ENTRY #41

2.1K 90 8
                                    

Uunahan ko na kayo, maraming chat-like conversation ang chapter na 'to. Enjoy reading!

Happy new year, guys!! As a gift, i-e-extend ko pa po itong TMH BOOK 2. Kung hanggang ilang chapters, we'll see.:)

•~•~•~•~•~•

ENTRY #41

Chris

[JOEL:]

So, itong Chris Matthews pala na 'to ang sinasabing admirer ko? Kaya pala parang may kakaiba akong pakiramdam sa lalaking ito, e. Pero, come to think of it, noong tinanong ko si Calvin kung kilala ba niya 'tong lalaking 'to, parang 'di naman niya sinagot ng direkta 'yong tanong ko. If I'm not mistaken, ang sinabi lang niya sa akin ay nakilala niya ito noong may event ang Department nila—which is Tourism—at kinailangan nila ng support mula sa Engineering Department. Kung doon lang sila nagkakilala, I assume na hindi pa maituturing na malalim iyon. Kilala ko si Calvin, hindi 'yon basta-basta makikipagkaibigan sa mga taong hindi niya naman kilala talaga. Isa pa, parang wala rin naman akong naaalala na mayroon silang event noon.

Dahil sa information overload ay hindi ko na napansin pang nag-chat ulit 'yong Chris.

Chris Matthews
Hey, gano'n lang 'yon? Seen lang? :(

Sakto namang lumabas galing sa banyo si Calvin na nakatapis lang ng tuwalya. Nasanay na rin ako sa kanya since lagi namang ganyan ang ganap niya after maligo. Tiningnan ko naman siya ng makahulugan.

"Ito palang Chris na 'to ang nagbibigay ng regalo?"

Tila nabigla naman siya sa tanong ko. "P-Paano mo nalaman?"

Imbes na sumagot ay pinakita ko sa kanya 'yong chat ng Chris Matthews na 'yon. Napansin ko ang pag-iling niya.

"Ayan ha. Hindi mo na ako siguro paghihinalaan na ako ang nagpa-prank sa'yo sa mga regalo, 'no? At mabuti naman, umamin na 'yang lalaking 'yan dahil ang hirap maglihim sa'yo," natatawa niyang sambit.

"Dapat sinabi mong may boyfriend ako o kaya wala akong planong magpaligaw," naiinis kong sambit dito.

Natawa naman silang dalawa ni Jonathan sa akin. Nagawa pang mag-apir ng mga ugok! Tch.

"Hayaan mo na, Kuya. P'wede mo namang bastedin kapag ayaw mo. Ang mahalaga ngayon ay mayroong interesado sa'yo," kumento naman ni Jonathan na ikinatawa nilang dalawa.

Hindi ko na lang sila pinansin noon saka binalikan ulit 'yong admirer ko 'raw' na never ko namang napansin sa campus. Speaking of, nag-chat na naman ulit ito.

Chris Matthews
Awts. Seen nga.:(

This time, nag-reply na ako.

Joel Ballesteros
Sorry pero wala akong time makipagbiruan.

Magla-log out na sana ako nang mag-chat ulit ito.

Chris Matthews
Sunget mo naman. Parang nakikipagkaibigan lang, e.:(

Joel Ballesteros
Excuse me? Hindi ako masungit.

Chris Matthews
Sus, hindi raw? E sinusungitan mo nga ako, e.

Joel Ballesteros
Hindi kita sinusungitan. Hindi lang ako sanay na may ibang nakikipagchat sa aking lalaki.-___-

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon