ENTRY #04:
Actually..
[JOEL:]
•~•~•~•~•
June 25
Ilang araw pa lang ang lumilipas, pero pakiramdam ko, mukhang mahihirapan ako sa college life ko. Tama nga ang sabi nila, dito mo talaga mararamdaman ang lahat ng klase ng pressure na maaari mong maramdaman, real quick! Wish we could turn back time to the good ol' days. Charot! Anyways, it seems na hindi naman ako planong pagtripan no'ng babaeng sinasabi nilang hindi mo p'wedeng kalabanin dito sa university. Mukhang hoax lang iyon. Well, I just hope na sana nga ay ganito na talaga.
@JMB0704
•~•~•~•~•
Unlike noong mga nakaraang araw na halos buong araw ay nasa campus kami, ngayon naman ay hapon ang start ng klase namin. Mayroon lang kasi kaming dalawang subject---Philippine History saka General Psychology. Dahil hapon pa naman ang pasok, sinagad ko na ang pagpapahinga. Gosh, ilang araw na rin akong puyat, e. May mga subject kasi kaming nagbigay na agad ng assignments. Kaysa naman matengga sa bag lang namin ay naisipan na lang namin ni Gabby na gawin na. Isa pa, para uuwi na lang ako sa bahay sa Sabado, after ng PE at NSTP namin.
"Joel, mauna na kami," ani Jake, na nakaayos na rin papasok sa school nila.
Lumapit ako sa kanya, saka inayos ang uniforme niya na medyo gusot-gusot, gawa ng pagmamadali niya. Tiningnan naman niya ako ng nakakaloko.
"May sakit ka ba ngayon?" tanong pa nitong kupal na 'to.
Ngumisi lang ako. "Masama bang mag-effort sa mahal ko?"
As expected ay niyakap lang niya ako, saka hinalikan sa noo. "Nakakapanibago ka, my love. Hindi mo naman ako inaayusan ng ganito dati, e."
"Effort nga, 'di ba? Saka hayaan mo, babawi ako sa'yo sa weekends."
Ngumisi ito. "Talaga lang, ha?"
"Oo na. Sige na, pumasok ka na at baka mahuli ka pa," pagtataboy ko sa kanya.
"Kiss ko muna." Ngumuso pa ito.
Napailing na lang ako noon sa kanya. Good thing at kami lang ang tao sa kwarto noong mga oras na iyon, kaya p'wedeng p'wede ko siyang halikan. Saglit lang naman iyon, kaya nang ma-satisfied siya ay tinulak ko na siya palabas ng kwarto. Plano ko ring maglinis muna, habang walang mapaglibangan. Tulog pa yata si Gabby, e. Marahil ay binabawi rin ang puyat niya noong mga nakaraang araw. Habang naglilinis ay sinasabayan ko rin ng pagsasayaw. Naadik kasi ako dito sa kantang Fire ng 2NE1. Jusko, instant exercise na rin ito, saka wapakels ako kung makaistorbo ako ng kapitbahay, 'no! Minsan lang ako magganito laya pagbigyan niyo na ako. Saktong patapos na ako nang lumabas si Gabby sa kwarto nila. Pupungas-pungas pa ang bruha.
"Ang aga mo namang magising, Joel," aniya, habang tinatanggal ang mga muta sa mata.
Ngumiti naman ako. "Inasikaso ko si Jake, e. Kawawa naman."
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Comédie[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...