Akiexhia's POV
Monday na pala. Ibig-sabihi-
"Happy Birthday Princess!" bungad nila Daddy pagkabukas ng pinto ng kwarto ko. Dali-dali silang sumampa sa kama ko at yumakap sa akin.
"Hindi na talaga baby ang anak ko, dalaga na" sabi ni Daddy sabay halik sa pisngi ko.
"Dad hindi pa ako naghihilamos" saway ko sa kanya pero tinawanan lang nila ako ni Mommy.
"By the way here's our gift for you" sabi ni Mommy sabay buhat ng isang box na mukhang ang bigat.
Binuksan ko ito agad at tumambad sa akin ang samu't saring mga libro.
"Nagustuhan mo?"
"Super, Mom. Thank you. Love you both" sabi ko sabay yakap sa kanilang dalawa.
Pagkatapos noon bumaba na sila at nag-ayos na ako para makapag-breakfast na rin ako.
After noon umalis na ako at pumasok. Tiningnan ko din yung phone ko at nakita ko ang samu't saring greetings nila. Akala ko nalimutan nila eh.
Pagdating ko sa school dumiretso na ako sa room, naabutan ko agad sila doon kasama sila Gray, yung kambal, at si Steven.
Lumapit agad ako sa kanila dahil may naalala ako.
"Gray, nasaan si Ash?" tanong at umupo sa tabi niya.
Sasagot na sana siya ng may biglang sumingit.
"Bakit mo hinahanap?" sabay na tanong ni Hayden at Steven.
Napatahimik naman ang lahat dahil doon. Okay, so anyare sa kanila?
"Ahem!, sandali nga Ara paa mo naapakan yung buhok ni Asha" sabi ni Chels kaya napalingon naman ako sa kanya pero siya nakayuko at akala mo may pinupulot kahit wala.
"Sandali akin na nga ibe-braid ko" sabi naman ni Ara.
"Oh eto panali" gatong naman ni Kayden na lalong nagpalito sa amin.
"Ha?" tanging nasabi ko dahil masyado akong nalilito.
"Why so dense Asha?" Sabi ni Ara na nagpatahimik sa akin. Paano ako naging dense?
"Sandali nga!" sabi naman ni Gray kaya napunta sa kanya ang tingin nung tatlong baliw namely Ara, Chelsea and Kayden.
"Selos siya!" sabay-sabay na pang-aasar nung tatlo kaya namula si Gray.
"Bakit magseselos?" takang tanong ko.
"Syempre-"
"May gusto nga sa'yo diba" hindi na nakasagot si Kayden sa tanong ko dahil pabalang na sumingit si Steven.
"Isa pa 'to" sabi ni Ara na nagpatawa sa kanila.
"Anyare sa kakambal mo?" tanong ko kay Hayden na mukhang matino pa naman.
"Concern ka na sa kanya?" seryoso niyang tanong sa akin at parang ewan pang makatingin kaya napa-atras ako.
"Pati ba naman ako, pagselosan daw?" natatawang tanong ni Kayden habang nakatingin kila Ara.
"Torpe"
"Deadma ang peg"
"Ikaw?" sabi nila sabay turo kila Hayden, huli kay Steven.
"Anong ako? Tigilan niyo ako sa kalokohan niyo, mga utak niyo ang malilisyoso!" bulyaw sa kanila ni Steven.
Nagkatinginan muna sila Kayden bago sabay-sabay na nagsalita.
"DENIAL" sabi nila at humagalpak ng tawa.
"Anong meron?" tanong ko na lalong nagpalakas ng tawa nila Kayden.
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Teen FictionUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018
