ENTRY #03
"Bad Blood"
[JOEL:]
"Oo nga, Joel, Gabby. Expected pa naman namin na kayo ang mauunang umuwi since 4:30 PM ang dismissal time ninyo," sabat naman ni Justin, na nakaupo sa mesa at mukhang gumagawa ng homework niya.
Hindi ko alam ang irarason ko, sa totoo lang. 'Di ba nga, ayaw na naming ipaalam sa kanila 'yong nangyari kanina? Bahala na nga.
"A-Ano kasi, u-uhm.." Shit, hindi ako makaisip ng irarason.
Napahinto na lamang ako nang si Gabby na ang nagpaliwanag. "Naisipan kasi ni Joel na bumawi kay Jake since medyo hindi naging maganda ang pakikitungo nila sa isa't isa kagabi. Pagkauwi, dumaan kami sa palengke para bumili ng p'wede niyang lutuin for dinner."
Halos pigil-hininga pa ako noon dahil nga hindi ko naisip iyon. Tanga ko talaga kahit kailan! Maya-maya pa'y mukhang na-satisfied na sila sa sagot ni Gabby.
"Iyon naman pala, Jake. Naku, pare, masama ang masyadong paranoid," biro ni Bryan sa kanya, saka nakipag-appear kay Adrian.
"Tss," sagot lang ni Jake sa kanila. "Sa susunod, mag-text ka para alam ko at hindi 'yong pinag-aalala mo ako."
"O-Opo," nasagot ko na lang.
Ayaw ko na lang ipahalata, pero kanina pa ako nata-touch sa gestures nitong kupal na 'to. Alam niyo 'yon? 'Yong hindi naman siya nagpapakilig, pero para na akong ewan rito na kinikilig sa kanya? Ay, ambot sa kambing na may bangs! Basta ako, masaya ako na boyfriend ko siya! Tibangin niyo ang hairlaloo ko, mga bes! Hindi, biro lang. Nilapitan ko na lang siya saka pinakita ang mga pinamili ko.
"Sarapan mo ang luto," bulong niya sa akin.
"Yes, Sir!" buong-siglang tugon ko naman.
Papunta na ako ng kusina nang marinig kong magreklamo si Bryan. Bakit daw gulay ang dinner namin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi sumabat.
"Ipagluluto kita ng corned beef na may patatas, don't worry!" natatawa kong sagot, bago dumiretso sa kusina.
Natuwa naman ako dahil nag-volunteer sina Justin at Trixie na tulungan ako sa pagluluto. In fairness naman dito kay Fafa Justin dahil mukhang nakakaya na niyang kumilos ng maayos, unlike noong mga nakaraang araw na para siyang walang gana. Siyemp, bilang mga kaibigan niya, inintindi na lamang namin siya. Nakakatuwa lang na unti-unti na siyang bumabalik sa dati. Sana lang talaga ay tuluy-tuloy na ito.
"Nakita ko kayo kanina ni Gabby sa panciteria malapit sa PureGold na may kasamang lalaki kanina," bulong sa akin ni Justin, na siyang kinabigla ko.
Bakit hindi, e buong akala ko pa naman ay walang nakakaalam ng mga nangyari kanina! Gosh, sana hanggang doon lang sa panciteria ang alam ni Justin.
"D-Dong, may group project kasi kami na kaming tatlo nina Gabby at si Max---'yong lalaki kanina ang magkakagrupo," palusot ko. Saglit ko pang hininto noon ang ginagawa ko at buti naman at lumabas si Trixie. "For finals namin na project iyon kaya kanina, we decided na mag-brainstorming na."
Ngumiti naman siya. "Kalma lang, Dong. Hindi naman kita isusuplong kay Jake. Saka mukhang kailangan niyo nga iyan dahil masyadong pressure sa college."
"G-Gano'n ba?" halos mautal-utal kong sambit.
"Yup."
"Salamat kung gano'n, Dong." Nangiti na rin ako noon.
Good timing dahil bumalik na rin si Trixie, na kasama si Clay.
"Gusto ko ring tumulong para mas mapabilis ang paghahanda ng pagkain," paalam ni Clay sa akin.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...