ENTRY #19

3.1K 118 25
                                    

Dahil sa kaka-release pa lang ng Reputation at dahil isa po akong certified Swiftie, dine-dedicate ko po ang Entries #18 and #19 (or depende kung may mairerelate ko pa yung iba niyang songs) kay TayTay. Sobra ko po kasing inabangan yung latest album niya at so far, 'di naman ako nadisappoint.

PS: Kung may KatyCats man na readers nitong TMH, calm down. Friendship tayong lahat dito. Pagbigyan niyo lang muna ako. Okay? Okay.😂

Osiya. Enjoy reading! DON'T FORGET TO COMMENT para naman maencourage ako. HAHAHA. Demanding.

____________________________

ENTRY #19

...Ready For It?

[JOEL:]

Define stress? Tch. Parang ako na yata ang living proof no'n, e. Paano, sa pagsisimula pa lang ng Midterms, mas lalo pa palang magiging stressful ang lahat. What I mean is that, halos nagsabay-sabay ba naman ang mga projects! E 'yong iba pa naman, talagang weekends lang namin magagawa. Kailangan kasing lumabas sa school at mag-ikot ikot sa buong barangay para mag-interview.

"Gano'n ba, anak?" tila nalulungkot na sambit ni Mama.

Tinawagan ko kasi siya para i-inform na hindi ako makakauwi muna sa bahay bukas—Linggo—since bukas nga namin planong gawin ang project namin. Kaloka lang, 'di ba? Hay! Kahit ako, nadi-disappoint din, e.

"Opo, 'Ma. Pasensya na po, ha?" malungkot kong paghingi ng paumanhin.

"No, okay lang, anak. Basta, mag-ingat ka lang diyan, ha?" bilin niya sa akin.

"Opo, 'Ma," ani ko, bago i-end ang phone.

Napabuntong-hininga na lamang ako noon, saka naupo sa damuhan. Nandito kasi ako ngayon sa greenfields ng school para maglabas ng sama ng loob. Wala lang, feel ko lang magpaka-loner ngayon. Kakatapos lang, actually, ng NSTP namin. Wala na rin si Gabby since sinundo ng Dad niya. Mukhang mayroon silang family affair ngayong araw. Si Jake? Mukhang late makakauwi. Pinauna na kasi niya ako, e. Well, that was my plan before. Ang kaso nga lang...ugh! Dumagdag pa sa asungot 'yang NSTP namin! Feeling major din kasi, e. Ilang saglit pa'y nakaramdam ako ng gutom. Buti na lamang at nagbaon ako ng kanin at corned beef ngayong araw. Doon na lang din ako kakain.

Susubo pa lang sana ako nang...

"Senti mode?"

Hindi ko man lingunin, kilala ko naman siya. Of all the people, bakit siya pa? Bakit siya pa ang nakakita sa akin dito? E isa rin kaya siya sa stressors ko!?

Hindi ko na lang siya pinansin noon, at nagpatuloy lang sa pagsubo ng pagkain. Naupo naman siya sa tabi ko, saka inilabas ang binili niya sa canteen.

"Come on, hindi naman ako nagpunta rito para manggulo or whatsoever. Wala kasi akong map'westuhan sa canteen dahil puno ng estudyante. Hindi rin ako makatambay sa garden since bagong dilig ang mga halaman doon," buong paliwanag niya sa akin.

In all fairness naman dito kay Gavin, wala man lang any signs ng kayabangan sa mga sinabi niya. Well...siguro nga, wala naman siyang masamang intensyon sa akin ngayon.

"Okay, accepted. Huwag mo na lang akong masyadong kausapin," sabi ko na lamang sa kanya noon.

Tumango naman siya noon, saka nagpatuloy sa pagkain. So far, naging maayos naman ang pagkain namin. Pinanindigan naman niya na hindi magsalita o magtanong man lang sa akin. Ang awkward nga, e. Siyempre, hindi naman kami close or what. Ayaw ko nga mapalapit sa kanya, e.

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon