ENTRY #23

3K 105 19
                                    

ENTRY #23

Gorgeous (Part 2)

[JAKE:]

Nakauwi na ako sa apartment ngunit ka-text ko pa rin si Joel. Tss, 'yong tao na 'yon talaga, basta maisipan niya, gagawin niya talaga. Actually, nabigla ako sa desisyon niyang umuwi sa kanila ngayon, e. Plano ko pa namang bumawi sa kanya ngayon since todo-alaga niya ako nitong mga nakaraang araw. Ang ibig kong sabihin, mas nag-effort siya kaysa sa mga usual niyang ginagawa para sa akin. To be honest, naa-appreciate ko ang lahat ng iyon. Alam kong alam naman niya iyon, e. Kahit pa hindi ko iyon sabihin sa kanya. I guess, I've made a right decision. Hindi ko hinayaang pangunahan ako ng pride ko na mahalin siya't ipaglaban siya sa lahat. Sinasabi nila, napakaswerte niya sa akin. Pero mali iyon, e. Ako ang maswerte dahil sa akin siya napunta. Wala akong pakialam kung marami man ang nagdududa sa pagmamahalan namin. I don't give a fuck.

Pero teka? Halos limang minuto na no'ng huli ko diyang ka-text, ah? Pero hanggang ngayon, wala pa rin akong natatanggap na reply mula sa kanya. Nakakapanibago naman. Kilala ko ang tao na 'yon, e. Sa sobrang pagka-paranoid ko ay naisipan kong tawagan siya. Nakailang dial din ako nang sagutin niya.

"Hello, Joel—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang magsalita ang nasa kabilang linya.

"Kakilala mo ba 'yong may-ari nito?" Boses iyon ng lalaki. Kinabahan ako bigla.

"O-Oo! A-Ano'ng nangyari sa kanya!?" halos pasigaw kong tanong dito—dahilan para makuha ko ang atensiyon nina Justin na busy sa paggawa ng homeworks nila.

"Anong problema, brad?" mahinang tanong sa akin ni Bryan.

Sasagutin ko sana siya nang magsalita ulit 'yong lalaki. "Ninakaw ko sa kanya itong cellphone niya. Sige na, nandito na 'yong buyer."

Dahil sa galit, "putang ina niyo po. Makarma po sana kayo kaagad. Bye."

Dali-dali akong nagpunta sa kwarto namin para kumuha ng pera pamasahe. Sinundan naman ako ng mga kasama ko dahil nag-aalala rin sila.

"Jake, ano ba'ng nangyari at nagmamadali ka?" tanong nila sa akin.

Nang makakuha ng pamasahe ay hinarap ko sila. "Pasensya na pero kailangan ko munang puntahan sa kanila si Joel. Nanakawan siya kanina."

"Ano!?" halos sabay-sabay nilang reaksyon.

"O, sige. Mag-ingat ka rin. I-text mo kami kaagad kapag nandoon ka na," ani Justin.

"Sama ako!" sabat naman ni Calvin na akma ng kukuha ng pamasahe.

"Huwag na!" pasigaw kong sagot habang palabas na. Nag-wave lang ako ng kamay noon saka umalis na.

Habang nasa biyahe ay ni-text ko si Jonathan kung nasa bahay na ba nila ang kuya niya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang kumpirmahin niya ito. Aniya, napagalitan pa raw ito ni Tito ngunit binigyan din ng cellphone.

Makalipas ang mahigit isang oras na biyahe ay nasa kanto na nila ako. Mag-a-alas diyes na rin ng gabi noon ngunit hindi ko iyon alintana. Mas mahalaga sa akin ngayon si Joel at kung ligtas ba siya. Hay! Napapraning na nga yata ako. Kahit pa nakumpirma ko ng nasa bahay na ito ay tila hindi pa rin ako mapalagay. Sana ay hindi iyon nagdulot ng trauma sa kanya. Sana. Sana.

Saktong kakatok na ako noon sa pintuan nila nang bumukas iyon. Si Tita Alicia pala. Mukhang magtatapon ito ng basura sa gilid nila. Maliksi naman akong tumulong dito.

"O, Jake. Gabi na, ah?" tila nabigla nitong sambit.

"E Tita..." Saglit akong napahinto para ayusin ang basura. "Nag-alala po kasi ako kay Joel, e."

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon