ENTRY #36

2.2K 90 14
                                    

Sorry kung sabaw ang UD. Madami kasi akong tinatapos na reports.:(

•~•~•~•~•

ENTRY #36

Goodbye

[JOEL:]

"Anak, ang Papa mo, sinugod dito sa ospital!" ang bungad sa akin ni Mama nang tawagan ako nito.

Halos manlamig ako sa nabalitaan. Ito na nga ba ang sinasabi ko, e! Kaya pala parang may iba akong pakiramdam kanina pang umaga. Napansin pala ni Gabby ang pagbabago ng mood ko at nilapitan ako nito.

"Ano!? S-Sige po, susunduin ko lang po si Calvin sa room niya at pupunta na kami riyan," kinakabahan kong tugon dito.

Hindi ko na napansin na lumuluha na pala ako. Bigla akong nakaramdam ng takot noong mga oras na iyon. Sa tagal kasi ni Papa sa serbisyo, never pa kaming nakatanggap ng balitang ganoon, e. As in ngayon pa lang—kung kailan magreretiro na siya sa pagsusundalo.

"Bes, anong nangyari?" tila may pag-aalalang sambit ni Gabby.

Bigla na lamang akong napayakap sa kanya. "S-Si Papa, sinugod sa ospital."

Alam kong nabigla rin siya sa balita ko kaya niyakap pa ako nito lalo.

"Parating na si Julius, ihahatid niya tayo roon," aniya. "Tara na, at puntahan natin si Calvin."

Tumango na lamang ako noon saka patakbong tinungo ang building nina Calvin—at Jake. Speaking of him, mayroon akong natanggap kaninang message galing sa kanya na mayroon lang daw siyang inaasikaso sa Faculty Room ng Archi Department. Maganda rin siguro kung sasabihan ko siya sa mga nangyari para kahit papaano naman ay may karamay ako. Isinasantabi ko muna ang gusot sa pagitan namin.

"Gabby, puntahan ko lang si Jake. Baka magtaka iyon kung bakit hindi ko siya masisipot," paalam ko rito.

"Ha?" Saglit siyang napahinto. "Bakit hindi mo na lang i-text?"

"Wala akong load," tipid kong sagot saka patakbo nang tumungo sa Faculty Room.

"Sige, puntahan ko lang si Calvin!" Narinig ko pang sabi niya pero hindi ko na nasagot.

Mabuti na lamang at alam ko kung saan ang Faculty Room nila. Halos walang mga estudyanteng nakatambay sa labas. On going kasi 'yong mga klase. Nagtaka naman ako kung anong mayroon sa Faculty Room nila, e nataong may klase pa sila ngayong mga oras na 'to, e. Ilang saglit pa ay narating ko na rin ang pakay ko.

And wow...kaya pala siya nanlalamig sa akin.

Dahil mayroon na siyang nilalanding iba.

Sobrang sakit na makita mo 'yong taong mahal mong mayroon nang mahal na iba.

Bakit hindi niya sinabi sa akin? Maiintindihan ko naman kung ayaw na niya sa akin, e. O kung gusto na niyang tapusin ang relasyon namin. Pero 'yong ganito? 'Yong patago niya akong niloloko? Ibang usapan na yata 'to.

Nakita ko lang naman sila no'ng babae na halos magkayakap at parang masayang nagdidiskusyon. At wala akong pakialam kung ano man ang pinag-uusapan nila.

Shit, sobrang bigat sa kalooban ko ito. Hindi naman ako nagkulang sa kanya, a? Hindi naman ako gumawa ng mga bagay na ikakadismaya niya? Pero bakit gano'n? Niloko pa rin niya ako. Pakiramdam ko noong mga oras na iyon, para akong sinaksak at pinahiya sa harap ng marami.

Dahil na rin sa nasaksihan ay halos patakbo na akong umalis doon. Para saan pa kung kukomprontahin ko siya o sila? Baka sa huli, masaktan lang ako sa sasabihin niya. I also think there's no need to do that, especially when I already know his response. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak noon. Naghalo-halo na kasi lahat, e. Ang mahalaga na lang para sa akin sa ngayon ay ang mapuntahan namin si Papa sa ospital. Mas mahalaga siya kaysa sa mga ito.

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon