EPILOGUE
-Part 1-
[JAKE:]
Kahit kay Papa na ako tumutuloy ngayon ay pinili ko pa ring iwasan ito. Hindi naman dahil sa hindi ko pa rin tanggap ang relasyon nila ng tatay ni Maxwell, kundi hindi lang talaga ako sanay sa pagiging diktador niya. Paano kasi, kung sino-sinong babae na ang pinapapunta niya rito sa bahay niya para lang i-entertain ko. What the hell? Anong tingin niya sa akin, ganoon kabilis mag-move on? Isa pa, hindi niya ako mapipigilan na patuloy pa ring mahalin si Joel, dahil ang pagmamahal ko sa tao ay hindi naman nabuo ng ganoon kabilis lang. It takes a lot of emotional attachments para lang ma-realize kong in love na pala ako sa kanya. Iyan kasi ang hindi maintindihan ni Papa, e. Agad siyang gumagawa ng desisyon na wala namang basehan.
Alam na rin pala ni Mama na kay Papa ako nakatira. Aaminin kong nagalit si Mama sa akin dahil hindi ko inamin kaagad ang lahat ng mga pangyayari. Agad pa niyang kinompronta si Papa sa mga naganap—na kapagkuwa'y sinukuan din ng huli. Natatandaan ko pa ang naging pagtatalo nilang dalawa...
"Hindi ikaw ang nagpalaki sa kanya kaya huwag kang umakto na parang kilala mo na ng lubusan ang anak mo. Hindi ko siya kinunsinti sa bagay na iyan," mariing sambit ni Mama sa kanya.
"Anong gusto mo, ang kutyain din diya katulad ng dinanas ko? Janina naman, alam mong ayaw kong maranasan ng anak natin ang lahat ng dinanas kong panlalait sa akin ng iba," sagot pa ni Papa rito.
"Naiintindihan ko ang punto mo, Rob, pero kung hahayaan mo lang siyang hindi niya sundin ang gusto niya, paano niya mahahanap ang sarili niyang kaligayahan? Please lang, bago pa ako tuluyang magdesisyong huwag ka nang bigyan ng karapatang makita ang mga anak natin, hayaan mong si Jake ang magdesisyon ng sarili niyang kapalaran."
Gusto ko silang pigilan noon na huwag magtalo dahil lang sa akin, pero ewan ko ba at parang mas ginusto ko pang makinig na lang sa kanila. On the other side, natuwa naman ako at nagpapasalamat kay Mama dahil sa pagtatanggol niya sa akin. Kung hindi dahil sa ginawa niya, hindi ako magkakaroon ng pagkakataon na makuhang muli ang puso ni Joel. Hindi ako tanga para isuko na lang ng gano'n lang ang pagmamahalan namin. Ano pa't nangako kami sa isa't isa na magtiwala lamang?
Kinahapunang din iyon nang dumalaw sina Max sa bahay ni Papa. Bilang pagrespeto ay bumaba ako para makisalo sa kanila, bilang request na rin ni Papa. Hindi pa nga niya ako matingnan sa mata, e. Nakokonsensya marahil. Tss. Akma sana akong pupunta noon sa kusina nang pigilan ako ni Max.
"P'wede ba tayong mag-usap?" aniya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala tayong dapat pag-usapan."
Seryoso pa rin ako nitong tiningnan. "Mayroon, kung gusto mong maayos ang lahat ng ito."
Bahagya akong nakaramdam ng kakaiba roon. Ano namang maaayos kung makikipag-usap ako sa kanya? At isa pa, hindi ko pa rin nakakalimutan ang pag-aaligid na ginagawa niya sa Joel ko. Tss. Hindi ko na lang siya sinagot noon at dumiretso na lang ako sa pintuan sa bandang kusina. Ito 'yong papunta sa garden ni Papa sa likod. Nang makahanap ng magandang p'westo ay saka pa lang ako huminto.
"Ano na naman bang sasabihin mo? Na sinagot ka na ni Joel?" tila naaasar kong tanong dito.
Nangisi naman siya. "'Yan din nga ang gusto kong mangyari, e."
"E, gag—" Inunahan niya ako.
"Chill, nagbibiro lang ako," saka ito tumawa ng mahina. "Seriously, nandito ako para sabihing handa akong tumulong sa'yo para maibalik ang loob ni Joel. Minsan ko lang ito gagawin kaya pag-isipan mo ng mabuti."
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...