ENTRY #25

2.9K 108 24
                                    

ENTRY #25

Past

[JOEL:]

October 2009

It's been two months matapos ang nangyari. Well, all is well naman between Jake and I. After that scandalous scene last Acquaintance Party, mas pinili ko munang magpaka-lie low sa lahat. Yes, naayos naman namin ni Jake ang lahat lahat ng nangyari that time. I even forgave him since I know that he's not that kind of guy and I can see that he did not expected it. Pero kasi, lagi ko namang sinasabi na ako 'yong tipo ng tao na ayaw ng sobrang atensyon. I mean, ano ba naman ako? E, isa lang naman akong hamak na tao lamang. Char! Pero mas sanay kasi akong low life lang. Evident naman iyon sa relasyon namin ng kupal na 'yon, 'di ba? Good thing, supportive naman ang mga barkada ko sa akin at sa amin ni Jake. Okay na ako roon.

Bago dumiretso sa room ay nagyaya muna itong si Gabby sa canteen para makabili raw kami ng hot choco. Hindi kasi kami nakainom kanina at isa pa, start na ng final exams namin ngayon. Puyat kami pareho kaka-review. Akalain niyo 'yon? Na-survive namin ang first sem?

"Kaloka, baks. Inaantok pa ako," reklamo nitong babaita sa akin habang nakapila kami rito sa counter.

"Sinabi mo pa. Ang hirap maging estudyante," pagsang-ayon ko rin naman sa kanya.

Matapos makapagbayad ay umakyat na kami. Nasalubong pa nga namin ang grupo nina Chloe noon, na nakangisi sa akin. Asar talaga ako sa mga ito, e. Napakabitchesa! Pasalamat sila't nagpipigil lang ako. Hindi bale, ipinaubaya ko na sila kay Gabby, since may plano nga raw itong babaeng ito. Nang makarating sa room ay balik ulit kami sa pag-ri-review. Seryoso rin ang lahat noong mga oras na iyon.

"Nakapag-review na kayo?" tanong naman kaagad sa akin ni Max.

Tumango naman ako. "Kaya puyat kami pareho."

"Hey, gusto niyong pumunta sa Zambales this coming sembreak? I mean, for three days lang naman?" he suggested.

Aaminin ko, naengganyo rin ako sa sinabi niyang iyon since after this ay long weekends. Pang-unwind, kumbaga.

"Naku, ipapaalam ko muna kina Justin," sagot ko naman.

Siguro naman, papayag din 'yong mga iyon. Wala naman nang major exams next week, e. Isa pa, para na rin mawala ang lahat ng stress namin dito sa school. After that, sakto namang dumating ang prof namin at pinag-one seat apart na kami. Hindi naman ako nag-aalala rito dahil nakapag-aral ako kagabi. Sana lang talaga ay nasa exam ang lahat ng iyon. Chos!

Matapos ang makalamog-lamang exam noong araw na iyon ay nagpasya kaming dumaan ni Gabby sa may milktea shop 'di kalayuan sa campus. Bigla raw kasi siyang nag-crave sa milktea. Ako naman itong kaladkarin, sumunod naman. Katulad kanina, nasalubong na naman namin ang grupo ni Chloe. Ngising-aso naman ang mga gaga.

"Sayang naman at 'di pa kayo naghiwalay ni Jake, bakla," mapanuksong tudyo sa akin ni Chloe.

Naku, pasalamat lang talaga siya't nagpipigil lang ako ngayon, ha!? Kanina pa kasi ako nanggigigil sa kanya, e! Magsasalita pa lang sana ako noon nang inakbayan ako ni Gabby.

"Hindi ka talaga nadadala, ano?" Tinaasan niya ng kilay ito.

"Wala akong pakialam sa'yo, weak! Kampante naman akong hindi mo magagawa 'yong banta mo, e," aniya.

"Talaga?" Todo-ngisi naman si Gabby noon. "Watch out, girl. Patapos pa lang ang semester."

"Go ahead," pagbabanta naman ng gaga.

Hinila ko na lang noon si Gabby palayo sa mga gaga para wala na ring gulo. Sabi ko nga, lie low muna ako sa mga ganyang bagay. Nakakasawa rin kasi 'yong parati na lang ikaw 'yong nagri-raise ng voice, e. Hindi naman lahat, handang pakinggan ang mga hinaing mo. Worst, baka ikaw pa ang lumabas na mali. Sayang effort lang. kung maaari, ayaw kong mangyari iyon kay Gabby.

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon