Chapter Fifteen

2.8K 97 1
                                        

Steven's Pov

"Sasayaw tayo"
"Hindi kakanta tayo"
"Sayaw"
"Kanta sinabi eh"
"Ikaw ung makulit eh sinabing sayaw"
"Kanta nga"

Takte talaga 'tong babaeng ito eh.
Kanina pa kami nagtatalo kung anong ita-talent namin sabi sumayaw na lang kami pero ipinagpipilitan niyang kumanta na lang daw kami, ano siya sinususwerte? Sa gwapo kong ito uutusan niyang sumunod sa kanya no way!

"Hoy ano puro kayabangan na naman yang nasa utak mo, intimdihin mo nga itong problema natin!" ito talagang babaeng 'to makabulyaw sa akin.

"Oh kanina nagsa-suggest ako ayaw mo ngayon na nanahimik ako nagagalit ka, anong problema sungit ha?" tanong ko sa kanya napahalukipkip naman siya with her oh-so-sungit-look.

"Problema? Ikaw kaya iyon ayaw mo muna kasing intindihin kung bakit ko ipinagpipilitan na kumanta na lang tayo kesa sumayaw" sabi niya sa akin sabay bato ng crumpled paper. Aba! S'ya pa ang may ganang magalit.

"Alam mo sungit kaya gusto kong sumayaw na lang kasi kahit magkamali ka eh ayos lang madadala ko naman sa charms" sabi ko sa kanya sabay kindat binato na naman niya ako, this time yung tsinelas na niya ang ibinato sa akin. Ang sakit, putek ang lapit-lapit niya sa akin tapos ang lakas ng pagkakabato niya.

"Kilabutan ka nga sa sinasabi mo kung yung iba nadadala mo sa lintek mong charms aba hindi ako kaya tigilan mo ako  sa kayabangan mo. Isa pang magyabang ka dyan itong stapler ang ibabato ko sayo" sabay tutok sa akin nung stapler, bakit kasi nandito itong stapler na ito yun tuloy ang nakita ni sungit.

"Chill sungit lalo kang nagmumukhang lola niyan eh" sabi habang nakangisi.

Napatingin naman siya sa akin sabay hawak sa stapler, oops napikon ang dragon.

"Pikon si lola sungit" natatawa kong sabi.

Ang sarap asarin ng taong pikon lalo na si Akiexhia.

"Manahimik ka na lang pwede at baka maibato ko talaga sa iyo itong stapler na ito, pasalamat ka kailangan yang mukha mo sa pageant na yun kung hindi kanina ka pa nanghiram ng mukha sa aso"
Sabi niya sabay bato sa akin ng lapis, takte anong problema niya at namamato siya ng kung ano-ano.

"Hoy yabang ipapaliwanag ko sa iyo kung bakit ayaw kong sumayaw una sa lahat hindi ako marunong huwag kang magkakamaling mang-asar ipapakain ko sa iyo itong staple wires,pangalawa ayaw kong makasama kang sumayaw dahil para kang ewan mas maayos kapag kumanta na lang tayo marunong ka naman sigurong kumanta diba?" sabi niya habang nakangisi, anong tingin niya sa akin hindi marunong kumanta kung maririnig lang niya yung boses kong napakagan-- "Aray" takte talaga itong babaeng ito makabatok wagas eh.

"Ano tapos ka na bang magyabang sa sarili mo?" tanong niya sa akin habang naka-amba ung stapler. Seriously anong problema niya dun sa stapler.

"Marunong ako kumanta at hindi lang marunong magaling pa kaya sige na nga pagbigyan na si lola sungit at baka mahampas pa ako ng walis mamaya" sabi ko sabay ngisi.

Kaya ano pa bang aasahan niyo edi ayun nahampas na naman niya ako.

"Ok so settled na ung gagawin natin ang kailangan na lang is song, anong gusto mong kantahin?" sabi niya sa akin with her bored look.

"Anything is fine with me as long as hindi tayo mapapahiya" sabi ko sa kanya.

"Do you know the song Pangarap lang kita by Parokya ni Edgar?" tanong niya sa akin sabay patugtog nung song.

May pagka-corny din pala itong sungit na 'to ah.

"Kung iniisip mong corny akong tao baliw ka na noon narinig ko lang iyan sa ibang estudyante at mukhang favorite nila yan mas maganda kung makakarelate ang lahat sa kakantahin natin" mahabang paliwanag niya, okay mali na yung hula ko.

Pero okay na din ung song na Pangarap lang kita.

"Ok" maikli kong sagot sa kanya buti na lang at konti na lang ung aayusin namin wala ng dalawang linggo yung natitira sa amin para magprepare at magpa-practice pa kami.

"Ayos na naman ung mga damit na gagamitin natin diba?" tanong niya sa akin sa MAAYOS na way, yes tama kayo ng basa maayos ang pagkakasabi niya at mukhang wala na sa mood makipagtalo.

"Oo okay na iyon sa isang araw yun dadating para daw kung may mali sa sukat maiaayos pa bago yung mismong contest" sabi ko sa kanya. Ang peaceful ng pag-uusap namin ngayon ah, walang bangayan hayaan na nga minsan lang naman manahimik 'tong si sungit sulitin na natin.

"So yung natitirang araw gagamitin na lang natin sa practice" sabi niya habang kinakalikot ung phone niya.

Napatingin ako doon sa phone niya at napanganga na lang ako ng marealize ko kung anong tatak ng cellphone niya,Iphone, at hindi lang basta Iphone, kundi Iphone X spoiled talaga 'tong babaeng ito ung cellphone ko nga hindi pa rin napaplitan eh lagi kasing katwiran ni mommy na bago pa daw.

"Done checking me?" biglang sabi ni Akiexhia na may halong pang-aasar.

"Kapal mo naman hindi ka naman kagandahan para titigan ng isang Steven Ace Scott" sabi ko sa kanya with matching pogi sign sinapok na naman niya ako, hindi din siya mahilig manapok ano.

"Tigilan mo ako sa kagaganyan mo lalo ka lang nagmumukhang unggoy" gwapo ko naman masyado para maging unggoy.

"Masyado akong gwapo para maging unggoy at tsaka kung unggoy ako aba ang gwapo ata ng pinagmulan ng mga tao biruin mo mula sa katulad kong unngoy nag-evolve ang bawat tao, pero sandali kung unggoy ako at doon nanggaling ang evolution ng tao, saan ka nanggaling?" tanong ko with matching mapang-asar na tingin.

"Lumayas ka na nga wala ka namang sinasabing maganda" sabi niya sa akin sabay taboy gamit ang kamay niya.

"Tinataboy mo ako ngayon pero mamaya hahanap-hanapin mo ako" sabi ko sa kanya na lalong nagpainis sa kanya.

"Che!" sabi niya sabay padabog na isinara ung gate nila, sumakay na ako sa kotse ko at tumatawang nagmaneho, pero hindi pa ako nakakalayo may nakita akong taong kanina pa pinagmamasdan si Akiexhia. Itinigil ko yung kotse at sumilip sa bintana pero wala na. Baka namamalikmata lang ako.

Akiexhia' Pov

Bwisit talaga ung lalaking iyon aba.

Umakyat na lang ako sa kwarto ko at umidlip. Nagising ako ng marinig kong tinatawag ako ni Nanay Lusing. May bisita daw ako sa baba at dumating na din daw sila mommy.

Bumaba na si Nanay Lusing pero sumunod naman si mommy na ngiting-ngiti.

"Ano pong nangyayari? Parang ang saya niyo po ngayon?" tanong ko kay mommy pagpasok niya ng kwarto ko. Isinara niya muna ung pinto ng kwarto ko at umupo sa tabi ko. Hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi.

"Ang bilis ng panahon parang dati karga-karga ka lang namin ng daddy mo,hinahatid sa school, ipinapasyal sa mall, inipitan pa kita ng pigtails tapos ngayon.." hindi na tinapos ni mommy ung sinasabi niya kasi pumasok si Daddy sa kwarto ko. Kahit hindi maintindihan ung sinasabi ni mommy parang may nabubuong idea sa isip ko.

"Tricia hayaan mo ng makapag-ayos muna ang anak mo"sabi ni daddy kay mommy at bumaba na sila and I am like what-the-hell-is-going-on.

Kahit naguguluhan nagbihis na ako at nag-ayos ng kaunti. Ngayon ko lang napansin na hapon na pala, napahaba ata ung tulog ko.

Pababa na ako ng marinig ko ung tawanan nila mommy kasama si daddy wait meron pa, parang pamilyar yung boses na yun ah.

Ng makarating ako sa sala napatingin silang lahat sa akin pati siya.

Kaya pala ngiting-ngiti sila mommy eh.

"Hi Istel long time no see" sabi niya at nakumpirma kong siya iyon si.......................

Unknown's Pov

Hayyyy....sana lang hindi maging dahilan si Akiexhia ng pagkakasira naming dalawa.

********************
Ooops... Hanggang dyan muna.

Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon