ENTRY #37
Rivals
[JAKE:]
"Pare, ano ba'ng naging problema ninyo ni Joel? Bakit parang ang bilis naman ng mga pangyayari?" tanong sa akin ni Adrian.
Matapos kasi ng mga nangyari kanina, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Bumalik na lamang ako sa apartment namin para doon ilabas ang sama ng loob ko. Ayaw ko namang sa bahay dahil paniguradong magagalit lang sa akin si Mama, lalo pa't malapit na rin siya kay Joel. Sa totoo lang, sobrang bigat sa kalooban ko itong mga nangyayari. Sa isang iglap lang, gumuho lahat ng effort ko para panatilihing matatag ang relasyon namin. Pero wala, e. Sobrang aga kaming sinubok ng pagkakataon.
Pinili kong huwag sagutin ang tanong na iyon. Instead, nilagok ko ng mabilis ang alak na binili ng mga ito para damayan ako sa sakit na nararamdaman ko.
"Marami ka nang nainom," sabat naman ni Justin na himalang nakisama rin sa amin.
"P-Pasensya na," mahina kong tugon dito.
Bahagya pa akong napapitlag nang akbayan ako nito. "Okay lang 'yan. Nandito lang kami."
"S-Sa totoo lang, mahirap para sa akin itong mga nangyari, e. Gusto kong i-explain 'yong nangyari kanina, pero wala. Hindi niya ako pinapakinggan. Worst, pinili niyang tapusin ang lahat sa amin. Sobrang sakit no'n," naluluha ko na namang pahayag.
Lasing na nga ako. Nakwento ko na, e. Hindi bale, handa naman silang damayan ako.
"Ano'ng plano mo ngayon?" ani Bryan.
"Plano? Aalis na ako rito. Mukhang hindi rin naman papayag si Joel na nandito pa ako," nakatungo kong sagot.
Kasabay ng sakit na nararamdaman ko ay ang pagbigat ng katawan ko. Sobrang dami na ng alak na nainom ko. Tila namanhid na rin ang damdamin ko dahil sa alak.
"Ha? Saan ka naman titira?" tanong pa nila.
"Kay Papa."
Matapos niyon ay tuluyan na akong nawalan ng malay.
______________________________________________________
[JOEL:]
"Sure ka na ba sa desisyon mong makipaghiwalay kay Jake, Kuya? Look, hindi sa kinakampihan ko siya, pero para namang ang bilis lang ng mga pangyayari, e. Ni hindi mo man lang siya pinagpaliwanag," pangungumpronta sa akin ni Calvin.
Nalaman na kasi nito ang ginawa kong desisyon dahil kina Adrian na kausap niya kanina through phone. Agad nga ako nitong hinila palayo kina Mama. Ayaw niyang iparinig sa mga ito ang naging desisyon ko. Well, may punto naman siya. Masyado pang magulo ang sitwasyon namin ngayon. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin umaayos ang lagay ni Papa. Masyado raw kasing malala ang natamo niyang pinsala sa katawan.
"Alam kong may kababawan lang itong desisyon ko. Well, sino naman kasing matino at mature na taong makikipaghiwalay kaagad nang hindi man lang iniisip o pinagpapaliwanag 'yong isa? Pero kasi, Calvin, masyado na akong stressed out sa mga nangyayari, e. Isa pa, maisip ko pa lang 'yong mga pangmamata sa akin ng tatay niya, parang ayaw ko nang ituloy pa ang relasyon namin," malungkot kong pahayag dito.
Napakunot na lamang ang noo ko nang mapansing masama ang tingin sa akin ng kapatid ko, habang naiiling pa ito. "You know what, you disappointed me...us, kaming mga nasa paligid mo. Hindi ka nag-let go, e. Alam mo kung anong tawag diyan? Pagiging makasarili."
"How dare—"
"I don't fucking care kung magalit ka sa akin, Kuya. Look, totoong nagalit ako kay Jake nang mabalitaan ko ang nangyari, pero ang kinaiba ko sa iyo, hinayaan ko siyang magpaliwanag, e. Because he deserved that. Pero ikaw? Ipinagkait mo 'yon sa kanya. And yes, ayaw ng tatay niya sa relasyon ninyong dalawa, pero siya ba ang dapat mag-matter sa relasyon ninyo? No! Ang problema sa'yo, sarili mo lang ang iniisip mo. Nagiging pabebe ka na, Kuya. Sorry not sorry. Real talk." Mahabang litanya ng kapatid ko sabay walk out.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...