ENTRY #05

3.8K 138 32
                                    

ENTRY #05

Misunderstandings

[JAKE:]

"Classmates, wala na tayong afternoon class dahil biglang nagkaroon ng emergency meeting ang mga faculty ng Engineering at Architecture Department," masayang anunsiyo sa amin ng Class President namin na si Crisanta.

Halos lahat ng kaklase ko ay natuwa sa anunsiyong iyon, to the point na napapatalon pa sila sa tuwa. Kahit ako rin naman ay masaya roon. Sino ba'ng hindi, e kahit ilang araw pa lang ang lumipas ay parang nakakapansisi na ito ang pinasukan ko. Tss. Pahirap sa buhay nga naman, o. Dahil doon ay nagmamadali na akong lumabas. Paniguradong hinihintay din ako ni Calvin. Tama nga ang hinala ko dahil nasa labas na pala ito ng room namin.

"Good thing at pinauwi na nila ang mga estudyante, 'no?" tanong nito sa akin habang tinatahak namin ang daan papunta sa canteen.

Tumango naman ako. "At least, magagawa mo na 'yong plano mong dalawin si Ciara," ani ko pa.

"Yep, pero before that, let's have some good lunch dahil gutom na ako," natatawa nitong sabi.

Sakto namang natanaw ko si Joel sa counter nang makapasok kami sa loob ng canteen. Agad naman akong nagpaalam kay Calvin na ako na ang mag-o-order ng pagkain namin. Habang papalapit ay napakunot ang noo ko. Napansin ko kasing parang nag-uusap sila no'ng lalaking katabi niya.

"Oo. Magkakainteres na nga lang ako, sa isang bakla pa. Worst, sa iyo pa," halos pabulong pang sabi ng ungas na ito sa syota ko, na siyang nagpainit ng ulo ko.

Akma pa sanang sasagot si Joel dito, pero inunahan ko na.

"Pare, may problema ka ba sa kanya?"

Alam kong nabigla pa noon si Joel sa presensya ko, habang 'yong gagong lumalandi sa kanya, cool lang. Tang ina niya pala, e. Sa hitsura pa lang niya, alam ko nang mayroon siyang gagawing masama sa syota ko. Subukan niya lang dahil baka mapatay ko siya.

Nagawa pa ako nitong ngisian. "Wala naman, pare."

"Wala naman pala, e," cool lang na sagot ko. Okay, sinusubukan ko lang magpaka-cool dahil nga ayaw ko ring sirain 'yong pinag-usapan namin ni Joel na hindi muna namin ipapahayag sa buong campus ang namamagitan sa amin.

Kapansin-pansin din ang mga makahulugang titig sa akin ni Joel. Hindi ko na lamang pinansin dahil hindi ko gusto itong ginagawa niya. Oo na, I know it's wrong to blame him but...crap. Nagseselos ako every time na mayroong lumalapit sa kanyang ibang lalaki, aside pa kina Justin. Parang any time, hindi ko matupad iyong pangako ko sa kanya't maipagsigawan ko sa buong mundo na ako ang boyfriend niya.

"Kaano-ano mo ba 'to?" tanong pa ng gago sa kanya.

Alam kong hindi makapagsalita si Joel, kaya inunahan ko na.

"Siya?" Itinuro ko pa siya. "Actually.."

Saglit kong pinasadahan ng tingin si Joel noon. Alam ko ang mga tingin na iyon. Napabuntong-hininga na lamang ako. "Pinsan ko 'yang ginugulo mo."

Alam kong mali na itanggi ko siya sa buong mundo, pero wala, e. Iyon ang gusto niya. Siya ang nagdala sa akin sa desisyong ito.

Napakibit-balikat na lamang ang lalaki, saka humarap na lamang sa kahera na kanina pa kami pinapanood. Agad nitong kinuha ang order nito, saka umalis. Akma pa noong magbabayad si Joel ngunit inunahan ko na siya. Mabilis pa sa alas-kwatro akong nag-abot ng limang-daan sa kahera.

"Pero bayad na po ang in-order ninyo," angal pa ng tindera. Marahil ay naguguluhan sa nangyayari.

"Sino pong nagbayad?" agad kong tanong.

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon