babae at lalaki pa rin sila!
Simpleng tango lang ang isinagot ni Steven kay Akiexhia. Himala hindi siya nag-insist na ihatid si Akiexhia.
"Akiexhia hatid na kita sa inyo?" sabi ni Hayden at nang-aasar na tumingin sa amin. Napatigil naman sa pagsakay si Steven sa kotse niya.
"Diba kasabay mo si Kayden?" tanong ni Akiexhia.
"Hindi na, may pupuntahan pa 'yan. Diba Kayden?" tanong niya sa kakambal niya. At si Kayden naman napatango na lang.
"Baka dumating na 'yung sundo ko?" alinlangang sabi ni Akiexhia.
"Text mo na lang sabihin mo ako na maghahatid sa'yo" sabi niya na dahilan kung bakit padabog na isinara ni Steven ang pinto ng kotse na siyang nakapagpatahimik sa amin.
"Sa akin sasabay si Akiexhia" seryosong sabi niya habang nakatitig kay Hayden. Naglakad na agad siya papunta sa kotse niya ng walang imik.
"Akiexhia" seryosong sabi pa niya kaya napasunod na lang si Akiexhia pagkatapos magpaalam sa amin.
Pagkatapos noon umalis na agad sila.
"Sabi na nga ba" sabi ni Hayden habang nakangisi.
"Ha? Anong 'sabi mo na nga ba'?" tanong ko habang nagpo-form ng quotation sign sa kamay ko habang sinasabi 'yon.
"Selos lang ang g*go kaya ganyan. Tamo hindi din nakatiis siya din naghatid kay Akiexhia" tatawa-tawang sabi niya.
"Tinesting ko lang naman yun si Steven, sabi ko kapag pinabayaan niya na ako ang maghatid kay Akiexhia pauwi, hindi siya nabad-trip dahil sa nangyari kanina, eh lalo palang nainis. Sama ng mukha" dugtong pa niya at tsaka humagalpak ng tawa.
Nagkatinginan kaming lahat at mukhang lahat kami iisa lang ang nabuong conclusion sa utak.
The heck!
Akiexhia's POV
Buong byahe walang imik si Steven. Tanging 'yung radio lang nag-iingay dito sa sasakyan niya. Kung dati lagi kaming nagku-kwentuhan kapag ihahatid niya ako ngayon sa daan lang siya naka-focus at parang hindi niya ako kasama.
"May problema ka ba?" nag-aalangan kong tanong sa kanya. Hindi kasi ako mapakali na hindi niya ako kinakausap. Kaninang umaga lang niya ako kinausap noong tinanong niya kung kanino galing yung kwintas tapos hindi na niya ako pinansin. Hindi na ako sanay na hindi niya ako pinapansin.
Umiling lang siya pagkatapos ay itinuon na ulit ang atensyon sa daan.
Nag-text muna ako sa driver namin para hindi na ako sunduin. Pagka-send ko biglang nag-flash sa screen yung name ni Hayden. Bakit naman 'to tumatawag?
"Hello Hayden?" tanong ko at mula sa peripheral vision ko nakita ko ang bahagyang pag-kunot ng noo ni Steven.
"Kasama mo si Steven?" tanong niya at medyo rinig ko pa na may kasama siya kasi may mga tumatawa, narinig ko pa ngang pinagsabihan niya.
"Akiexhia anong sasabihin mo sa taong matagal mo ng hindi nakikita?" bigla niyang tanong sa akin. Sinagot ko na lang.
"I miss you" sabi ko.
"Eh kapag mahal mo ang isang tao?"
"I love you" sabi ko at pagkatapos kong sabihin 'yon biglang huminto 'yung kotse at buti na lang naka-seat belt ako kung hindi sumubsob yung mukha ko. Bigla namang kinuha ni Steven 'yung cellphone ko at kumunot ang noo.
Itinapat niya 'yon sa mismong bibig niya at nagsalita.
"F*ck you Dude" malakas niyang sabi sabay pabatong ibinigay sa akin 'yung cellphone.
After no'n wala na ulit nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay.
"Thanks" sabi ko at tumango lang siya at umalis na agad. Anong problema niya?
Pagkapasok ko sa bahay nagulat ako dahil nando'n sila Gray, Ara, Chelsea at yung kambal na humahalgpak ng tawa.
"Why are here?" tanong ko ng makalapit ako sa kanila.
Tiningnan lang nila ako at tumawa ulit. So pumunta lang talaga sila dito para pagtawanan ako?
"Oh girl manhid ka, manhid ka, walang pakiramdam" paulit-ulit nilang kanta habang tinuturo ako. Pati si Hayden at Gray nakikisali na din.
"Sandali nga ano bang meron at nag-gugumanyan kayo?" tanong ko pero ngumisi lang sila sa akin.
"Oh girl manhid ka, manhid ka, walang pakiramdam" kumanta lang ulit sila imbis na sagutin ang tanong ko. Bakit ba nababaliw sila ngayon?
Tapos biglang tumayo si Gray at Chelsea, si Gray parang nagmamaneho tapos si Chels may kausap sa phone.
"Hello Hayden?"
"Kasama mo si Steven?" tanong ni Hayden na medyo nakalayo sa kanila. Nagro-role playing ba sila?
"Oo" sagot ni Chels.
"Akiexhia anong sasabihin mo sa taong matagal mo ng hindi nakikita?" tanong ni Hayden habang nakatapat ang cellphone niya sa tenga. Sandali 'yan yung usapan namin kanina ah!
"I miss you"
"Eh sa taong mahal mo?".
"I love you"
Tapos biglang kinuha ni Gray yung cellphone ni Chels at nagsalita.
"F*ck you Dude!" at nagtawanan ulit sil, and again kumanta na naman.
"Yung isa diya nakiki-asar pero nag-seselos na din naman" kantyaw ni Ara sa kung kanino man.
"Minamasdan kita ng hindi mo alam" panimula ni Chels sa kanta at natatawang tiningnan si Hayden.
"Gusto niyo bang mag-videoke? Pwede naman 'wag lang dito at ang ingay niyo!" sabi ko sa kanila na nagpalaki ng ngisi nila.
"Tawagan niyo si Steven dali, sabihin mo manganganta tayo dito kila Akiexhia, sabihin mo si Akiexhia nag-yaya" sabi ni Ara kay Kayden. Aba't kinasangkapan pa ako!
"Oh girl manhid ka, manhid ka, walang pakiramdam" paulit-ulit pa nilang kanta habang nakaturo sa akin.
Paano ako naging manhid? Nasasaktan naman ako kapag kinukurot ko ang sarili ko ah!
-------------

BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Ficção AdolescenteUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018