Akiexhia's POV
Two days before the contest. Sa sobrang bilis ng pagdaan ng mga araw hindi ko na namalayang dalawang araw na lang ang natitira para sa preparations namin.
Kasalukuyan kaming nandito sa Auditorium para sa pictorial. Ang dami pang arte aba.
Tapos kailangan naka-dress pa.
Iniwan ko muna yung dress ko doon sa upuan ko kasama nung damit ni yabang. Mamaya pa daw kasi kami magbibihis.Lumabas ako para kunin yung sandals ko, naiwanan ko kasi sa bag ko sa pagmamadali ni Yabang tapos bigla din namang nawala.
Sa kamalas-malasan ko may kung sinong nagtago ng bag ko. Hinanap ko yun sa buong classroom at kung hindi nga ba naman ako pinagti-tripan, bwiset nag-effort pa talaga silang umakyat sa kisame para doon isabit, tapos tinakpan pa tela kaya akala mo kurtina lang.
Kainis naman oh kailangan ko pa tuloy umakyat. Halos ten minutes ata bago ko nakuha yung bag ko dahil nilagyan pa nila ng alambre, grabe naman yung effort nila, nahiya yung bag ko.
Pagkakuha ko nung sandals ko, itinago ko yung bag ko baka mapagtripan na naman.
"Oh saan ka galing pinagbibihis na tayo" bungad sa akin ni Yabang pagdating ko sa Auditorium.
"Hinanap ko pa yung bag ko at may mabait na nagtago, andun kasi yung sandals ko"
"Oh eh asan ang damit mo?"
"Hindi mo ba nakita? Nilagay ko dun sa upuan natin kasama ng damit mo" panic striked me, parte rin ba ito ng mga pinag-gagagawa nila Kisses.
Napatakbo kaming dalawa pabalik sa isang room malapit sa Auditorium doon kasi kami pinaupo kanina at may diniscuss pa habang may tao pa sa Audi.
Bakit wala dito? Hinanap pa namin sa buong room pero wala talaga.
"Sungit anong kulay ng dress mo?"
"Peach" maikli kong sagot at sinipat ang bawat corner ng room.
"Eto ba yun?" tanong niya at ipinakita sa akin yung isang dress na kulay peach. Akin yun! Pero bakit umiksi yung sleeves mahaba yun ah.
Nilapitan ko hawak ni Yabang at nakita kong mas marami pa yung sira, mas umikli yung sa baba at sira na din yung zipper sa likod.
"Sinong may gawa nito?" tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba nakita noong dumating ka?" dagdag ko pa.
"Hindi eh, pagdating ko kasi walang tao dito"
Pinagbihis ko na siya habang ako pinoproblema yung dress ko. Bwiset kung sino man ang gumawa noon.
"Oh Collins bakit andito ka pa? Di ba pinagbibihis na kayo?" tanong sa akin ni Ms. Guzman ng mapadaan siya harap ng room.
Itinuro ko lang yung dress sa harap ko at tumingin sa kanya.
"Oh anong nangyari dito? Bakit sira-sira?"
"Naabutan na lang po namin ni yab-este Steven na ganyan na yan"
"Sandali lang ha, tatawagan ko yung kapatid ko baka may dress siya na kasya sayo malapit lang naman ang bahay namin mas mapapabilis kung ihihiram muna kita ng dress kesa sa inyo ka pa magpapakuha" tumango-tango na lang ako, regalo pa sa akin yan ni Mommy eh, pinagawa niya yan para maging katulad nung dress na bigay sa akin ni Asi. Wala na kaming mahanapan na ganoong dress kaya ipinagpagawa na lang nila ako.
Maya-maya pa dumating na ying kapatid ni Ma'am. Pinagbihis na nila ako at inayos na din nila yung buhok ko pero hindi ako nagpa make-up may allergy kasi ako sa make-up.
BINABASA MO ANG
Ms. Sungit And Mr. Yabang (COMPLETED)
Novela JuvenilUNEDITED EXPECT ERRORS. Paano mo ba masasabing mahal mo talaga ang isang tao? Date Started: March 22,2017 Date Finished: May 29, 2018