ENTRY #02
Danger and Savior.
[JOEL:]
"Hindi p'wede, pare," seryosong sagot ni Jake kay Max.
Alam kong sa pagkakataong iyon ay pinipigilan lamang ni Jake ang sarili niya. Marahil ay ayaw niyang gumawa ng eksena. Kami nina Gab? Tameme lang kami. Wala kaming masabi. Somehow, ako ang nakakaramdam ng guilt. Para kasing ang laki ng atraso ko kay Jake. Ay! Ewan ko ba! Nagiging paranoid na naman ako. Saka, bakit ko naman ito nararamdaman? E, wala naman akong ginagawang masama.
"Gano'n ba? Okay," kaswal na tugon naman nitong si Max, saka lumayo na.
Akala ko, okay na iyon, nang..
"Joel.." makahulugang tawag sa akin ni Jake.
Sheez, gusto niyang ipaliwanag ko iyon sa kanya. Teka, may dapat ba akong ipaliwanag? I guess so.
Napabuntong-hininga muna ako bago nagpaliwanag. "Si Max iyon, kaklase namin ni Gab."
"Tss, iyon lang? E, ano 'yong galawan ng gagong iyon kanina?" Nakakunot na ang noo niya. Ito na nga ba'ng sinasabi ko, e.
"E-Ewan ko, Jake. Ni hindi ko nga iyon pinapansin, e," nauutal kong paliwanag.
Sa tono pa lang ng pagsasalita niya ay alam ko nang naiinis na siya. Lecheng Maxwell kasi 'yon, e! Papansin pa kasi!
Nabigla ako nang si Gabby na ang nagsalita. "Tama ang sinasabi ni Joel, Jake. Hindi niya naman iyon pinagtutuunan ng pansin. Sadyang papansin lang iyon, since sa lahat ng subjects namin for this morning ay sila ang magka-seat mate. Other than that, wala naman silang naging communication."
Thank you, Gabby! Naku, hulog ka talaga ng langit! Mabuti na lamang at naging kaklase kita. Mukha namang kumbinsido na sa Jake sa paliwanag namin kaya kumalma na siya.
"Huwag mo na lang iyon masyadong lalapitan, Joel. Kung pinagtitripan ka, sabihin mo sa akin. Maliwanag ba?" bilin pa niya.
"E, hindi nam---" He interrupted my explanation.
"Ang sabi ko, maliwanag ba? Tss," pag-uulit pa niya.
"O-Opo," nasabi ko na lamang.
Ewan ko ba kung kikiligin ba ako rito sa kupal na 'to o maiinis. Napakaseloso kasi. Alam naman niyang siya lang naman at wala ng iba. Anyways, masaya naman ako dahil ayos na kami. Mabuti na rin iyon dahil ayaw kong mayroon kaming hindi pagkakaunawaan. Kung maaayos naman agad ang bagay na 'yon, bakit pa namin patatagalin?
"Tss, ngingiti ka na lang ba riyan o kakain na? Thirty minutes na lang bago matapos ang vacant period natin," dagdag pa niya.
Natawa naman sina Gab at Calvin sa amin. Or sa akin, I should say. Nakakainis! Kinurot ko nga 'yong magkabila niyang pisngi.
"Ang cute mong magselos, Kupal!" ani ko. "Don't worry, ikaw lang."
"Ano ba!?" Sabay alis niya sa kamay ko. "Talaga lang!"
Sasagot pa lang sana ako nang sumabat si Calvin. "Kakain ba kayo o maglalandian? C'mon, we only have 40 minutes to eat."
"Ay, grabe siya," asar ko sa kapatid ko. "Oo na, kain na tayo."
"Tsk."
Matapos kumain ay nagtanong tanong na rin itong dalawang lalaki sa amin ni Gab. Seloso talaga itong kupal na 'to. Akala naman niya, betsung ko 'yong Max. Neknek niya, 'no! Ayaw ko na lang asarin itong kupal since kakaayos lang namin. Kilala ko 'tong magalit, e. Mas childish pa 'to sa akin, jusmiyo. Mga five minutes before 1 PM ay nauna na kami ni Gab sa kanila. Good for them, since hanggang 1:30 pa ang vacant period nila ngayon. Well, mas mauuna naman kami ni Gab na makauwi. According kasi sa schedule namin, hanggang 4:30 PM lang kami every Monday at Friday. Ang hell day talaga namin ay Thursday---7:30 PM. Goid luck na lang sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...