ENTRY #22
Gorgeous (Part 1)
[JOEL:]
Paano 'yon? E, kasali ka sa pageant?" nagtataka ko namang tanong sa kanya.
Alam ko kasing mahihirapan siya sa ganoong set up. Sa totoo lang, hindi naman talaga required na mayroong ka-partner sa party since for gathering nga lang iyon. Kaso, mapilit itong kasama ko. Ang dami pang kaechusang nalalaman. Tch, well gusto ko rin naman. Iniisip ko lang naman siya.
"Hayaan mo 'yong punyetang pageant na 'yon," nakasimangot niyang sambit.
Ay galit agad? Ano naman kayang problema nito?
"Problema mo?" nagtataka kong tanong sa kanya.
Napasimangot pa ito lalo. "Sinali lang naman ako roon by force. Threat ba. Wala lang akong choice."
"Gano'n ba?" tila nag-aalala ko namang sabi. "Ganito, ipagluluto kita bukas ng lunch para naman something new."
Kahit papaano ay napangiti naman ito, saka niyakap ako ng mahigpit. Ni wala man lang pake sa mga nakatingin sa amin. Ito ang nagustuhan ko talaga dito kay Jake, e. Kapag nagmahal siya, hindi niya iyon ikakahiyang ipakita sa lahat, ano pa man ang maging reaksyon nila. Masasabi kong swerte ako in a sense na kaya akong ipagmalaki ni Jake at kaya niyang ipagsigawan sa buong mundo ang pagmamahal niya para sa akin. Sa tingin niyo, may rason pa ba ako para magpaka-choosy? E kung 'yong ideal man ko, ito at kayakap ko na?
"Woah, gusto ko 'yan!" buong galak naman niyang tugon. Bumitaw na rin siya sa pagkakayakap sa akin. Mukhang sini-signal-an na kami ng mga kasama namin na sumunod na.
Naglakad na rin kami pasunod sa kanila.
"Hindi naman kasi kami maaga bukas kaya mayroon akong time para makapaghanda," ani ko.
Hanggang makarating kami sa kinapupwestuhan ng mga kasama namin ay 'di pa rin maalis ang ngiti ni Jake. Mabuti naman at kahit sa mga ganoong simpleng gestures lang ay nagagawa ko siyang pangitiin. Tila napansin naman ito ni Justin, na napahinto saglit sa pagtusok ng fishball.
"Mukhang may nangyaring maganda, Jake," nakangiti nitong usisa.
Tila napansin naman ito ni Bryan. "Oo nga. Ano'ng mayroon?"
Wala naman kaming dapat itago ni Jake, kaya sinenyasan ko siyang sagutin iyon.
"Well...ipagluluto lang naman ako nitong katabi ng lunch para bukas," nakangiti nitong sagot dito.
"Kaya pala," napangising sagot ni Justin.
"Sana ako rin." Narinig ko si Max noon na may ibinulong, pero hindi ko masyadong narinig.
"Ano 'yon, Max? Hindi ko kasi narinig, e," pag-uulit ko sa kanya.
Umiling naman ito. "Wala. Wala. Huwag mo na lang akong intindihin."
Hindi naman kami nagpakabusog noon, since napagdesisyunan naming mga babae na magluto ng sinigang na salmon sa bahay para sa aming dinner. Niyaya rin namin si Max noon ngunit mayroon din pala silang dinner agenda ng Papa niya. Hindi naman niya idinetalye iyon, ngunit mukhang mahalaga ang presensya niya roon. Dumaan muna kami noon sa supermarket para bumili ng salmon. Buti na lang at lagi kong sinasamahan si Mama kapag namimili siya sa palengke ng ganito kaya kahit papaano ay nakapamili ako ng maganda-gandang klase. Nang makauwi at makapagbihis ay agad hinanda ng mga babaita ang gagamiting utensils habang ako naman ay naghahanap ng p'wedeng gamiting ingredients sa gagawin kong lunch para kay Jake. Medyo dumidilim na rin kasi saka para makabili na rin ng mas maaga. Good thing, mayroon naman lahat ng hinahanap ko.

BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...