Chapter Ten

3.1K 117 0
                                    

Steven's Pov

Sinundan ko si Akiexhia nang lumabas siya ng room. Ewan ko ba sa sarili ko at bigla nalang akong naging concern sa kanya. Siguro nakikita ko si Istel sa kanya sa tuwing nalukungkot o umiiyak siya. Para kasing magkapareho silang dalawa sa tuwing may umaaway kay Istel madalas umiiyak pero minsan lumalaban parang si Akiexhia kaso siya hindi lumalaban. Sandali nga bakit ko ba sila pinagkukumpara eh magkaiba naman sila at hinding-hindi sila magkakapareho.

Saan ba pupunta 'to si Akiexhia kanina pa lakad ng lakad. Maya-maya nakita ko siyang umupo sa may damuhan sa ilalim ng puno dito sa may likod ng building ng Sophomore mukhang ito ang haven niya ah.

Nilapitan ko si Akiexhia pero mukhang hindi nya ako napapansin kaya umupo na ako sa tabi niya.

"Anong ginagawa mo dito iwanan mo nga ako gusto kong mapag-isa!!" singhal niya sa akin. Tingnan mo 'to umiiyak na at lahat ang sungit parin.

"Bakit ikaw lang ba ang pwedeng pumunta dito?"tanong ko sa kanya na siyang magpatahimik sa kanya.

"Pasensya na. Nasanay lang kasi ako na ako lang lagi dito,nasanay ako na sa lahat ng gagawin ko dito sa school wala akong kasama" sabi niya na. Alam niyo gusto ko saan siyang tawanan dahil sa kadramahan niya pero hindi ko magawa kasi alam kong malungkot siya. Tapos yang paghingi niya ng pasensya unang beses din yan.

"Eh bakit ka nag-iisa bakit hindi mo isama yung mga kaibigan mo?" tanong ko sa kanya. Aba malay niyo ba kahit wala syang kinakausap dito eh mayroon parin siyang kaibigan.

"Simple lang,wala akong kaibigan. Alam mo ba ikaw lang ung kauna-unahan kong nakausap ng ganito kung kumausap man ako ng kaklase ko isang tanong isang sagot lang ako" paano nangyaring wala siyang kaibigan.

"Siguro nagtatakha ka kung bakit wala akong kaibigan no?" tanong niya sa akin.

"Eh bakit nga ba?" curious kong tanong.

"Hindi ko din alam eh pero noon may kaibigan naman ako nung elementary pa ako sa pagkakatanda ko yun yung panahon na marunong pa akong ngumiti" sabi niya na syang nagpalungkot sa mukha niya.

"Alam mo Steven hindi ko alam kung bakit nila ako iniwan tinuring ko silang kapatid pero wala parin,kung sabagay ako lang naman si Akiexhia wala namang special sa akin para gustuhin nilang maging kaibigan" sabi niya at tuluyan na siyang umiyak.

Hindi ko alam kung anong ngatulak sa akin para yakapin siya at hayaan siyang umiyak sa balikat ko.

"Tumahan ka na diba sabi mo iniwan ka nila so they are not worthy of your tears" sabi ko habang nakayakap parin sa kanya hindi naman siya pumalag nang niyakap ko siya kasi nga humahagulhol na siya.

Ilang sandali pa bumitaw na siya sa yakap ko at nagpunas ng luha gamit yung panyo niya.

"Akiexhia matanong ko nga bakit hindi ka man lang pumalag kanina nung iniinsulto ka ni Kisses?" tanong ko kay Akiexhia na may tinitingnan na keychain.

"Tama na yung ginawa ko nung nasa quadrangle kami at tsaka na ito yung isa pang sagot" malungkot na sabi niya sabay abot ng keychain na may picture. Picture yon ng apat na batang babae na nakauniform din ng pang M.G University. Pare-parehas silang naka pigtails at magkaka-akbay. Kung ito ang sagot eh anong connect.

"Paanong ito ang sagot?" curious kong tanong,lumapit naman siya mg konti sa akin tapos isa-isa niyang itinuro yung mga batang babae.

"Ito si Kisses,sunod si Chelsea,si Ara at ako" turo niya dun sa mga babae habang nakangiti pero malungkot parin siya.

"Sila na kaklase natin?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo sila yung mga kaibigan ko nung elementary pa ako dito din kami noon nag-aaral but unfortunately few months before the graduation nag-away kami este sila at ako noong araw na iyon din nila ako pinagtabuyan. Kaibigan ko sila noon kaya hindi ko sila magawang patulan iniwan man nila ako pero ayoko parin silang masaktan kung sakaling pumatol ako" sabi niya at umiyak na naman siya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya. Siguro kaya ako ganito kasi ayaw ko lang na may nakikita akong babaeng umiiyak.

"Shhh... Huwag ka ng umiyak kung iniwan ka na nila wala ng dahilan para iyakan mo sila kung ayaw nila sayo hayaan mo sila hindi ikaw ang kawawa sila yun kasi iniwan nila yung isang katulad mo na mapagmahal na kaibigan" sabi ko habang hinahagod ko yung buhok niya. Ganito kasi yung ginagawa ko sa tuwing umiiyak si Britney at si Mommy.

Kumalas na siya sa yakap ko at nagpunas na ulit ng luha.

"Thank you Steven,kahit papaano gumaan yung pakiramdam ko salamat din kanina" sabi niya habang nakangiti.

Tumayo na ako at pinagpagan ang uniform ko. Inabot ko sa kanya yung kamay ko na tinanggap naman niya.
Sabay na kaming naglakad pabalik ng room.

Napansin ko lamg kahit umiyak siya kanina ng umiyak wala manlang bakas ng luha,pamumula o pamumugto ng mata niya parang si Istel kahit humagulhol siya buong maghapon hindi namumugto yung mata niya. Ano ba yan pinagkukumpara ko na naman silang dalawa.

Malapit na kami sa room ng makasalubong namin si Ms. Guzman teacher namin sa physics na nagbigay ng punishment sa amin.

"Akiexhia nabalitaan ko yung nangyari kanina hayaan mo't napagsabihan ko na sila Kisses,by the way ano ng progress ng preparation niyo?" sabi ni Ms. Guzman. Diba improving alam ko na yung pangalan ng teacher namin.

"As of now po pumipili na po kami ng damit na susuotin namin para sa contest" sagot ni Akiexhia.

"Ganoon ba sige umuwi na kayo wala na kayong pasok ngayong hapon may aasikasuhin ang mga teachers" sabi ni ma'am at iniwan na kami.

"Hoy umuwi na raw tayo nakatayo ka parin dyan tayo na lang ang natitira" tawag sa akin ni Akiexhia. 'tong sungit na to matapos kong icomfort gaganyanin lang ako.

"Maka hoy ka ah" sabi ko pagpasok ng room at tama nga sya kami nalang ang natitira dito.

"Eh paano ba naman nakatulala ka doon mukha kang tanga" sabi niya ng nakatalikod sa akin at palabas na ng room.

"Maka tawag naman ng tanga ang talino mo ha grabe" sabi ko in sarcastic way.

"Direct ko bang sinabing tanga ka ha ang sabi ko mukha kang tanga yun lang" sabi niya at nilayasan ako. Akiexhia will always be Akiexhia,pero mas okay na rin yung ganyan siya kaysa umiiyak.

Ngayon alam ko na, may pagkakatulad talaga siya kay Istel.

Akiexhia's Pov

Hayyyy.........buti na lang kinomfort ako ni yabang kanina kung hindi, malamang hindi ko mailalabas yung sama ng loob ko.

Pero hindi kasama dun yung yakapan portion ha. Yung yabang na yun kasi masyadong feeling close may nalalaman pang yakap.

But aminnin ko man o hindi nakatulong yun na mapagaan ang loob ko lalona yung mga comforting words niya pero pinakatumatak sa akin ay yung:

"Huwag ka ng umiyak kung iniwan ka na nila wala ng dahilan para iyakan mo sila kung ayaw nila sayo hayaan mo sila hindi ikaw ang kawawa sila yun kasi iniwan nila yung isang katulad mo na mapagmahal na kaibigan"

Kahit pala mayabang yun marunong pala syang mag-comfort naaalala ko tuloy sa kanya si Asi sa tuwing pinapatahan niya ako.

Hayys... Naalala ko na naman sya.

****************
Hope you like this chapter.
✨💎💎✨💎💎✨
💎💎💎💎💎💎💎
💎💎💎💎💎💎💎
✨💎💎💎💎💎✨
✨✨💎💎💎✨✨
✨✨✨💎✨✨✨

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon