Chapter Forty Four

2.1K 66 0
                                        

Steven's POV

"See you on Monday guys!!"

Kakabalik pa lang namin galing sa pagro-roadtrip na tinulugan lang naman ng girls. Dito kami dumaretso kila Akiexhia dahil andito ang kotse namin.

"Uwi na kami" kaway sa amin nila Hayden. Ng makaalis na sila bigla akong kinalabit ni Akiexhia.

"Andito ka pa?"

"Bakit ayaw mo bang andito ako? Ayaw mo ba ak-" hindi na niya ako pinatapos sa sasabihin ko at tinakpan na niya ang bibig ko gamit ang kamay niya.

"May sinabi ba ako? Kung pumasok kaya muna tayo ang lamig-lamig na eh" reklamo niya sa akin.

"Yakap gusto mo ulit?"

"Heh! Tumigil ka diyan!"

"Hindi ko naman sasabihin sa kanila 'yon. Ako lang ang pwedeng mang-asar sa'yo tungkol sa bagay na 'yon. Maliwanag?" sabi ko sa kanya habang inilalapit ko ang mukha ko sa mukha niya hanggang sa maglapat ang noo namin. Namula naman siya dahil doon.

"Oo na. Dami mong arte, papasok ka ba o hindi?"

"Tara na" sabi ko at hinawakan siya sa kamay at tsaka hinila sa loob.

"Oh Steven, dito ka na maghapunan ha" anyaya sa akin ng parents niya. Syempre pumayag na ako.

After naming maghapunan, uuwi na ako. Kanina pa kasi nagte-text si Mommy, hindi ko naman magalaw ang cellphone ko dahil kumakain kami.

"Uuwi na ako. Sleep tight, I love you Sungit" sabi ko at tsaka siya hinalikan sa noo.

"Alright. Take care" sabi niya at ngumiti.

Pagkapasok ko sa kotse tiningnan  ko agad ang cellphone ko.

From: Mommy

Anak, may emergency sa company natin. I really need your help. Tutulungan mo naman si Mommy right?

What the heck! Paano nangyari 'to?

Akiexhia's POV

From: Steven
6:15 AM October 4

Goodmorning Akiexhia. I hope you sleep well. Kumain ka nang breafast ha! Ayokong nagugutom ka. Don't forget to smile, mas maganda ka kapag nakangiti ka. Always take good care of yourself, lalo pag wala ako sa tabi mo.

I LOVE YOU SUNGIT.

No'ng una ko 'tong ma-receive, ngiting-ngiti ako. Kikinilig pa nga ako. Sino ba naman kasing hindi mapapangiti kung ganyan ang bubungad sa'yo.

Kaso, that was already a month ago. Last month pa 'yang text niya at hindi na ulit nasundan.

Every morning may text siya sa akin, pagkareply ko sa kanya tumatawag agad siya. Gano'n yung lagi niyang ginagawa, that became his habit since the day na umamin siya sa akin.

Pero hindi ko alam kung bakit biglang nawala. Nung unang beses siyang hindi nakapag-text sabi ko sa sarili ko baka nakalimutan lang, hanggang sa ikalawang pagkakataon. Pero ng isang buong araw na ang lumipas at wala pa rin nagtaka na ako. Hanggang sa sumunod na araw wala.

Kahit sa school hindi na rin niya ako pinapansin. Ganitong-ganito yung nangyari noon bago siya umamin. Kapag tinatanong ayaw sumagot. Ang gulo niya. Kapag tinatanong nagagalit.

Flashback

"Steven may problema ka ba?" tanong ko sa kanya kasi tulala naman siya. Isang linggo na din niya akong hindi pinapansin.

"Wala. Don't mind me" sabi niya at ngumiti pero yung ngiti niya hindi man lang umabot sa mga mata. There's something with his smile.

"Don't mind about me? Mukha mo! Ilang linggo ka ng ganyan!" inis kong sabi sa kanya, paano ba naman isang tanong isang sagot tapos tatalikudan na ako.

"Wag mo na nga akong intindihin"

"Ano ba talagang problema mo? 'Wag intindihin? Eh halos lahat kami pansin na lagi kang tulala tapos ni isa sa amin wala kang pinapansin. Sa ilang linggo kang ganyan, ni minsan ba sumagi sa isip mo na nag-aalala kami sa'yo? We care for you tapos kung sumagot ka parang binabalewala mo lahat 'yon?" mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya. Naiinis na kasi ako! Hindi ko naman siya masigawan dahil baka lalo lang lumala.

"Akiexhia, pwede ba? Just this once, leave me alone. Kailangan kong mag-isip. And don't act as if ikaw ang nasa katayuan ko, hindi mo kasi alam" sabi niya sa akin na parang nagtitimpi na din siya.

"Then tell me! Paano ko ba kasi malalaman kung lagi kang ganyan!"

"Hindi mo din naman maiintindihan Akiexhia!"

"Then make me understand"

"Bakit ba ang kulit mo! Hinding-hindi mo ako maiintindihan kasi hindi ako ikaw. Hindi ikaw ang pumu-problema, hindi ikaw ang nahihirapang mag-isip. Pwede ba? Makisama ka naman, kung alam mo ng may problema ako manahimik ka na lang, wala ka din namang maitutulong!" nagulat na lang ako sa bigla niyang pagtataas ng boses sa akin. Never niya 'yong ginawa sa akin, siya pa nga mismo ang nagsabi na ayaw niyang sinisigawan ako katulad ng ginawa nila Kisses tapos siya ang gagawa?

Hindi na ako sumagot at umiiyak na lumabas ng room. Dali-dali namang sumunod sa akin sila Ara.

End of Flashback

Pagkatapos ng usapan naming 'yon hindi na nasundan as in wala na kaming pansinan. Kahit ano ngang pang-aasar ni Kayden na para na daw talagang kami kung mag-LQ wala eh, parang wala siyang naririnig kung dati susulsulan pa niya, ngayon ewan ko sa kanya. Lakas magpa-baliw ng loko.

Bakit ba ang sakit niyang magsalita? Paano niya nasabi 'yon sa akin?

"Hoy tulala ka na din. Iniisip mo 'yong sagutan niyo ni Steven?" tanong sa akin nila Ara, habang andito kami sa kwarto ko. Tumango na lang ako bilang sagot at tsaka napa-buntong hininga.

"Sa tingin niyo lumampas ako sa boundary ko?" tanong ko nagpatawa sa kanila.

"Anong boundary?"

"Yung namamagitan sa amin. I'm his bestfriend and he's my suitor. Lumampas na ba ako, mali ba 'yung mga nasabi ko?" tanong ko sa kanila.

"Akiexhia, kahit mapa-kaibigan o girlfriend ka man niya hindi mo masasabing lumampas ka sa 'boundary' mo, you're just concerned. At tsaka malay mo may problema talaga 'yung tao" sabi sa akin ni Ara.

"Eh bakit ayaw niyang sabihin, kahit sa akin. Wala ba siyang tiwala sa akin, sa atin?" takang tanong ko.

"Akiexhia may mga bagay kasi na minsan pinipiling itago na lang, hinaltayin mong siya ang magsabi sayo. For sure ikaw din naman ang sasabihan no'n, you're the closest to him among us" pagpapalubag loob sa akin ni Chelsea.

"Eh hindi na nga ako kinakausap, one month na. Tingnan mo nga 'yang text sa akin, October 4 pa, ano na ngayon? November na!" inis kong sabi sa kanila.

"Hindi nagte-text sayo kahit tawag?"

"Hindi nga, kaya nga napaparanoid na ako"

"We'll call Hayden, baka may alam 'yon. Siya ang pinakamatinong pwedeng kausapin ni Steven bukod sayo" sabi nila sa akin. Nagda-dial na sila ng tumunog ang cellphone ko.

"Guys 'wag niyo ng tawagan si Hayden, nag-text na si Steven"

From: Steven

Let's meet. Mamaya 3pm, sa park ng subdivision niyo.

Bakit hanggang text ang cold niya? Bakit kinakabahan ako?

"Sha 'wag kang paranoid. Malay mo.." pabiting sabi ni Ara habang nagta-taas baba ang kilay.

Malay mo ano?

---------------

One chapter left.

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon