ENTRY #34
Cool Off?
[JOEL:]
Halos hindi ako makakibo nang marinig ko ang sinabing iyon ng tatay ni Jake. Sa totoo lang, bigla akong nakaramdam ng takot sa kanya, e. Hindi ko pa kasi ito nakita, kahit sa picture man lang. 'Di ba nga, iniwan niya sina Jake noon? Although wala akong ideya sa mga pangyayari noon sa buhay nila, just by hearing Jake's confession last time, mukhang alam ko na kung bakit may galit si Jake dito.
Pero hindi ba parang unfair lang sa part namin na paghiwalayin niya kami dahil lang ayaw niyang matulad sa amin ang anak niya? Oo, sabihin na nating concern siya kay Jake, pero sa pagkakaalam ko rin, wala pa rin siyang karapatan na diktahan ang tao sa kung anumang desisyon na gawin nito.
"Uhm, Sir..." Halos hindi ako makapagsalita ng maayos. Kahit pa kasi masyadong insulting ang sinabi nito, still, siya pa rin ang tatay ng boyfriend ko. "With all due respect, pero wala po sa akin ang desisyon na 'yan. Kung sasabihin po sa akin ni Jake na maghiwalay na kami dahil ayaw ninyo, ayaw ko man po ay tatanggapin ko pa rin po ito ng buo. Pero kung hindi, I guess, hindi ko po gagawin ang gusto ninyo."
"Bastos kang bata ka," napairap na tugon nito. "Hindi ko in-expect na magiging ganyan ang response mo sa akin. Now I know kung saan nakuha ng anak ko ang pagsagot-sagot niya sa akin ng ganyan noong Sabado," pagsisiwalat nito.
Saglit na pumasok sa isipan ko ang mga pangyayari noong araw na iyon. Hindi kaya, ito ang dahilan kung bakit doon muna kay Sir Albert nakituloy sina Tita pansamantala?
"Makakaalis na po kayo, Sir. Kung ano man po ang reklamo ninyo, kay Jake po kayo mismo magsabi. Salamat po," sambit ko rito, saka agad sinara ang pintuan ng apartment namin.
Naririnig ko pa mula roon ang mga hinaing nito. Kesyo raw wala akong respeto o ano pa man. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maging sensitibo sa mga naririnig ko. Kahit si Gabby ay nabigla rin noon sa mga pangyayari.
"Nakakaloka pala 'yong tatay ni Jake. Akala mo kung sino para sugurin ka rito without background sa mga nangyari," kumento niya habang yakap-yakap ako.
"Girl, favor naman," ani ko.
"Ano 'yon?"
"Huwag na lang nating iparating ito kay Jake, ha?"
Napakunot naman ito ng noo. "Girl! Ano ka ba? Ililihim mo lang 'to, gano'n? Paano kapag paulit-ulit na? Ikaw ang magtitiis? Girl, hindi yata makatarungan 'yon."
Alam ko naman 'yon, kaso nga lang, ayaw ko ring lumala pa lalo ang issue sa pagitan nilang mag-ama. Hindi ko kasi kayang makita na magkalayo ang loob nilang dalawa dahil sa akin.
"Gabby, listen..." Saglit akong napahinto para magpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Kung sasabihin natin kay Jake 'to, sa tingin mo, maaayos nilang dalawa ang problema nila? Hindi. Lalo lang 'tong lalala. Iyon ang iniiwasan ko, Gabby. Ayaw kong magkasira silang mag-ama dahil lang sa akin. After all, ama pa rin 'yon ni Jake."
Matagal bago ito nakasagot. "S-Sorry. Nadala lang ako sa mga pangyayari. Naiintindihan ko na ngayon ang lahat ng gusto mo."
"Pangako mo 'yan, ha? Walang makakaalam nito," ani ko pa.
Tumango naman siya. "O-Oo. Promise."
_______________________________________________________
"Beshies, anyare? Ba't parang ang tabang yata ng luto ninyo ngayon?" usisa sa amin ni Trixie habang tinitikman nito ang luto naming Tinola.
Oo nga pala, dahil sa nangyari kanina ay parang nawalan ako ng ganang magluto. Labis ko pa rin kasing dinadamdam ang mga sinabi ng tatay ni Jake, e. I mean, ako ba talaga ang punu't dulo ng hindi nila pagkakasundo ngayon? Nakakalungkot lang kasing isipin 'yon, e. Hindi ko iyon ginusto. Alam 'yan ng Diyos. Pero...ugh.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...