ENTRY #40
Secret Admirer
[JOEL:]
Ilang araw na ang lumipas at malapit nang sumapit ang pasko. Kasabay niyon ang pagsisimula ng Prelim Exam ng lahat ng estudyante. Sa mga araw na iyon ay hindi ko na nakita pa si Jake. Never ko rin naman kasing in-attempt na pumunta sa building nila. Bakit naman kasi ako pupunta roon, e 'yong dahilan ng pagpunta ko roon ay galit sa akin dahil sa ginawa ko.
Ay! Oo nga pala. Wala na pala kaming relasyon kaya wala na rin namang dahilan pa para pumunta roon.
Sa totoo lang, nami-miss ko na 'yong kupal na 'yon, e. Alam kong kasalanan ko naman ang lahat ng ito, that's why nahihiya rin akong mag-reach out. Marami ring pumapasok sa isipan ko na mga posibleng outcomes niyon. Malay ko ba kung gusto pa rin ba niya ako o ano. O kaya naman, baka naman kasi ayaw na rin niya sa relasyon namin o iba pa. By just thinking of that, awtomatiko akong nalulungkot. Nakakalungkot lang isipin na dahil sa kagagahan ko, nawala sa akin ang lahat at an instant. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako malulungkot o magdadalamhati rito pero wala na rin akong magagawa kung hindi ang tanggapin ang lahat at mag-move on na lamang.
Matapos ang huling exam ko ay nagmamadali akong lumabas sa room dahil nasa labas na raw ng school sina Mama at Papa para sunduin kami ni Calvin. Uuwi kasi kami ngayon sa Ilocos para doon ipagdiwang ang pasko...o hanggang bagong taon na rin siguro, depende sa kagustuhan ni Papa. By the way, almost fully recovered na siya ngayon at nakakagalaw na rin siya. Another reason to celebrate.
"Bye, 'te!" mahina kong sambit kay Gabby na nasa room pa rin at hindi pa tapos sa exam. Ngiti lang ang isinagot nito.
Sakto namang nasalubong ko si Calvin sa lobby ng campus at mukhang hinihintay ako. Nginitian ko naman ito.
"Kanina pa kita tinatawagan," simpleng sabi nito.
Natawa naman ako. "Naka-silent mode 'yong phone ko since exam pa namin kanina."
"Sorry naman," simpleng tugon naman nito. "O, may nagpapabigay," sabay abot nito sa akin ng isang maliit na box.
Buong pagtataka ko naman itong tinanggap. "Kanino galing?"
Nagkibit-balikat naman ito. "Secret admirer mo. Huwag ko raw sabihin identity niya sa'yo para may thrill."
Napa-roll eyes naman ako. Kilala ko 'tong lalaking 'to, e. May pagka-prankster 'to at baka walang ma-prank kaya ako ang napagtripan. Tch.
"Sa'yo lang 'to galing, e," ani ko naman.
Napakunot naman siya ng noo. "Gagi, hindi sa akin galing 'yan. Nasa bag ko 'yong regalo ko para sa'yo."
Hmm, mukhang nagsasabi nga siya ng totoo, ha?
"Buti tinanggap mo?" ang naging tugon ko na lamang.
"Naisip ko rin kasi, wala na rin naman na kayo ni Jake, so wala na rin namang rason para hindi ka mag-entertain ng suitors. Alam mo namang happiness mo lang ang gusto namin, 'di ba?" Saka ako nito inakbayan.
Ano ba 'tong lalaking 'to. Kinakalimutan ko na nga 'yong tao, pinaalala pa. Pero, in all fairness naman, na-touch ako sa sinabi niya sa akin. I must say, swerte ako sa mga kapatid ko, especially rito kay Calvin.
"Oo na lang. Labyu," nasabi ko na lang sa kanya.
Hindi na siya nag-respond since nandito na kami sa labas ng campus at pasakay na sa kotse namin. Nakangiti naman kaming sinalubong nina Mama at Papa, pati na rin sina Jonathan at Cassie.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...