ENTRY #21

2.8K 102 13
                                    

ENTRY #21

Threat

[JOEL:]

Our class decided na iasa na lang sa kabilang section—which is 'yong section nina Justin ang pag-participate sa pageant para sa nalalapit na Acquaintance Party. After all, kami naman ang mangangasiwa sa iba pang pangangailangan sa naturang party.

"Sad to say, kasama raw sina Justin, Bryan, Jake, Trixie at Clay sa pageant," balita sa akin ni Gabby, na busy sa kanyang phone.

Palibhasa, wala si Ma'am Alfaro kaya ganyan. Kahit 'yong iba naming mga kaklase, busy sa kani-kanilang mga business. Ako lang yata ang nagbabasa para sa next subject namin, e. Anyways, mas mainam na rin ito para hindi ako mabokya kapag nagbigay ng surprise quiz ang prof namin doon. Back to her, mukhang napasubo si Jake. Well, good for him. At least, p'wede ko siyang i-cheer. Stage boyfriend, kumbaga.

"At least, magiging memorable ang party niyan," nasabi ko na lang.

"And oh," saglit siyang napahinto sa pagdutdot sa kanyang phone at napatingin sa akin. "Nasabi sa akin ni Clay na kasali din daw si Chloe."

What? Pati ba naman sa pageant? Anyways, I hate to admit, pero she's kinda appealing naman when it comes to looks. Sa ugali? Bagsak. Well, well, well.

Nagkibit-balikat naman ako. "So?"

"Anong sagot 'yan? Hindi ka man lang nabibigla? I mean, look." Saka niya pinakita sa akin 'yong picture na ni-send sa kanya ni Clay through Messenger.

Aba, dito ako na-shookt! Halos mag-init ang ulo ko, e! Bakit? Kung makalingkis sa BOYFRIEND KO, wagas-wagasan!? Mukhang napansin naman ako ni Gabby, kaya tinapik ako sa balikat.

"Kaloka talaga 'yang babaitang 'yan!? Jusko, saan bang part ng diksyunaryo niya hindi maintindihan ang salitang COMMITTED?" mataray na sambit niya.

"Besh, punta tayo mamaya sa rehearsal nila? May tiwala ako kay Jake, pero sa anacondang 'yon, wala," wala sa sarili kong sambit.

Nagtaas naman siya ng kilay. Teka, bakit ba ang taray niyo? E akala mo naman, siya 'yong inechos?

"Mygosh, bakit 'di pa ngayon!? Kaloka ka, Joel!" Tch, kung makasigaw naman ito!

"May klase na kaya tayo in thirty minutes!" Sinasabayan ko na rin siya sa pagsigaw.

Napalapit naman sa amin sina baklang Gardo at Max. Na-curious marahil sa pagsisigawan namin.

"Anong problema ninyo, mga baks?" ani Gardo. Wala lang, trip ko lang siyang tawagin ng ganyan.

"Oo nga, nakakaistorbo kayo sa iba, e," maawtoridad namang sabat ni Max.

Si Gabby ang nagsalita. "Uhm, pupunta kasi kami sa auditorium ngayon, kaso pabebe itong baklitang ito, e. Akala yata niya, nandito rin si Ma'am Tekla."

Nangisi naman si Max. "Mukhang 'di yata niya tiningnan phone niya."

Nainsulto and at the same time, na-curious naman ako sa pinagsasabi nilang dalawa kaya agad kong kinuha ang phone ko sa bulsa para tingnan ang text na sinasabi nila. To my surprise, tadtad pala ako ng texts. Naka-silent nga pala ang phone ko kaya 'di ko napansin kaagad. Oo nga, wala rin si Ma'am Tekla. At isa pa, kanina pa pala ako tini-text ng baklitang Trixie. Pareho sila ni Clay na kanina pa nangungulit sa akin. Tungaks lang.

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon