ENTRY #17
Third Party
[JOEL:]
Kahit tinatamad pa akong bumangon ay pinilit ko na ang sarili ko dahil ngayon namin gagawin ni Max ang aming project sa isa naming subject. Actually, parang dejà vu na ito, e. Nangyari na rin ito sa amin ni Jake noong high school pa lang kami—halos kami ang magka-partner sa halos lahat ng subjects namin. Buti nga, 'yong iba, temporary partners lang, e. By the way, sinabi din niya sa akin na dito na rin siya mag-aagahan—na siya ko namang sinang-ayunan. Kahit papaano naman ay malaki ang utang na loob ko sa kanya sa pagtatanggol sa akin laban sa mga evil trolls.
Pinilit kong huwag gumawa ng ingay noon habang palabas sa kwarto. Ayaw kong magising muna si Calvin dahil nga naaawa pa rin ako sa kanya hanggang ngayon. Wala namang dapat sisihin sa kanilang dalawa ni Ciara since may purpose naman kung bakit siya nakipaghiwalay sa kapatid ko.
Nga pala, supposedly, dito ulit matutulog si Jake, ngunit pinigilan ko na lamang. Ano'ng gusto niya, pabayaan niya sina Tita doon sa bahay nila? Wala namang lalaki doon, kundi siya lang at si Kendrick, na bata pa para protektahan sina Tita. No'ng una, nagagalit pa siya sa akin.
•~•~•~•~•
[Flashback:]
Agad akong bumaba noon sa kanyang motor, saka tinanggal ang helmet ko.
"Ang kulit mo talaga, ano?" litanya ko sa kanya kaagad. "Dapat kasi umuwi ka muna sa inyo dahil walang kasama sina Tita roon."
Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Mas makulit ka kaya! Sinabi ko na nga sa'yo na nagpaalam na ako kay Mama at pumayag naman siya. Tss."
Reasons na naman niya. Tch.
"Oo nga, nandoon na ako. Oo, pumayag si Tita, kaso, ayaw ko naman na sila lang ang nandoon sa bahay ninyo. I mean, puro babae sila, o. Kahit paano naman, kailangan pa rin nila ng kasamang lalaki doon," mahinahon kong paliwanag sa kanya.
Hindi naman big deal itong pinagtatalunan namin, kaya hindi ko dapat siya pagtaasan ng boses.
"Ang kulit mo talaga." Sumakay na siya sa motor niya, ngunit 'di pa rin nagsuot ng kanyang helmet. "Pupunta ako dito bukas ng umaga."
"At bakit—"
Hindi ko na naituloy pa ang balak kong sabihin sa kanya noon nang bigla niyang isuot ang helmet, sabay paandar sa kanyang motor. Ngunit, bago niya ito tuluyang paandarin, nagsalita siyang muli.
"Ayaw kong masolo ka ng gagong Maxwell Lance Basa na iyon, tandaan mo 'yan."
[End of Flashback:]
•~•~•~•~•
Kahit naman kupal iyong Jake na iyon, hindi naman niya ako binibigo sa mga kahilingan ko. Saka, para rin naman iyon sa kanya; hindi lang naman para sa akin. Ayaw kong sa akin lang umikot ang mundo niya. Ayaw kong maging dependent siya sa akin. Kailangan pa rin niya, kahit papaano, ng kaunting leisure time para sa iba pang malalapit sa kanya, especially, ang pamilya niya.
Tinulungan ko si Mama noon sa paghahanda ng agahan. Mayroon din naman kaming constant communication ni Max, kaya namo-monitor ko ang oras ng pagdating niya rito sa bahay.
At 6:45 AM, nasa labas na raw siya ng subdivision namin, kaya agad ko siyang in-instruct sa daan. Mukhang nakakotse ang mokong.
"Diretsuhin mo lang ang daanan hanggang makarating ka sa ikatlong kanto. There, pasok ka sa kaliwa. Makikita mo roon 'yong maliit na parke. P'wede ka roong pumarada since malapit na roon ang bahay namin," paliwanag ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...