A/N: Pause muna kina Jake at Joel. Gusto ko munang bigyan ng POV si Max. Also, para sa nami-miss sina Ciara at Calvin. Short Ciara x Calvin SS alert!! Enjoy reading!
__________________________________
CHAPTER 11
Cool Off
[CALVIN:]
Laat friday afternoon..
"I'm s-sorry, Ciara, but I have to cancel our date," nanlulumo kong sabi sa kanya.
Ayaw ko man itong gawin, but I really have no choice. Si Papa kasi, e. Sinabi ko na nga sa kanya na ayaw kong dumalo sa mga party na ganyan, e. Tsk, I really hate that kind of thing, actually. I'm also not the type of person who like socializing---or, rather I call it, plastikan. It's just that, Dad's really looking forward to this event. Tinawagan na rin ako ni Joel regarding this matter, and I guess, we're in the same boat. Idagdag pa na mali ang timing nito dahil I invited Ciara for a date para man lang makabawi kami sa separation namin. Sad to say, I have to take back my invitation.
Matagal bago siya nakasagot. "Okay lang."
Crap. That's it! Galit nga siya.
"Uhm...how should I say this?" kinakabahan kong untag. "Si Papa kasi, he insisted na kailangan naming um-attend sa party ng kakilala niya. Sorry." Napayuko na lang ako noon sa sobrang frustration.
Ito 'yong nakakainis, e. Of all the situation, bakit ngayon pa. Shit.
Nabigla ako noon nang biglang hawakan ni Ciara ang kamay ko.
"B-Bakit?" I asked.
Seryoso pa rin ito. "Maybe it's not the right time for us, pero don't worry. I'm not mad nor angry. It's just that, you keep making promises na hindi mo naman kayang panindigan. Maybe..."
"Maybe...what?" naguguluhan kong tanonh sa kanya.
I hope...I hope, hindi ito 'yong iniisip ko. Please.
Bumuntong-hininga muna ito. "Cool off muna tayo? Maybe, we need some space. Sige, mauna na ako."
Akma pa sana akong magsasalita noon nang patakbo na itong tumungo sa kotse nila, kung nasaan si Cielo. Gustuhin ko man siyang habulin noon at pigilan ang gusto niya, tila nabato na rin ako sa kinatatayuan ko. Cool off. Bakit siya nag-decide ng ganoon na lang? Ano kaya 'yon?
Pero shit lang, e. Tuluyan nang tumulo noon ang mga luha ko. Masakit palang marinig ang mga salitang iyon. I mean, nagkulang ba ako? Oo, aminado naman akong may mga naipapangako akong hindi ko matupad dahil na rin sa schedule ko. Pero hindi naman sapat na basehan iyon para tapusin na lang ang lahat sa amin ng gano'n gano'n lang.
On the contrary, siguro nga, we just need time. After all, love is all about timing. Naniniwala pa rin naman ako na kami pa rin hanggang sa huli. Iti-text ko na lang siya to clarify this.
Tama, gano'n na lang siguro.
____________________________________________________________________________________________
[MAX:]
Napakunot na lamang ang noo ko sa text na iyon ng syota ni Joel. Ano na naman kayang problema no'n? Marahil ay dahil sa paggala namin nina Joel kagabi. From what I heard to their conversation yesterday, gusto yatang sumunod ni Jake noon sa mall for unknown and undisclosed reason. Pero, agad iyong ni-dismissed ni Joel. Hanggang umuwi yata kami kami kagabi ay hindi na talaga siya nakasunod. As if, gusto ko rin siyang kasama. Naku, masyado talaga siyang threatened sa akin, e. Kahit ayaw ko man ay ni-text ko na rin siya na pumapayag na ako para na rin sa ikalilinis ng loob niya. We decided na sa open field na lang kami mag-usap para wala ring issue. Wala na ring tao noon sa room, aside sa akin at doon sa paepal na si Gavin. Tsk, masyado rin itong prangka sa nararamdaman niya towards Joel, e. Nakakainis lang. To good to be true lang kasi.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...