ENTRY #38
Friends
[JAKE:]
"Max!?" tila nabibigla kong sambit sa noo'y kaharap namin.
Meaning, ang tatay niya ang magiging partner ni Papa? Sa totoo lang, naguguluhan ako sa mga nangyayari ngayon, e. Masyado itong unexpected para sa akin. Soon-to-be stepbrother ko itong lalaking ito na may gusto rin kay Joel? Hindi ko yata kayang isipin 'yong gano'ng sitwasyon, lalo pa't on the rocks ang relasyon namin ngayon. At sa totoo lang, mayroon akong hindi magandang kutob sa araw na ito, e. Hindi ko mawari, pero hindi ko gusto ang sitwasyon ngayon.
"Magkakakilala kayo?" takang tanong naman ni Papa sa akin. Tiningnan pa ako nito ng makahulugan. Naguguluhan din siguro sa mga nagaganap.
Basically, sa aming apat na nandito ngayon, ang tatay lang ni Max ang hindi naguguluhan sa mga kaganapan kahit pa mababakas din dito na nasorpresa siya sa mga pangyayari.
Natawa pa si Tito, tatay ni Max. "Oo, hon, magkakilala sila. Kaklase ni Max 'yong boyfriend ni Jake," nakangiti nitong paliwanag kay Papa. "Nakakatuwa naman at si Jake pala ang anak mo. Kaya pala noong unang beses kaming nagkita, parang may kakaiba na akong naramdaman sa batang ito. Isa pa, magkamukha talaga kayo."
"Ex, actually," seryosong pagtatama ni Papa rito. Ni hindi man lang niya nagawang suklian ang biro ni Tito sa kanya.
Bahagya tuloy akong nakaramdam ng pagkainis sa kanya. Seriously, kailangan pa talagang ipangalandakan sa kaharap namin ang sitwasyon? Worst, sa harapan pa ng karibal ko kay Joel. Shit lang. Tss. Tila nabigla naman silang mag-ama sa naging tugon na iyon ni Papa. Hindi ko na rin nagawang mag-react pa roon dahil, aminin ko man o hindi sa sarili ko, iyon ang totoo.
"Bakit naman—"
"By the way, to formalize anything, hon, I want you to meet my son, Jake," pag-iiba ni Papa ng usapan, na parang hindi ko pa nagustuhan lalo.
"Nice to see you again, Jake. Naku, hindi ko na siguro kailangang magpakilala, 'di ba? Nagkakilala na rin naman na tayo dati. Kahit si Maxwell, kilala mo na rin. Wala rin naman akong nakikitang masama kung maging mag-stepbrothers kayong dalawa," ani Tito.
Seryoso naman akong tumango. "Okay lang."
"Good," tila masaya naman niyang tugon. "By the way, maupo na kayo riyan at ihahanda ko lang ang mga personal kong inihanda para sa pagdating ninyo."
"Teka, tulungan na kitang maghanda, hon," paghabol naman ni Papa sa kanya.
Kami na lang tuloy ni Max ang naiwan dito. Actually, hindi ko alam kung paano ko siya pakikisamahan ngayon. Hindi naman kami maayos katulad ng dati, e.
"So hiwalay na nga talaga kayo?" bigla niyang sambit.
Sinamaan ko nga ng tingin. "Ano naman sa'yo?"
Teka, parang nagpapahiwatig siya, a?
Ngumisi naman siya. "Wala lang. I guess, p'wede ko na siyang ligawan."
Ngali-ngali tuloy akong tumayo noon para akma siyang sugurin. "Anong sabi mo?"
"Chill," natatawa niyang sambit. "Bakit ka ba galit diyan, e 'di ba tapos na kayo?"
"Hindi por que tapos na kami ay hinahayaan na kitang gumawa ng moves mo sa kanya, ha?" tiim-bagang kong pahayag.
Imbes na magalit ay natawa pa siya lalo. "Jake, look. Kung wala na kayo, it means, wala ka na ring karapatan sa kanya. Besides, based sa pagkakaintindi ko, mukhang 'yong tatay mo ang nag-decide para sa'yo. Hayaan mo, ako na ang bahala sa kanya."
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...