ENTRY #12

3.2K 138 22
                                    

ENTRY #12

Pictures

[JOEL:]

Minsan talaga, nalilito pa rin ako sa ugali ni Jake. I mean, kahit na sabihin pang naiintindihan ko naman siya sa mga dramas niya sa buhay, still, nalilito pa rin ako sa kanya. Katulad na lang ngayon, ni hindi man lang ako ni-reply-an no'ng ni-text ko siyang susunduin ako nina Mama mamaya para sa party na pupuntahan namin. Hindi ba niya naintindihan na family affair iyon? Tch, naapailing na lang ako sa kanya ng wala sa oras, e. Pero...on the other note, kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik nitong si Calvin. I mean, ganito naman talaga itong lalaking ito, kapag ganitong mga events, e. Pero ngayon, ramdam ko talagang may kakaiba, e. I mean, may kinalaman kaya rito 'yong date nila ni Ciara?

Past 5 na yata nang makarating kami sa venue ng party. As expected, marami na namang tao; mostly, mga kasamahan ni Papa sa military. To my surprise, I saw Calyx there, together with his family. Agad naman kaming nagmano kina Ninong at Ninang.

"Naku, malaki na talaga itong si Joel," biro sa akin ni Ninang.

Kaloka! Nang-asar pa, e. Kasalanan ko ba king kinulang ako sa height!? Kidding aside, natawa na lang ako sa kanya noon. And, somehow, mga beshies, mukhang hindi naman ilag sa akin si Ninong. In fact, inakbayan pa ako nito.

"Nanghihinayang talaga ako sa'yo, Joel. Magiging anak na rin sana kita kung sinagot mo itong si Calyx," natatawa nitong pahayag, na ikinatawa rin nina Mama at Papa.

"Okay lang 'yan, kumpare," sagot sa kanya ni Papa.

Agad kaming naupo noon sa designated table namin. Good thing, sila ang kasama namin. At least, hindi ako maiilang. Agad namang tumabi sa akin si Calyx.

"Kumusta, Joel? Mukhang pumapayat ka, ha?" natatawa nitong biro sa akin.

Sinamaan ko nga ng tingin. "Magtigil ka nga! Sexy kaya ako."

Natawa naman siya. "Oo na, sexy ka na."

"Good," tanging sagot ko lamang.

Maya-maya pa'y nagsimula na ang programa. In fairness naman sa nag-organize ng party na ito. Talagang ginalingan niya sa pag-e-effort dito. Nakakamangha naman kasi talaga ang mga intermission numbers. Mababakas pa rin naman ang pagka-sophisticated ng lugar. Ilang saglit pa ay naisipan kong magbanyo saglit.

"Saan ka pupunta?" tanong bigla sa akin ni Calvin.

Bahagya akong nabigla noon dahil buong akala ko, papanindigan talaga niya ng pagiging tahimik dito buong oras. Mamaya siguro sa bahay, tatanungin ko siya kung ano'ng nangyari. Hindi rin ako mapalagay sa kanya, e. Alam kong mayroon talagang nangyari sa kanila ni Ciara.

"Sa banyo. Sasama ka?" tanong ko naman. Nagbabaka sakali lang naman.

Umiling naman ito, sabay lingon ulit sa harap. Napakamot tuloy ako ng ulo sa kanya. Ano kay 'yon? Hindi bale na nga. Makapunta na nga lang.

Paalis na sana ako noon nang bigla akong tapikin ni Calyx sa balikat ko.

"Sama ako," aniya.

Tumango na lang ako noon bilang tugon. Sabay na naming tinungo noon ang daan papunta sa banyo. Tila hindi naman nakatiis itong lalaking ito at nagawa pa talagang magtanong ng tungkol sa amin ni Jake.

"Kumusta naman kayo ni Jake? Hindi ka ba niya pinapahiya?" seryoso niyang tanong sa akin.

Medyo maingay noong mga oras na iyon, ngunit rinig na rinig ko pa rin ang tanong niyang iyon. Bahagya akong nabigla roon, dahil aware naman ako na hanggang ngayon, may nararamdaman pa rin siya sa akin. Hindi ako assuming. Sadyang sinabi lang niya ito sa akin no'ng nagkita kami noong may party sa bahay ng kambal.

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon