ENTRY #08
Gavin Anderson
[JOEL:]
"Nakakaloka!" shocked kong reaksyon noon. Kahit ito ay gulat na gulat din sa anunsiyo ng aming Department Head.
Paano, umagang-umaga, pinapunta kami ritong mga BA freshmen sa AVR ng school para kausapin ng masinsinan. Nagkaroon kasi ng pagbabago sa class schedule namin dala ng pagbabago sa ilang mga professors namin. Sino ba namang hindi mabibigla roon, e kahit isang linggo pa lang naman ang nakalipas mula ng magsimula ang klase ay parang nakasanayan na rin namin ang schedule namin. Nakakaloka lang.
[Adjusted schedule nina Joel for 1st semester. NOTE: Binase ko lang siya sa sched namin at mga subjects namin dati.]
"Crap," mahinang reaksyon din ni Justin.
Hindi ko naman siya masisisi dahil sila ang halos naapektuhan ng changes. Ang nangyari kasi sa kanila, parang evening class ang set up nila. From 2 PM to 9 PM ang klase nila every weekdays at 1 PM to 5 PM naman every Saturday. Hassle nga naman 'yon sa kanila. As for our class, naging magulo ang set up namin. Paano kasi, parang pinaulanan kami ng sangkatutak na vacant. Geez.
"Ano ba 'yan!? Bakit naman gano'n!?" reklamo naman ni Adrian noon, na sinang-ayunan naman ni Bryan.
Matapos ang meeting ay agad kaming bumalik sa kanya kanya naming mga homeroom para mag-elect nga ng mga bagong class officers, as instructed by the Department Head.
"The nomination for Class President is now open," pahayag ni Ma'am Tek. "Any nominees?"
Agad nagtaas ng kamay noon si Max. "I nominate Mr. Ballesteros."
Nanlaki ang mga mata ko noon. What the heck? Bakit ako!? Never in my life na ginusto kong maging class officer, ano! At talagang Class President pa talaga!? Nagbibiro ba siya!? Magrereklamo pa lang sana ako nang bigla siyang magsalitang muli.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...