NOTE: Sorry kung natagalan ang UD nito. Tbh, nawala kasi ang hype ko rito noon, since pre-occupied nga ang isipan ko noon sa plot ng YANNY AND LAUREL.
Btw, tapos na po ang story ko na YANNY AND LAUREL, kaya sana ay bigyan niyo naman iyon ng chance.:) Salamat in advance!
Comment naman diyan, o.😔
•~•~•~•~•~•
ENTRY #31
SURPRISE!
[JOEL:]
"Buti naman at hindi nagkapikunan sina Jake at Maxwell," napapabuntong-hiningang kumento sa akin ni Gabby.
Matapos ang program sa campus ay napagpasyahan namin ng babaitang 'to na pumasyal muna sa canteen para bumili ng snacks at para na rin makapagpahinga. Dito nga ay napag-usapan namin ang pangyayari kanina, na kung saan ay muntikan nang magkasagutan sina Jake at Max. Fortunately, marunong makisama ni Jake at idinaan na lamang sa tawa ang lahat.
"Mabuti na lang 'kamo, marunong makiramdam ni Jake," dagdag ko pa.
Napatango naman siya. "Swerte mo sa kanya, girl!"
Natawa naman ako sa kanya noon kaya napasarap din ang daldalan namin—to the point na nawala sa isip namin na gabi na pala at p'wede na kaming umuwi. Flooded din ang phone ko noon ng mga messages galing kay Jake. Nagtatanong kung nasaan daw kami. Tch, parang 'di ako nag-text kanina, a. Napagpasyahan na rin naming umuwi ni Gabby para maaga kaming makatulog. Nang makarating sa bahay ay saktong kumakain na sila ng dinner. Mukhang nagpa-deliver na lang sila sa KFC.
"Saan kayo nanggaling? Bakit parang late kayo?" nagtatakang tanong sa amin ni Justin.
Naupo naman kami sa bakanteng upuan.
"Napasarap kasi ang kwentuhan namin ni Joel sa canteen kaya nahuli kami," sagot naman ni Gabby, habang kumukuha ng manok sa lalagyan.
"For sure, napagod din kayo sa booth ninyo," natatawang sambit pa ni Clay.
Natawa naman ako. "Hay naku, girl. Alam mo 'yan."
Dahil busog pa kami ni Gabby ay parehong mashed potato at 'yong manok na lang ang kinain namin. Nang matapos ay pumunta muna kami sa sala para manood ng palabas sa TV. Sina Clay at Trixie na kasi ang nag-volunteer na mag-ayos ng kinainan namin. Habang nag-e-enjoy sa panonood ay namalayan ko na lang na tinabihan pala ako ni Calvin.
"Nakasabay ko kanina si Max," pambungad niyang sambit.
"Tapos?" Hindi ko siya nilingon.
"Mukhang FO na nga kayo," aniya.
"Wala na akong magagawa sa bagay na 'yan," ani ko.
"Sabagay, kasi masyado ka raw attractive para magustuhan niya," natatawa pang wika nito.
"'Tado," natatawa ko ring sambit.
Saglit akong napaisip: bakit ba kasi ako nagustuhan ng lalaking iyon? Marami namang iba diyan?
____________________________________________________
Mabilis na lumipas ang araw at ngayon nga'y last day na ng Foundation Week. Mayroon pa rin kaming booth noon, pero unlike noong mga naunang araw ay kaunti na lang ang napiling magbantay. Sad to say, bigla kaming napasali nina Gabby sa Larong Pinoy—isa sa mga palaro sa Foundation Week. Kasama namin sa grupo sina Max, Gavin, Gardo, at Angelica. Kaloka, kaya pala bigla kaming pinagpasuot ng PE uniform namin.
BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...