A/N dedicated to Dahreeenriquez-10 thank you for adding my story to your reading list at sa iba pang nag-add ng story ko sa reading list nila. And sa lahat ng nag-vote thank you 😘😘😘😘😘. I really appreciate that. TY sa mga readers kung meron joke!!!👍👍👍👍
********************************
Akiexhia's Pov
Itinuro ko na kay yabang ang directions papunta sa office ni Ate Chloe. Masakit parin ang ulo ko at wrong timing pa hindi ko dala ung gamot ko.
May nakita akong drugstore kaya ipinatigil ko muna ung kotse ni yabang.
"Hey, can you stop the car bibili lang ako ng gamot ko" sabi ko na ikinakunot ng ulo niya.
"Anong gagawin mo sa gamot?" napa-irap na lang ako sa kanya seriously wala siyang idea kung ano ang gagawin doon?
"Malamang iinumin" sagot ko sa kanya para kumirot na naman ung ulo ko.
"Alam kong iinumin mo ung gamot what I mean is bakit kailangan mo ng gamot?" sabi niya habang ipina-park ung kotse.
"Pwede ba mamaya ka na lang magtanong pagbalik ko I badly need my medicine right now" sabi ko sabay labas ng kotse niya.
Bumili na ako ng gamot ko pati narin ng mineral water sa kotse na lang ako iinom ng gamot.
Pumasok na ako ng kotse at iinom na sana ng gamot ng bigla niyang paandarin yung kotse.
"Hoy ano ba magdahan-dahan ka nga kita mong iinom ako ng gamot tapos bigla mong paaandarin ung kotse" sabi ko habang hinihilot ang ulo ko.
"Aba malay ko ba akala ko nakainom ka na ng gamot bakit kasi hindi mo pa kanina ininom yan mamaya matapunan mo pa ng tubig itong kotse ko" sabi niya with his so arrogant voice.
"Manahimik ka na nga lang dyan lalong sumasakit ung ulo ko sa kayabangan mo" sabi ko habang hinihimas ang sintido ko dahil kumikirot na talaga ung ulo ko.
"Pwede ba mamaya ka na magsungit ituro mo na kung nasaan ung designer mo dahil 4:50 na" sabi niya habang ipinapakita ung wrist watch niya. Sandali ano 4:50 na hala patay ilang oras na lang.
Itinuro ko na sa kanya ung direksyon at nag-drive lang siya papunta doon buti naman at tahimik itong unggoy na ito.
Nakarating na kami sa boutique ni ate chloe tuloy tuloy lang ako papasok sa boutique hanggang makita ko si ate chloe.
"Hi Ate Chloe pwede bang makita ung mga designs mo ng formal,casual,sports wear,gowns and kung ano pwedeng ipasuot dito sa lalaking ito ung magma-match sa gown ko" sabi ko
"Hoy anong kahit anong pwedeng ipasuot sa akin para sabihin ko sayo hindi ako nagsusuot ng kahit ano lang baka ikaw pwede pa" sabi niya. Gosh he's so arrogant.
"Hoy yabang hindi ako nagsusuot ng mga damit na cheap or anything na may kaparehas I only wear one of a kind clothes" sabi ko while raising my eyebrow.
"Well I don't care bilisan mo na lang ng makapili na tayo tapos ihahatid na kita sa inyo" sabi niya sabay lakad palayo.
Nakakainis siya sobra, I hate him kung hindi lang dahil dyan sa punishment na iyan hindi ako magtitiis na makasama yang unggoy na iyan.
I swear itaga man sa bato pumuti man ang uwak maging dalawa man ang moon makapunta man ako ng outer space ng walang rocket ship I really hate him.
Kaunting tiis pa pero halos isang buwan pa iyon eh bakit kasi ang aga magpa-prepare ni ma'am pwede namang sa susunod na lang. But may advantage din naman ito kasi kung sa susunod pa kami maghahanda baka kapusin kami sa oras kasi mauuna ang bangayan bago ang paghahanda.
Naibigay na sa akin ni ate chloe ung mga designs niya so pipili na lang kami ni yabang. Lumabas na ako ng boutique para hanapin ung unggoy na iyon. Kaimbyerna pahihirapan pa akong maghanap nung lalaking yun masakit na nga ulo ko.
Saan ba yun nagpunta sobrang sakit na kasi ng ulo ko parang any time magco-collapse na ako na sana huwag mangyari.
Napahawak na lang ako sa pader dito sa tabi ko ng makaramdam ako ng hilo,parang konti na lang babagsak na ako. Lalakad na sana ako ng everything went black.
Steven's Pov
Lumabas muna ako sa boutique na iyon para mag-cr. Pabalik na ako dun sa boutique ng makita ko si sungit na lumabas na parang may hinahanap, naku sigurado akong ako hinahanap niyan patay ako pag nakita ako niyang sungit na yan tatalakan na naman niya ako.
Tapos maya-maya bigla siyang napahawak dun sa pader sa tabi habang ung kabila niyang kamay nakahawak sa ulo niya. Sh*t unti-unting bumabagsak si Akiexhia kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya buti na lang nasalo ko siya.
"Hey, Akiexhia wake up" sabi ko habang tinatapik ung pisngi niya. Pero ayaw niyang gumising buti nalang may nakita akong clinic na malapit dito sa boutique kaya dinala ko siya. Binuhat ko siya ng di pinapansin ung mga tao.
Nung nadala ko na siya dun inihiga ko muna sya sa cot tinanong ako nung nurse kung anong nangyari kaya sinabi ko na nahimatay siya bigla.
"Uhmm, sir baka po napagod siya or baka may sakit siya kaya siya nawalan ng malay" sabi nung nurse wait.
"Ahh baka po dahil masakit ulo niya kanina pa po niya yun ininda eh" tumango ung nurse sa akin tapos sinabi niya na hintayin ko nalang daw na magising si Akiexhia tapos pwede na daw kaming umuwi.
Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama niya dahil inaantok na ako,hindi ko na namalayan na nakatulog na ako.
Akiexhia's Pov
Nagising ako na puro puti ung nakikita ko ang natatandaan ko lang sumakit ung ulo then.......hala nawalan nga pala ako ng malay pero paano ako napunta dito.
Naramdaman ko na may nakahawak sa kamay ko kaya tiningnan ko iyon and to my surprise what the fudge!!!!!
"Ahhhhhh, Steven let go of my hand,hey wake up let go,ahhhhhhhh" sigaw ko kaya nagising siya bigla.
"Ano ba iyan ang ingay mo kitang natutulog ako eh" sabi niya pero sumisigaw parin ako dahil ung kamay ko hawak parin niya.
"Ung kamay kooooooo-" di ko na natapos ung sasabihin ko nang takpan niya ung bibig ko gamit ung kamay niya.
Binitawan na niya ung kamay ko dahil nagulat din siya sa sinabi ko.
"Bakit hawak mo ung kamay ko ha??" tanong niya sa akin. Aba siya pa may ganang mag-tanong eh ako nga dapat ang nagtatanong sa kanya.
"Bakit ako tinatanong mo pagkagising ko nga hawak mo na ung kamay ko!!!" bulyaw ko sa kanya.
"Ako hahawakan yang kamay mo asa ka naman baka ikaw pa ung humawak sa kamay ko,tumayo ka na nga lang dyan at uuwi na tayo gabi na bukas nalang natin to ituloy" sabi niya with his arrogant voice. Ang yabang talaga niya ako daw humawak sa kamay niya asa naman siya masyado assuming as in aso na ming ming pa. Wait gabi na ilang oras ba akong nakatulog.
Lumabas na ako sa clinic na iyon ng hindi iniintay si yabang papara na sana ako ng taxi kaso naalala ko hindi ko nga pala alam kung taxi ba ang dapat kong sakyan argghhhhh bakit kasi hindi ako marunong mag-commute so no choice ako kundi bumalik dun sa parking lot naabutan ko si yabang na nakatayo sa harap sa harap ng kotse niya hindi ko na lang siya pinansin at sumakay na sa kotse niya.
Nakarating na kami sa bahay ko mga bandang 7:55 bumaba na ako sa kotse niya at papasok na sana sa bahay ng may maalala ako.
"Steven" tawag ko sa kanya kaya lumingon siya sa akin. "Thank you" sabi ko tapos nag smile ako ung hindi fake ewan ko ba sa sarili ko kung paano ako nakangiti ng ganun. Tumango lang sa akin si Steven tapos umalis na sya. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nag thank you sa kanya kasi mabait ako joke sabi kasi sa akin ni Asi lagi daw ako magte-thank you kahit inis ako sa isang tao basta daw may nagawa daw itong maganda sa akin. Hayy...ang dami talagang naituro sa akin ni Asi. Kaya miss na miss ko na iyon eh.
Makapagpahinga na nga, *yawn* inaantok na rin kasi ako. And ayun na nga pumasok na ako sa bahay namin para magpahinga na.
******************
Enjoy reading. Love lots 💞💞💞💞💞💗💗💗💗💗💓💓💓💓💟💟💟💟
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Novela JuvenilUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018
