ENTRY #18

3.2K 125 27
                                    

ENTRY #18

This Is Why We Can't Have Nice Things

[JOEL:]

"Kumusta scores, Joel?" usisa sa akin nitong si Gab.

Dahil wala si Ma'am Chan, naisipan naming dalawa na tumambay muna rito sa open field ng school. Magpapalipas lang ng oras. Kanina kasi, in-announce na ng iba naming professor ang aming mga score sa nagdaang Prelim exams.

Ngumiti naman ako ng tipid. "Okay naman, 'yong iba, medyo mababa, pero bearable naman."

Actually, hindi ko talaga pinaalam sa kanila ang mga scores ko. I mean, ayaw kong mag-brag masyado. Hindi naman necessary iyon, e. Hindi naman sa mababa ang mga nakuha ko. In fact, mataas naman, though hindi 'yong tipong ako ang highest.

"Good for you, at least 'di mo poproblemahin ang mga grades mo," nakangiti pa niyang sambit.

"Oo nga, e. Naku, takot ko lang sa parents ko." Nagtawanan kami pareho matapos.

Dahil sa masaya kaming nagkukwentuhan, 'di namin napansin na nasa likod na pala namin si Max na may dalang snacks. Gawa yata ng Papa niya. Naupo naman ito sa tabi ko.

"Nandito lang pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap," aniya, habang nilalabas ang mga sandwiches sa box. "May inumin naman kayo, 'di ba?" tanong pa niya.

"Yup," Gabby and I both replied.

"Good. By the way, gawa ko 'yan, since ginawan ko na rin 'yong mga kapatid ko kanina," paliwanag niya.

May kapatid pala siya?

"May kapatid ka pala?" tila nag-aalangang usisa ni Gabby sa kanya. "Alam ko, nasabi mo nang wala, e. Nagtataka lang ako."

"Same here," sabat ko naman.

Nabigla naman ako nang akbayan niya kami pareho. "Kayo talaga, napaka-sharp minded ninyo." Saka ito tumawa ng mahina.

Inalis naman namin ni Gabby ang kamay niya, since nangako nga kami sa kanya-kanya naming boyfriend na no touch sa ibang guys.

"Nagtatanong lang, e," ani ko pa, saka nilantakan ang sandwich. Kumuha na ako kahit hindi pa siya nag-offer.

Nangiti naman siya. "Natatandaan niyo ba 'yong time na sinundan ninyo ako sa squatters area?" Halos sabay kaming tumango. "'Yong mga batang taga-roon ang tinutukoy ko. Inampon na sila ni Papa para pag-aralin at magkaroon sila ng maayos na tirahan."

Hindi ko man ipahalata, natuwa ako sa ginawang iyon ng Papa niya. I mean, aminin man natin o hindi, rare scenario lang iyon-ang pagtulong sa mas nangangailangan. Bigla tuloy akong nakaramdam ng eagerness na makilala ang Papa niya. Mukhang dito nagmana si Max. Kahit loko itong lalaking ito, masasabi ko naman na matulungin siya sa paraang alam niya at gusto niya. Nakakatuwa lang.

"Wow, talagang napakabuti ng Papa mo, Max. No doubt, nagmana ka nga sa kanya," kumento naman ni Gabby.

Nangiti naman ito. "Thanks. Hindi bale, ipapakilala ko siya sa inyo mamaya, kung gusto ninyo."

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon