Akiexhia's Pov
"Hi Istel long time no see" ngiting-ngiting bungad sa akin ni Ash pagkababa ko galing kwarto.
Kung makangiti itong isang ito akala mo artista di naman niya iyon mukha kaya siyang aso.
Iniwan muna kami nila mommy para daw makapag-usap achuchu daw kami.
"Oh!Anong ginagawa mo dito?" singhal ko sa kaniya, akala ba niya nakakatuwa siya. Sinabi ng 'wag akong tatawagin sa nickname kong iyon eh.
"Oh, chill lang okay? Oo na hindi na kita tatawagin ng ganoon, peace na tayo, please?" sabi niya sa akin pero mapang-asar pa rin yung way niya, parang si Steven lang kapag kausap k- ha? Ano daw? Ay bwiset! Bakit ko naman biglang naisip yung unggoy na iyon? Ah nevermind na nga!
"Ewan ko sa'yo! Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito?" tanong ko at umupo sa katapat niyang upuan.
Wanna know who's this idiot I'm talking to?
Siya lang naman si Ash Pelongco ang buwiset ng buhay ko kapag nagbabakasyon ako sa Australia.Doon kami unang nag-meet at unang pagkikita pa lang namin sobrang nakaka-inis na!
Para siyang Steven-wait, anong Steven na naman, kainis na unggoy yun aba! Pati utak ko ayaw tantanan.
So balik tayo doon sa unang pagkikita namin sa Australia, I was 13 years old back then.
Flashback
Namamasyal ako ngayon dito sa isang mall sa Australia habang sila mommy ka-meeting yung business partner nila.
Ng makaramdam ako ng gutom pumunta ako sa Mc'donalds. Kasalukuyan akong nakapila sa may counter ng may biglang sumingit sa unahan ko.
"Excuse me mister, Can you please kindly fall in line properly?" tanong ko doon sa sumigit sa unahan ko, umayos kang lalaki ka naiinis na ako sa'yo.
"Huh? I'm already falling in line properly miss, any problem?" arogante nitong sabi sabay smirk, aba'y ayos din ito eh, nakikipag-usap ako ng maayos eh.
"Problem? Ask it to yourself! Can't you see the people behind me? We are waiting patiently for our turn even it takes time then you will come and get and your order easily while us are waiting for it!" inis na inis kong bulyaw sa kanya. I don't care kung pagtinginan kami dito ako yung nasa tama at siya yung mali!
"I don't care about your rants and anything that you will say miss and if you can't stand my presence in front of you might as well leave or maybe I am the one that will leave besides I already lost my apetite because of a brat" walang pakundangan niyang sabi at umalis na parang walang nangyari. May araw ka din sa akin.
And that's how it started. At simula noon lagi ng nagku-krus ang landas namin kapag nasa Australia ako.
He even went to our house at nagpakilalang kaibigan ko sa parents ko at ang parents ko naman tuwang tuwa kaya ayun naniwala kay ugok, at ng malaman niya yung about kay Asi mas lumala ang pang-bubwiset niya sa akin. Dinaig pa yung takas sa mental.
End Of Flashback
"Masamang hangin talaga Akiexhia? Ang sama mo talaga sa akin" sabi pa niya at umaktong parang nasasaktan pa.
"Hindi mo kasi deserve ang magandang treatment" I coldly said to him, sanay na naman siya sa mga sinasabi ko eh, sa ilang taong laging bumubuntot yan sa akin kung ano ano ng nasabi ko sa kanya kaso ayun sadyang makapal ang mukha ng abong ito at ayaw parin akong tantanan.
"Bakit ba ang harsh mo sa akin? Akala ko ba friends tayo?"
"Friends mo mukha mo! Tinanggap ko ba 'yon ha?" pagkasabi ko binato ko siya ng unan na nasa tabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/102728819-288-k247947.jpg)
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Ficção AdolescenteUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018