ENTRY #35

2.3K 94 8
                                    

ENTRY #35

When Shit Happens...

[JOEL:]

"May problema ba kayo ni Jake? Napapansin kasi namin na hindi kayo nagkikibuan nitong mga nakaraang araw, e," usisa sa akin ni Justin.

Nandito kami ngayon sa parke malapit sa school. Mamayang hapon pa kasi ang klase namin, pati na rin sina Justin kaya niyaya ako nito na magpunta rito. Nakakapagtaka nga, e. Parang ito yata ang unang pagkakataon na niyaya ako nito na kami lang dalawa. Marahil ay nag-usap-usap sila ng barkada at nagpasya siyang yayain ako rito.

Tipid akong ngumiti. "W-Wala naman. Busy lang kasi kami sa mga subjects namin kaya walang time para mag-PDA," palusot ko pa.

Napapitlag na lang ako nang guluhin nito ang buhok ko. "Ikaw talaga. You're not good at lying, okay? So...may problema nga kayong dalawa?"

Napakamot na lang tuloy ako sa ulo ko sa sinabi niya. "Oo na, mayroon nga. I guess, kasalanan ko rin,"natatawa kong sagot dito.

Pilit na tawa, as it is.

"Ano bang nangyari? P'wede mo bang ikwento?"

Napabuntong-hininga muna ako bago ko nilahad ang mga pangyayari mula noong dumalaw sa apartment ang tatay ni Jake at sabihan ako ng masasakit na salita, hanggang sa naging kumprontasyon naming dalawa. Habang nilalahad ko ang lahat ng nangyari, hindi ko maiwasang hindi mapaluha. I mean, alam kong almost one year pa lang kaming dalawa, pero ito pa lang yata ang unang pagkakataon na nag-away kami ng malala. Somehow, nakakapanibago lang, and at the same time, nakakatakot din pala.

"Joel, huwag mong sisihin ang sarili mo sa nangyayari," sambit ni Justin sa akin habang hinahaplos ang likuran ko.

"S-Sorry, ha? Ang drama ko na masyado," naluluha kong biro rito.

Natawa naman siya. "Okay lang 'yan. Ang mabuti pa ay mag-usap kayo ng masinsinan mamaya ni Jake."

"P-Pero, nahihiya ako sa nangyari."

Para kasing ang hirap namang makipag-usap kapag ganito. Must be my pride. Hay! Ang hirap naman nito!

"Tsk, paano kayo magkakaayos niyan kung uunahin mo pang isipin 'yang pride mo? Don't worry, ako ang bahala," ani pa ni Justin.

"Naku, nakakahiya naman." Napapakamot na lamang tuloy ako sa aking ulo noong mga oras na 'yon.

"Sus, nahiya pa." Sabay akbay naman nito sa akin. "Matagal na tayong magkaibigan at parang kuya mo na rin ako kaya wala ka namang dapat ikahiya."

______________________________________________________

[JAKE:]

"Brad, may problema ba kayo ni Kuya?" Usisa sa akin ni Calvin habang nandito kami sa Student Center malapit sa Building namin.

Kasalukuyang vacant period namin ngayong oras na 'to, at nagkataon namang wala ang prof nina Calvin kaya nakitambay na rin ito sa tabi ko. Tss, nahahalata pala nila sa apartment ang problema namin ni Joel. Actually, mali rin ako, e. Masyado yata akong nagpadala sa kwento ni Papa, without thinking na masyado yatang too good to be true iyon. Kilala ko si Joel; hindi 'yon gagawa ng isang bagay na alam niyang labag sa prinsipyo niya, unless hingin sa kanya ng pagkakataon. Goddamnit, ano ba 'tong katangahang ginawa ko!

"P-Pinagsasabi mo? Tss," depensa ko naman.

Sa totoo lang, ayaw ko na ring aminin sa kanila, e. Problema naming dalawa ni Joel iyon at labas na sila roon. Ang kaso nga lang, napakaimposible naman na hindi nila iyon mapansin, e sa halos araw-araw na ginawa ng Diyos ay nakikita nila na sweet kami sa isa't isa.

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon