ENTRY #43
Acceptance
[JOEL:]
"Sa tingin mo ba, dapat akong sumipot sa invitation ni Chris sa akin bukas?" tanong ko kay Calvin.
Nandito kami ngayon sa parke dahil nagyaya itong lalaking ito na mag-morning jog sa buong subdivision namin. Wala namang problema 'yon sa akin, since matagal-tagal na rin noong nag-jogging ako. At since pumasok nga sa isip ko ang paanyaya ni Chris sa akin, humingi na rin ako ng expert advice dito sa kapatid ko.
Nagkibit-balikat naman siya. "Depende naman sa'yo 'yan, pero para mapanatag ka, kilala ko si Chris. Kahit naman mahangin 'yon sa paningin mo ay hindi ka naman ipapahamak no'n."
"Paano mo naman nasabi 'yan? Saka isa pa, hindi pa nga ako nakakapag-move on kay Jake, tapos irereto mo kaagad ako sa kanya? Tumulong ka pa sa kanya. Nakakaloka ka," tila nayayamot kong pahayag dito.
Anong akala niya? Hindi ko makakalimutan ang mga ginawa niya? Nakakaloka lang, imbes na ako ang isipin niya, iyon pang hindi naman namin gaanong kilala ang tinulungan. Tch. Seriously, Calvin?
Natawa naman siya sa tinuran ko, na as if, wala lang iyon sa kanya. "Ano ka ba. Naiintindihan naman kita. Obviously, kuya kita, e. But...come to think of it, wala namang masamang intensyon 'yong tao sa'yo. Gusto lang naman niya ng attention mo. Saka in terms of Jake, kung mahal ka pa rin niya, gagawa at gagawa pa rin siya ng paraan para makuha ka. Gets mo ba 'yong point ko? From day one, happiness mo lang naman ang gusto ko kaya naisip ko, wala naman sigurong masama kung ie-entertain mo si Chris," mahaba niyang paliwanag *slash* pangaral sa akin.
Sa totoo lang, hindi ko na alam kung sino o ano ang papakinggan ko. Kasi naman, bakit pa kasi naging ganito kahirap at kakumplikado ang sitwasyon ko, e. Ang pangarap ko lang naman ay simpleng buhay—at hindi 'yong ganito na puro na lang pasakit.
"Hindi ko alam kung matutuwa ako sa suggestion mo, pero salamat pa rin at pinapakinggan mo ako," nasabi ko na lang sa kanya, saka lumabas muna sa kwarto namin para magpunta sa parke.
I guess, doon muna ako tatambay para naman mas makapag-isip ako ng maayos. Imbes kasi na makapag-isip, ay lalo lang akong naguluhan. Although bukas pa naman 'yong event ay hindi ko na maiwasan na hindi ma-pressure. Kailangan ko na kasing sabihan si Chris na ihinto na niya 'to dahil hindi talaga mag-wo-work ang gusto niya. Hindi talaga ganoon kadaling mag-move on, especially kung minahal mo talaga ng todo 'yong tao na 'yon. 'Yong impact? Nasa puso mo pa rin. Hindi naman ito mawawala in a blink of an eye. Para itong tattoo na parang napakaimposibleng tanggalin sa katawan. At hanggang nasasaktan pa rin ako sa break up namin ni Jake, hindi ko pa rin siya kayang palitan dito sa puso ko.
Lumipas ang mga oras na nakatambay lang ako dito sa parke nang makapag-decide akong pumunta na sa birthday ni Chris. Tama, Joel. Kailangan mo itong gawin para hindi ka na makapanakit ng damdamin ng iba.
______________________________________________________
Kinagabihan ay pinatawag kami ni Papa sa office niya. Mukhang seryoso ang pag-uusapan namin dito, ah? Kahit kasi sina Calvin at Jonathan ay walang kaide-ideya sa biglaang pagtawag na ito.
"Ano itong nakarating sa aking balita?" seryoso nitong tanong sa amin, especially sa akin dahil sa akin ito nakatingin.
Kalmado lang si Papa noong mga oras na iyon pero mahahalata mong disappointed siya sa mga pangyayari. Mukhang kinutuban naman ako bigla sa kung ano man ang nalaman niyang balita. Awtomatiko tuloy akong nakaramdam ng kaba noong mga oras na iyon. Paano naman kasi, baka mamaya ay hindi magustuhan ni Papa ang mga pangyayari at baka ipagulpi niya si Jake. Oo na! Advance na akong mag-isip!
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...