PROLOGUE

15.6K 254 32
                                    

Title: Taming Mr. Homophobe Book 2
[TheBlogger Series #1/SIGMS' Side Story]
Author: Shino
Genre: Humor, Teen Fiction, Slice of Life
Date Started: April 2, 2017
Date Finished: January 27, 2019

•~•~•~•~•~•

PROLOGUE

[JOEL:]

"Kapag may problema, sabihin niyo kaagad."

"Oo nga, saka pag-aaral ang dapat ninyong atupagin, hindi 'yong kung anu-anong walang kwentang bagay."

"Hindi namin kayo pinayagang mag-board para lang sa gano'n, kaya umayos kayong dalawa."

To be honest, kanina pa rinding-rindi ang tenga ko sa mga bilin nina Papa, Mama at Tita sa amin. Ngayon na kasi kami titira sa nahanap naming apartment malapit sa university kung saan kami mag-aaral. Sa totoo lang, mixed emotions ako right now. I mean, first time ko lang kasing mapapalayo ng matagal kina Mama. Siyempre, nakakalungkot lang. Buti nga itong kupal na ito sa gawing kanan ko, parang wala lang sa kanya. Tch, palibhasa, sanay na. Noong tinanong ko naman siya kanina kung bakit parang wala lang sa kanya iyon, sabi niya, kanina pa raw siya nakapagpaalam kay Tita. Tch, e 'di siya na!

"'Ma. 'Pa. Uuwi pa naman kami dito every weekends o kaya kapag walang pasok, kaya magkikita pa naman tayo," pagsisinungaling ko.

Kasama namin si Calvin sa apartment. Civil Engineering ang kinuha niyang kurso, na iba sa una niyang sinabi sa akin noon. Tsk, mukhang wala pa talaga sa puso niya ang pagpasok sa kolehiyo. Or siguro, mami-miss si Ciara. Sa kabilang school kasi papasok ang kambal sa kursong katulad din ng kinuha niya.

Biglang sumabat si Jake. "Uh, Tita, Tito, 'Ma, mauna na po kami. Nasa labas na raw po sina Justin."

Tumango naman si Papa. "Mag-ingat kayo."

Habang naglalakad ay 'di ko maiwasang hindi malungkot. Para kong maiiyak na ewan. Hay! Ito ang mahirap kapag mapapalayo ka sa pamilya mo, e. Dadalhin mo talaga 'yong home sick nga na tinatawag. Naku, kung maganda lang sana 'yong mga school dito sa malapit sa amin, hindi naman ako lilipat doon.

"Cheer up, bro. May Facebook naman kaya makakausap natin sina Mama," ani Calvin, na magaling na ring magtagalog. Sa maniwala kayo o hindi, naging First Honor pa siya sa section nila at naging Best in Filipino pa! E 'di siya na ang magaling. Uuwi na ba ako? Joke lang.

"Tss, parang hindi ka masaya na magkasama tayo sa isang bahay," kunwing nagtatampo itong kupal na ito.

Naku, pasalamat siya't nasa mood na akong sakyan ang mga trip niya. Hinawakan ko nga sa kamay.

"Oo na, masaya na ako, okay?" Sadyang nilakihan ko pa ang ngiti ko noon, na sa sobrang laki ay halos makita na ang gilagid ko.

Napailing na lamang siya noon. Agad naman naming natanaw sa kanto sina Justin, sakay sa van nina Bryan. Nag-volunteer kasi ang kuya nito na ihatid kami sa apartment. In fairness, gwapo rin itong kuya niya. Halatang batak sa gym ang kat---

"Lumalaki 'yang mata mo. Tss," nakasimangot na bulong nitong kupal na 'to. Bigla ba namang inilihis ang mukha ko patungo sa direksyon niya. Tch, seloso masyado. Akala naman niya, ipagpapalit ko siya sa mas may abs sa kanya. Heck no! Hindi ko naman iyon gagawin, kaya there's nothing to worry about.

"Seloso ka masyado, Mister." Sabay ngisi ko.

Agad naman akong tumakbo papunta sa van. Nakangiti naman akong sinalubong ni Trixie, na mukhang bago na naman ang hairstyle. Taray talaga nitong babaitang ito, o. Kahit loveless, napaka-blooming pa rin. Siya na! Ginalingan na naman niya, e. Charot lang.

"Mustasa kalabasa, bakla?" nakangisi niyang tanong sa akin. Agad siyang umusog noon para bigyan kami ng espasyo.

"Okay naman, bakla. Bagong gupit, ha?" usisa ko sa kanya.

"Naman!" Saktong nakaupo na noon sina Jake at Calvin. At talagang napili pa ng kupal na maupo sa tabi ko. Tch, pauupuin sana namin sina Clay at Gab doon, e. KJ talaga.

"Kumusta, Dong?" bati ko kay Justin na tahimik lang sa likod, katabi ni Calvin.

Alam ko naman, e. Alam ko naman na dahil iyon kay Michael. Naiintindihan naman namin. Kaibigan niya iyon at masakit sa kanya na umalis ang huli na hindi sila maayos. Nakikita ko sa mga mata niya kung gaano siya kagalit, and at the same time, ka-miss, si Michael. Kahit kami rin naman. Nami-miss namin 'yong tao. Well, ganoon talaga siguro. Kailangan mong tanggapin na walang forever sa mundo. Char! Ay! Ano ba naman ako! Masyado naman akong insensitive!

Ngumiti naman siya sa akin. "Okay naman ako, dong. Mami-miss ko lang siguro sina Papa."

"Ay truth! Kahit ako rin kanina, mixed emotions din," pagsang-ayon ko pa.

Ilang saglit pa ay nakumpleto na rin kami.

"Ready, guys?" ani Bryan, na nasa harap, katabi ng kuya niya.

"Ready!" excited na sagot nitong si Adrian. Kaya pala hindi ko napansin, natutulog pala sa likod. Tch.

Naging masaya ang biyahe namin habang tinatahak ang daan papunta sa magiging bahay namin sa loob ng apat o limang taon. Naisipan na rin naming dumaan sa McDo noon para bumili ng kakainin namin. Well, kahit hindi naman kami dumaan, since may laman naman ang refrigerator namin doon. Almost 6 PM na rin nang makarating kami.

"Wala pa mang ilang oras, parang nami-miss ko na sina Mama," ani Clay.

"Oo nga, bes. Ako rin," sagot naman nitong si Trixie.

I just rolled my eyes. "Konting sacrifice lang ito, guys. Tiwala lang."

Agad namang nagyaya ang mga boys para kumain na. Mukhang nakaalis na ang kuya ni Bryan. Masaya naman kaming nagkukwentuhan at nagkukulitan habang kumakain. In fairness naman sa akin dahil okay na ako, unlike kanina na nami-miss ko sina Mama.

"Paano kasi sa kwarto?" biglang tanong sa amin ni Calvin. "Tabi sana kami ng Kuya ko, kung p'wede lang."

"Sure, Calvin," ani Justin. "Mas maganda nga iyan."

"P-Pero---" Sasabat pa sana itong kupal na 'to pero inunahan ko na.

"Okay. Katabi ko na si Calvin," kaswal kong sagot.

Matapos kumain ay ako na ang nag-volunteer na i-dispose ang mga pinagkainan namin. Akmang lalapitan ko sana si Jake nang mapansin kong masama ang tingin nito sa akin.

"Huy, anong problema mo?" usisa ko sa kanya.

"Tss."

"Huy!"

"Bahala ka nga riyan," at saka ito nag-walk out.

Ano na naman kayang problema no'n? First day na first day, galit sa akin? Isa pa, 'di ba, masama ang gano'n? Sisimulan mo ang new life ng may kaalitan? Hay naku, huwag naman sana.

__________________________________

June 22

Nakakainis talaga itong kupal na 'to! As in! Dinaig pa ang babaeng mayroong period! Grrr! Pasalamat siya't mahal na mahal ko siya, e. Naku! Kung hindi lang talaga...bahala na nga.

@JMB0704

Enter.

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon