ENTRY #16

3K 117 19
                                    

Authors Note:

Alam kong nami-miss ninyo na sina Jake at Joel, pero nitong mga nakaraang mga buwan, I decided na mag-lie low muna sa pagsusulat. Why? Dahil sa personal matters na hindi ko p'wedeng i-disclose sa inyo. Isa pa, nagpalit ako ng phone kaya 'yong mga old drafts ko para rito ay hindi ko na magamit at kinailangan kong gumawa ulit ng panibago.

Hindi bale, sisikapin ko na ulit na makapag-update ng dire-diretso.

For violent reactions, COMMENT lang po. Mas makakapagbigay sa akin ng motivation ang mga comments ninyo (basta wag lang yung "ud pls", "thanks sa ud" or such na comments). HAHAHAHA.

- shino

___________________________________

ENTRY #16:

Of Break Up and Whys

[JOEL:]

July 2009

Break ups? Cool offs? Ang hirap naman yatang ipaliwanag ang mga iyan. Basta ang alam ko lang, maraming dahilan kung bakit humahantong ang isang relasyon sa ganyang mga bagay. Personal choice iyan ng dalawang party na involved.

- JMB0704

•~•~•~•~•

Linggo.

Nagising ako sa lakas ng tunog ng aking alarm clock. Shit lang. Bakit ko nga ba nakalimutan na tanggalin ang pagkaka-set nito? Kahit si Calvin, nagising din sa lakas.

"May lakad ka ba, Joel?" mahina at inaantok pa niyang tanong sa akin.

Umiling ako. "Wala. Nakalimutan ko lang tanggalin ang pagkaka-set niya kagabi. Sorry."

"'Kay," matipid nitong untag saka nagtalukbong ng kumot.

Kahit papaano ay nasanay na rin ako rito kay Calvin. Ganyan talaga 'yan kapag naiistorbo ang tulog—sobrang sungit. Ang nakakainis lang, hindi na ako dalawin ulit ng antok matapos niyon. Ano ba 'yan! Failed ang pagpapahinga! Dahil sa yamot ay naisipan ko na lang na silipin si Jake sa kabilang side ko. Yes, nag-volunteer siyang dito na lang sa sahig siya mahihiga katabi ko. Maaga kasing natulog ni Calvin kagabi at nakalimutan na kay Jonathan muna siya makikitulog. Hindi na lang namin inistorbo para hindi na rin hassle on our part. Tulog na tulog pa ang kupal noong mga oras na iyon. Kung sabagay, sobrang stressful nga naman kasi ng naging prelims week namin. Himala nga at na-survive ko, e.

Agad na rin akong bumangon noon para makapaghanda na. Tutulong na lang ako kay Mama sa paghahanda ng agahan namin. Pagkalabas ko sa kwarto ay saktong kalalabas lang din ni Tita—Mama ni Jake—sa guest room.

"Morning po, Tita," magalang kong bati sa kanya.

Nginitian naman niya ako. "Morning din, Joel!"

Sabay na naming tinahak noon ang daan pababa. Sakto at nag-aayos na ng mesa si Mama.

"'Ma, ang aga mo naman yatang nagising," usisa ko.

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon