ENTRY #32

2.1K 103 17
                                    

Nakakatampo lang. Noong 'di ako nag-u-update dito, puro kayo PM's. Nagde-demand ng UD. Ngayong pinagbigyan ko na kayo, wala man lang reactions? Seriously, guys?

PS: May note ako sa dulo ng chapter na 'to. Bahala kayo diyan.

- shino

•~•~•~•~•~•

ENTRY #32

Conflict of Interests

[JOEL:]

So far, nag-e-enjoy naman kami sa bonding moment naming magkakaklase. Paano kasi, ang daming pakulo ng mga nag-organize nito. Puro tawanan nga lang kami, e. And so far, hindi naman ako in-snob ng bwisit na Maxwell na 'yan. Naku! Makikita niya talaga 'pag nagkataon! Charot lang. Paano kasi, most of the time, since siya ang Class President at ako naman and Vice President niya ay kami ang nagli-lead sa mga kasama namin. Mahirap na rin kasi na magpabaya kami lalo pa't ito ang unang beses naming lumabas bilang magkakaklase. At dahil magtatanghali na ay nagpasaya na kami ni Gabby na maghanda ng lunch namin. Oo, nag-volunteer na kasi kami rito kanina, para naman may magawa rin kami.

"Sure ba kayong hindi niyo na kailangan pa ng tulong?" tanong sa amin ni Max nang magpaalam kami rito.

Si Gabby ang sumagot. "No. Okay lang kami."

Tumango lamang ito, at binalik din ang atensyon sa pagbibilang ng mga natirang pera mula sa mga nagastos namin. Nasabi niya rin kasi na kung may matitira pang pera sa Class Funds namin ay itatabi ito para naman may magamit kami sa aming Christmas Party. O 'di ba, ang bongga lang ng klase namin? Anyways, agad na rin kaming dumiretso ni Gabby sa cottage na nirentahan namin para ihanda na ang pagkain namin. Halos ang lahat ng mga kaklase namin ay busy sa pagligo sa pool. Actually, hindi pa kami naliligo ni Gabby doon since nag-enjoy kami sa pagkuha ng litrato at pag-ikot sa buong resort.

Nang makarating sa cottage ay agad ko nang inilatag sa mesa ang mga dahon ng saging na dinala ng isa naming kaklase. Nagtulong pa kami ni Gabby noon sa paglilinis at pagpupunas nito. By the way, boodle fight ang peg ng mga kaklase namin para sa lunch. Wala naman kaming violent reaction doon, 'no. In fact, isa rin kami sa nag-push talaga nito.

"Naku, excited na akong kumain," kumento ni Gabby sa akin.

Natawa naman ako. "Tataba ka, girl. Baka hiwalayan ka ni Kuya Julius," biro ko rito.

"So what?" natatawa rin naman niyang sagot. "Kahit mataba ako ay hindi dapat niya ako hiwalayan."

Nag-appear pa kami matapos niyon.

Naputol ang pagse-set up namin nang mapansin naming papunta rito si Gavin. Sa totoo lang, medyo maganda rin na ito na rin ang umiwas sa akin nitong mga nakaraang araw, lalo pa't masyado na akong stressed out sa mga pangyayari sa aking buhay. Baka kasi kapag dumagdag pa siya—to think, sila ngayon ni Max ang magkasama parati—baka ma-stress lang ako lalo. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Gabby sa balikat ko.

"P'wede ba akong makitulong sa inyo?" tanong niya sa amin.

Nagkatinginan naman kami ni Gabby matapos niyon. Surprised, dahil buong akala namin ay mayroon na naman itong gagawing hindi maganda. But still, hindi pa rin maganda ang nararamdaman ko sa kanya.

"Please?" dagdag pa nito.

Ugh, bakit ba kasi siya nandito? Wala tuloy akong choice kung hindi ang tumango na lamang. Kahit pa labag iyon sa kalooban ko. Ang nangyari tuloy, naging tahimik kami ni Gabby habang naghahanda ng lunch namin. Nagawa ko na ngang magpaka-concentrate sa paglalagay ng kanin sa mesa na mayroong nakalatag na mga dahon ng saging, e. Naputol lamang iyon nang bigla na namang magsalita ang lalaki.

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon