ENTRY #30

2.7K 94 9
                                    

NOTE: Mayroon po akong short story entitled, "YANNY AND LAUREL". Ten-part story lang po siya at ngayon po ay naka-4 parts na ako. Sana po ay bigyan niyo po siya ng chance. Thank you po!

PS: Sorry, natagalan ang UD. Medyo nag-pause kasi ako ng kaunti dito since parating na ang mga conflicts sa story nina Jake at Joel. Ayun, enjoy reading!

_____________________________

ENTRY #30

Second Semester

[JOEL:]

November 22, 2009

Change.

Sabi nga sa isang kasabihan, the only constant thing in this world is change. Lahat ng bagay sa mundo ay nagbabago. Kahit nga yata ang emosyon ng tao, nagbabago, e.

Nakakalungkot lang isipin na 'yong dating ka-close mo, stranger na lamang ang tingin sa iyo.

@JMB0704

ENTER.

•~•~•~•~•

Sinigurado namin ni Calvin na maaga kaming magigising ngayong araw na ito. Unang araw kasi ng Second Semester ngayon at start din ng Foundation Week. Last week, nagkaroon kami ng meeting ng mga kaklase ko regarding to that matter since required kaming mag-put up ng booth. We decided na food stall ang gawin since wala rin kaming ganang mag-effort pa.

As for me and Max, okay naman kami. Nag-uusap naman kami during that meeting.

Required, e.

Hindi, ang totoo niyan, matapos ang insidente sa Zambales, kung saan nagtapat siya ng nararamdaman niya para sa akin, pinili nitong umiwas sa akin. Or sa amin ni Gabby. Nagtataka nga ang huli, e. Pero ayaw ko namang sabihin sa kanya. Baka kasi masamain pa lalo ni Max. Ayaw ko namang madagdagan pa ang sama ng loob niya sa akin. Nag-uusap naman kami. Iyon nga lang, kapag required lang talaga o may kailangan kami sa isa't isa. Nakakalungkot lang isipin na nakasanayan ko na siyang kausap o kabiruan, pero mauuwi lang pala sa ganito.

"You're spacing out."

Halos mapapitlag ako nang biglang magsalita si Calvin, na kakatapos lang maligo. Topless pa ang shuta, at hindi iniintindi na may kasama siya rito sa loob.

"Sa banyo ka magbihis, uy!" saway ko sa kanya. Kaasar, e.

Ngumisi lamang siya. "Malisyoso ka talaga, Kuya. Pumasok ka na kasi sa loob para makapagbihis na ako rito."

Sinamaan ko nga ng tingin. "Hindi ako malisyoso. Awkward lang kasi dahil hindi na tayo mga bata. Sige na, papasok na ako sa banyo at mag-ayos ka na."

"Aye! Aye!"

Hanggang sa pagligo ay tila wala pa rin ako sa sarili. Paano kasi, sumasagi pa rin sa isip ko 'yong huling napag-usapan namin ni Max, e.

[Flashback:]

"P'wede pa naman tayong maging magkaibigan, Max. Huwag mo naman akong iwasan ng ganito," malungkot kong sambit sa kanya.

Nandito kami sa garden ng campus at kakatapos lang ng meeting namin regarding sa nalalapit na Foundation Week namin. Sinadya ko talagang harangin siya noon dahil matapos ang bakasyon namin sa Zambales ay hindi na ito nagparamdam sa akin.

Ngumisi naman ito. "Joel, gusto mo ba talagang nahihirapan ako? Huwag naman gano'n, dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanggap ang mga nangyayari."

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon