ENTRY #29
Zambales Escapade [Part 3]
[JAKE:]
Hanggang makabalik kami sa tinutuluyan namin ay hindi ko magawang kibuin si Joel. Hanggang ngayon kasi ay naaasar pa rin ako sa pag-i-entertain niya sa mga gestures ni Maxwell sa kanya. Don't get me wrong, malaki ang tiwala ko sa kanya. But the thing is, wala akong tiwala sa mga pumapaligid sa kanya. To tell you the truth, mula ng magpunta kami rito ay naaasar na ako sa mga pinapakitang gestures ni Max sa kanya. Sadyang pinipigilan ko lamang ang aking sarili na gumawa ng eksena dahil unang-una: siya ang nagyaya sa amin sa lugar na ito, at ikalawa: ayaw kong mag-iba ang impression sa akin ng mga kasama namin. Para maibsan man lang ang inis na nararamdaman ko ay minabuti ko na lamang na tumambay dito sa batuhan hindi kalayuan sa aming rest house. Palihim din akong bumili noon ng beer sa pag-aakalang maiibsan nito ang inis na nararamdaman ko.
Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na namalayang nasa tabi ko na pala si Justin.
"Hindi ka man lang nagyayang mag-shot," pabiro nitong sambit habang inaagaw sa akin ang bote na hawak ko at tumungga rin doon. "Matagal na rin noong huli akong uminom. Nakakapanibago tuloy," dagdag pa niya.
"Kumusta na sila doon?" tipid kong tanong. Ni hindi ko siya magawang tingnan dahil nahihiya din ako sa inasal ko kanina.
Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa noon. "Kahit naiinis ka na, nagagawa mo pa ring kumustahin sila roon."
"H-Hindi ako naiinis, 'no," pagsisinungaling ko.
"Weh? Huwag mo akong ginagago, pare," natatawa pa rin nitong hirit.
"Oo na," pag-amin ko. "Pasensya na at hindi ko mapigilan ang sarili ko, e."
"Ayos lang iyon, huwag mong isipin masyado iyon," sambit niya. "Ganyan talaga kapag nagmamahal ka. Kahit gaano mo pa taasan ang level ng pasensya mo, darating pa rin tayo sa puntong hindi rin tayo makakapagpigil sa nararamdaman natin.," paliwanag niya.
"S-Salamat," ani ko sabay lagok sa bote ng beer.
"Alam mo, hanga ako sa iyo," dagdag pa niya. "Kahit nagagalit ka na, imbes na saktan sila physically, umiiwas ka na lamang para walang mangyaring gulo."
"Ano naman ang kahanga-hanga roon?" tanong ko.
Napatingin tuloy ako sa kanya ng wala sa oras. Hindi ito nakatingin sa akin, bagkus ay nakatanaw ito sa karagatan at waring nag-iisip ng malalim. Halos padilim na rin noong mga oras na iyon, ngunit hindi naman kami natatakot dahil may ilaw sa kinapup'westuhan namin. Sa may hindi kalayuan ay mayroon pa ring mga turista na naglalaro ng beach volleyball.
Lumagok muna ito bago nagsalita. "Hindi lahat ng tao, kaya 'yang ginagawa mo. Masaya ako dahil hindi nagkamali si Joel na bigyan niya ng chance ang isang katulad mo. Kilala ko 'yong tao na iyon, e. Kahit gano'n 'yon, iniiwas niya ang sarili niya na mag-assume sa mga bagay-bagay. Bakit? Dahil ayaw niyang masaktan sa bandang huli kapag nagkamali siya. Salamat, pare, dahil minahal mo siya. Salamat kasi pinapahalagahan mo siya."
"Teka, bakit mo ba 'to sinasabi?" Hindi ko maiwasang hindi magtaka noong mga oras na iyon. Hindi kasi si Justin 'yong tipo na magsasabi ng ganitong mga bagay, lalo na't wala siyang kinalaman dito.
Ngumisi naman siya. "Sinabihan niya ako na kausapin kita. Nag-aalala sa iyo 'yong tao. Sana ay naliwanagan ka na."
Nabigla man ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti noon. Kahit pala maliit na bagay lang itong dinamdam ko ay hindi pa rin siya humihintong mag-alala para sa akin.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...