ENTRY #01

6.3K 184 42
                                    

Note: Kung nabasa ninyo 'yong teaser ng book two sa last part ng book 1, maiintindihan ninyo kung bakit ganito ko sinimulan itong chapter one. Enjoy reading!

____________________________________

ENTRY #01

"Hambog!"

[JOEL:]

"Ang pangit mo, bakla," kumento nitong kupal na 'to sa aking kilay.

Orientation day pa lang kasi sa University para sa aming mga freshmen. Ewan ko ba. Gusto ko kasi, well-toned ang kilay ko this day. Or in short, kinakabahan talaga ako. Nasabi kasi sa amin ni Michael dati, noong nandito pa siya sa Pinas, na mas pressure sa college. Hindi na raw p'wede 'yong pabebe. Pero what? Asar lang 'tong kupal na 'to! Grrr! Ako na nga itong nagpapakaayos para sa kanya, siya pa itong maarte. Bahala nga siya sa buhay niya!

"Baks, ano 'yan? Panghabambuhay na haharapin ang salamin? Jusko, male-late na tayo!" tawag naman sa akin nitong si Trixie.

"Panira ka ng mood," nakanguso kong sagot sa kanya, sabay sukbit sa bag ko.

"Maiba ako, bakit nakabusangot pa rin si Jake, hanggang ngayon? Nag-away ba kayo?" usisa nitong babaitang ito habang pababa na kami.

"Dahil hindi ko raw siya piniling makatabi sa higaan," nanlulumong sagot ko. "Pinairal na naman niya ang pagka-stubborn niya."

"Ay grabe siya," shocked na sagot nito. "Baks, ipaliwanag mo sa kanya kung bakit. Ikaw naman kasi, napaka-insensitive mo minsan."

"What do you mean?"

Tumawa naman ito. "Nagpapalambing lang 'yon."

Sakto namang nasa baba na kami kaya 'di na ako nakatiyempong magtanong ulit. Si Justin na lamang ang nakita namin doon. Nanlumo pa lalo ako. Talaga bang nagtatampo sa akin si Jake? Kahit naiinis ako sa pagiging childish niya, hindi ko pa rin naman p'wedeng ipagsawalang-bahala ko ito. Kailangan kong gumawa ng paraan.

"Tara na, Joel?" anyaya sa akin ni Justin. "Nauna na sila sa atin."

"K-Kahit si J-Jake?" Hindi ko maiwasang itanong.

Tumango naman ito. "Baka raw mahuli sila, sabi ni Calvin. 'Di ba, same building lang sila?"

Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon. Hanggang sa paglalakad namin papunta sa university ay hindi ko pa rin maiwasang manlumo. Lingid sa kaalaman ko ay napansin ito ni Justin.

"Huwag kang mag-alala, Joel. Pinaliwanag ko naman kay Jake kung bakit hindi siya ang katabi mo sa kama. Nagpapalambing lang iyon sa'yo since hindi mo na nga siya pinansin masyado kagabi," paliwanag nito sa akin.

"Ayun naman pala, e!" natatawang sabat naman nitong si Trixie, na nasa kabilang side ko naman. "Ang drama mo, Joel. Para ka namang ewan. Ang mabuti pa, ikaw ang magluto ng dinner mamaya. Ipagluto mo kami---este, siya ng paborito niyang ginisang munggo."

Napatango na lamang ako sa suhestiyon niyang iyon. In fairness naman dito sa babaitang ito, minsan may maganda ring nasasabi. Well, minsan lang. Hindi, biro lang. Nang makarating sa school, nauna nang humiwalay sa amin si Trixie. Psychology ang kinuha ng bruha, kasama si Clay. Nag-text na raw kasi sa kanya ang huli na nasa loob na nga raw ito ng room nila. Well, since sa iisang building lang naman kami ni Justin, sabay na naming tinahak ang daanan papunta sa kanya-kanya naming room. Financial Management ang kinuhang major nina Justin, Bryan, at Adrian. Samantala, kami naman ni Gab ang magkapareho ang kurso. Supposedly, ako lang talagang mag-isa ang kumuha ng Marketing Management, pero biglang nag-back out itong babaeng ito sa Financial Management due to unknown reasons. Ang sabi naman ni Justin, dahil daw kay Kuya Julius. Sinenyasan naman ako ni Gabby na maupo sa tabi niya. Dahil sa pagkalutang ko ay hindi ko na napansin na may naupo pala sa p'westong iyon. To make things worst, saktong napaupo ako sa lap niya! What the heck!?

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon