ENTRY #13

3.7K 151 24
                                    

Pakibasa po ang A/N sa dulo. Salamat po.😊 Enjoy reading!

___________________________________

ENTRY #13

Prelims

[JOEL:]

Napanganga na lamang ako noon habang pinagmamasdan ang mga pointers to review na isinulat ng prof namin sa Principles of Marketing subject. One word: Nakakaloka. Parang kailan lang mula nang magsimula ang klase, pero ngayon, examination period na agad. Halos lahat yata kami noon sa room, puro reklamo. Natawa naman ang prof namin.

"Magiging madali lang iyan dahil napag-aralan natin iyan. Kalma lang," natatawa nitong untag.

Kaya, pagkatapos na pagkatapos ng klase ay agad na kaming umuwi ni Gabby para mag-advance study na. Masyado kasi kaming maraming subject at halos sabay-sabay pa lahat. So far, nakakasunod naman ako sa mga discussions namin sa klase kaya hindi ako masyadong namomroblema sa magiging performance ko.

Naabutan namin sa apartment noon sina Justin na nag-re-review rin.

"Ang aga niyo naman yata?" usisa ko sa kanila.

Ngumiti naman si Justin. "Oo, dong. Bukas kasi, exam na namin sa Accounting I saka sa Principles of Management namin."

"'Di ba, 'yong matandang hukluban na masungit din ang prof ninyo?" nataawa kong tanong.

Tinapik naman ako ni Gabby. "Loko ka talaga, Joel."

Nagsitawanan naman ang mga lalaki sa statement ko.

"Napunto mo, Joel!" ani Bryan, na sinusuntok pa sa balikat si Adrian, na natatawa rin.

"Loko ka talaga, Joel, pero totoo naman iyon," natatawa ring tugon ni Justin. "Mahabang magpa-essay 'yon, e. Kaya nga kailangan, pag-aralan mo lahat ng aspects ng ni-discuss niya."

"Pak ganern, dong!" pagsang-ayon ko rin naman. "O, siya, magluluto na ako ng maaga para makapag-review din ako."

"Nakapagluto na kami ng kanin, Joel," ani Adrian. "'Yong sa ulam naman, dadaan kami mamaya sa karinderya para bumili."

"Hala, bakit naman?" nagtataka ko namang tanong.

Si Justin ang sumagot. "Exam period ngayon kaya kailangan nating mag-focus sa pag-aaral. Minsan lang naman, Joel."

Napatango na lamang ako noon. Siyempre, gusto kong magluto para naman may disente kaming pagkain for dinner. Pero, may point naman din si Justin. Kapag ganitong mga panahon, kailangan naming mag-focus sa pag-aaral, lalo pa't nangako kami sa kanya-kanya naming mga magulang na gagalingan ang pag-aaral. Nagpaalam na lang muna ako sa kanila na magbibihis muna para makapag-aral din ako. Sakto namang kakalabas lang ni Gabby noon na kakabihis lang, at dala-dala ang mga gagamitin niyang review materials.

"Ano, galit-galit muna o teamwork?" tanong niya sa akin.

Natawa naman ako. "Galit-galit muna."

Nang makapagbihis ay nanatili na rin ako sa kwarto noon. Dito na lamang ako magre-review para makapag-concentrate ako. Marami-rami na rin akong nari-review noon nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Si Jake pala at si Calvin. Speaking of the latter, walang pinagbago ang expression nito---tahimik pa rin. Nasabi sa akin ni Cielo na cool off daw silang dalawa ni Ciara, at ito ang nag-decide para sa kanilang dalawa. Baka raw hindi matanggap ni Calvin ang naging desisyon ng kambal ni Cielo kaya ganito na lamang ang pagka-down nito.

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon