ENTRY #20

3.1K 111 13
                                    

A/N: Short UD. Jake's POV since nami-miss ko nang gumawa ng POV niya. Hahaha! 😂😂 Enjoy reading! Kindly leave some comments ir reactions regarding dito!

____________________________

ENTRY #20

Conflict of Interests

[JAKE:]

Hindi kami magkasabay ni Joel na pumasok sa campus ngayon, since hapon pa naman ang kanilang first period. Tss, nakaka-miss 'yong high school days! 'Yong tipong wala ka masyadong iniisip kasi nga, wala namang pressure. Sa college, iba, e. Kabi-kabilaan ang mga projects. Tss. What a life. Papasok na sana ako sa building namin nang mamataan ko na naman 'yong nam-bully kay Joel noong nakaraan-si Chloe. Hangga't maaari, ayaw kong pumatol sa babae, kaya hindi ko na lang sila pinapansin, kahit pa nagpapapansin na sila. Wala akong time para sa mga shits nila sa buhay. Fortunately, mukhang hindi naman nila ako napansin, kaya sa kabilang gate ng building ako dumiretso. Kahit malayo sa room namin, bahala na. Ayaw kong mawala sa mood, lalo't masaya ako. Well...sabihin na lang natin na tinupad na ni Joel 'yong 'pagbawi' na pinangako niya sa akin. To tell you frankly, that was the most quirky and adventurous thing we've ever done-to think na mayroon kaming kasama sa apartment. Thankful naman ako sa kanya, dahil nakikita ko kung gaano niya ako kamahal. Hindi man through dates or whatsoever niya iyon napapakita, ngunit sa kung paano niya ako alagaan, especially kapag stressed out na ako sa school. See? Ang sarap lang niyang...mahalin.

Nakahinga lamang ako ng maluwag nang makarating ako sa floor namin. At least, hindi na nila ako mahaharang dito. Well...that's what I like to think for now. Sinalubong kaagad ako ni Alex, kaklase't seatmate ko. Alphabetically-arranged kasi kami sa room. Pangilinan ako, samantalang Paras naman siya. Well, masaya naman ako na siya ang seatmate ko dahil mind you, matalino ang ungas. At nasabi ko na ba na pinapakopya niya ako?

"Nakapag-review ka na, Jake?" nakangisi niyang tanong sa akin.

Philippine History kasi ang first subject namin at mayroon daw kaming quiz ngayon. Tss, feeling major din itong isang ito, e. Laging may pa-quiz. Dinaig pa ang mga major namin. Tss.

Tumango naman ako. "Yup. Tinulungan ako ng syota ko."

Alam niya ang tungkol sa amin ni Joel. Well, technically, alam na ng lahat, pero kasi, siya ang una kong pinagsabihan niyon, although hindi ko pa naipapakilala si Joel sa kanya.

Hindi ko alam kung ako lang o guni-guni ko lang, pero napansin ko ang bahagya niyang pagsimangot, bago ngumiti.

"G-Glad to hear that. Well, good luck na lang sa'yo!" nakangiti niyang sambit bago tuluyang pumasok sa loob.

Ako ri'y pumasok na rin at naupo sa p'westo ko. Maingay sa room, actually. Parang hindi man lang nila iniinda ang paparating na quiz. Plano ko na sanang mag-review ulit nang...

"Jake! May naghahanap sa'yo sa labas!" sigaw ng isa kong kaklase, dahilan para agad akong mapalingon sa gawing pinto.

What the hell? Ano na namang kailangan nitong Chloe Santillan na 'to sa akin? Ayaw ko mang masabihang bastos, pabuntong-hininga na lamang akong tumungo sa gawi nila. Nakangiti itong humarap sa akin.

"Hi, Mr. Pangilinan!" masaya niyang sambit sa pangalan ko. "Ilang araw ka na naming inaabangan sa harap ng building ninyo pero hindi ka man lang namin nakikitang dumadaan doon."

Again, napabuntong-hininga na lamang ako.

"Pasensya na, pero maaga kasi akong pumapasok at sa kabilang gate ako dumadaan, e," palusot ko.

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon