ENTRY #07
To Love is to Care
[JOEL:]
"I'm home!" sigaw ko nang makapasok ako sa loob ng bahay namin.
As usual, pagod na naman ako. Paano kasi, hinatid ko pa si Jake sa palengke since may lagnat nga ang isang 'yon. Pero kaasar lang. Ang dami pa niyang excuse; kesyo raw dapat, siya ang maghahatid sa akin or such. Tch, hindi ko naman hahayaan iyon, ano. Hindi naman ako gano'n kasamang tao para pahirapan siya ng gano'n. Agad naman akong sinalubong ni Cassie, na mukhang excited na makita ako.
"Kuya!" Sabay yakap nito sa akin. "Na-miss kita."
Ay sus naman. Nagdrama na naman itong bunso namin. "Same here, bunso."
"Siya lang?"
Agad akong napatingin sa hagdanan. Kanina pa pala nandoon si Jonathan, na bagong gupit lang. Sinenyasan ko siyang lumapit noon, na siya namang sinunod. Agad ko silang niyakap. Sa totoo lang, hindi ako sanay na hindi kami magkakasamang magkakapatid, kaya ganito na lamang ko sila ka-miss.
"Ba't pala hindi mo kasama si Kuya Calvin?" usisa sa akin ni Jonathan.
Napangit ako bigla. Parang kailan lang, masama ang pakikitungo nito kay Calvin, e. Halos ayaw nga nitong tanggapin ang huli bilang kapatid namin. Well, at least, 'di ba? Okay na sila.
"Wala pa. Sumabay daw siya kina Ciara na umuwi." Bigla akong napatigil. "Ay. Oo nga pala. Kailangan ko munang magpalit ng damit. Nagyayaya 'yong kambal sa bahay nila. Nandiyan ba si Mama?" tanong ko sa kanila.
Si Cassie ang sumagot. "Nagpunta sa parlor si Mama. Niyaya ni Tita Badeth."
Napakamot na lamang ako ng ulo. Binilinan ko na lamang sila regarding sa invitation ng kambal sa akin. Habang nagpapalit ng kasuotan ay biglang nag-muh muh muh si Lady Gaga—este, ang phone ko. Napailing ako ng makitang si Jake iyon. Naku, nalaman na niya marahil. Hindi ko na kasi pinaalam sa kanya, e. Masama nga ang pakiramdam niya, 'di ba? Hindi ko naman hahayaan na mabinat siya, 'no. Napapailing tuloy akong sinagot iyon.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...