ENTRY #06

3.9K 135 13
                                    

Entry #06

"Jealous"

[JOEL:]

Sabado. Maaga akong pumasok dahil sa dalawang rason: ayaw kong makasabay sa pagpasok si Jake at, nahihiya ako sa kanya. To be honest, hindi ko alam kung paano ko siya pakikisamahan ngayon. Hindi ko rin alam kung nakakahalata na ba 'yong iba naming kaibigan sa tampuhan namin. Either way, nauna na rin ako dahil biglang naisipan ni Max na pag-usapan na namin ang gagawin namin mamaya para sa proposal namin. Actually, may nasimulan na kami kahapon. Kaunti na lang bale ang gagawin namin mamaya. Nakabuti rin marahil iyong pag-iwas ko kay Jake kahapon. I guess...not really. Kahit naiinis ako sa kupal na 'yon, hindi pa rin magbabago ang pagmamahal ko para sa kanya. It's just that, gusto kong siya mismo ang maka-realize ng kasalanan niya sa akin. Overreacting? Not really. Kung marunong kang umintindi sa sitwasyon, maiintindihan niyo rin ako.

"Sure ka bang okay ka lang mamaya? Hindi naman kayo nag-away ng syota mo?" usisa nitong si Max sa akin habang nasa kalagitnaan kami ng paggawa ng proposal.

Sinamaan ko nga ng tingin. "Basta tuloy tayo. Huwag ng maraming tanong."

By 7:10 AM ay pumunta na kami sa homeroom namin. Since first week pa lang, hindi pa kami allowed na mag-PE outside the room. Kumbaga, more on discussion pa lang kami. Agad akong tumabi noon kay Gabby.

"Gaga ka, Joel." Sabay tapik nito sa kamay ko. "Kanina mo pa pinag-aalala si Jake."

"Nag-text ako sa'yo, 'di ba?" mahina kong sabi sa kanya para hindi marinig nitong Max na 'to.

"Gaga, hindi ko dinala phone ko," aniya.

"Anyare ba sa kanya?" hindi ko natiis na usisa.

"Ayun, 'di nakapasok dahil may lagnat pala. Hihintayin ka raw niya mamayang dismissal natin."

After that, biglang nag-subside ang inis ko sa kanya noon at napalitan ng pag-aalala. What the heck? Ano ba 'tong pinaggagagawa ko sa sarili ko at sa relasyon namin?

"What if, umuwi na lang ako at alagaan ko siya doon?" nag-aalala kong tanong sa kanya noon.

Grumpy kasi 'yong kupal na 'yon kapag nilalagnat. As a boyfriend, hindi ko maiwasang hindi mag-alala dahil nga may parte roon na kasalanan ko rin. Hindi kasi ako considerate sa relasyon namin. Crap.

Bigla akong hinampas ni Gabby sa kamay. "Gaga, huwag mo raw iyang gagawin, sabi niya. Basta, hihintayin ka niya sa bahay mamaya at sabay kayong uuwi sa San Fernando."

Wala tuloy ako sa sarili habang nasa kalagitnaan ng discussion noon. Kanina pa ako uwing-uwi para tingnan ang lagay ni Jake noon. Nag-text na rin ako ng palihim kanina, but I got no response. Crap, hindi sana ito mangyayari kung hindi sa akin.

Sa kabutihang palad naman, maagang nagpa-dismissal ang prof namin sa NSTP. Sinabi lang kasi nito ang mga ita-tackle namin sa subject na iyon for the whole semester, saka nag-iwan ng assignment. Dali-dali ako noong nag-ayos ng bag, saka tumayo na para umalis, nang..

"Hep! Hep! Hep! Saan ka pupunta!?" biglang pagharang sa akin ni Max. Kingina, hokage din ang isang ito sa bilis, e. Agad akong naharangan sa pintuan.

"Nagmamadali ako, mister, so excuse me," mataray kong sabi sa kanya, habang nagpupumilit na lumabas.

"Gago, parang wala tayong napag-usapan kanina. 'Di ba, gagawa tayo ng project?" seryoso lang nitong pagpapaalala sa akin.

Shit! Oo nga pala! Nakalimutan ko totally 'yong project namin! B-But..

"P'wedeng sa amin na lang tayo gumawa?" bigla kong sabi. "I guess, hindi naman tayo gagamit ng internet, ano?"

Alam kong nabigla siya sa pagbabago ng plano namin. "Tsk, kailangan natin, pero papa-load-an ko na lang 'yong pocket wifi ko."

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon