ENTRY #39
High Hopes
[JOEL:]
"Alam mo, baks, hindi ka lang immature. Makasarili ka rin," naiinis na sambit sa akin ni Trixie.
Pasorpresa akong pumunta sa apartment noong hapon ding iyon. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Nahihiya rin kasi ako sa mga kasama ko. Parang hindi kasi ako 'yong ganito sa paningin nila. Hindi ko rin alam kung ano ba ang sasabihin ko. At ito na nga, katakot-takot na sermon ang inabot ko sa kanila. Lalo na rito kay Trixie.
"S-Sorry na," mahina kong tugon.
Inikutan lang ako nito ng mata, na siyang lalo pang nagpakaba sa akin. Meaning, galit talaga siya sa ginawa ko.
"Bakit ka ba kasi umiwas sa amin ng gano'n? Parang ang dating kasi sa amin, parang hindi mo kami kaibigan, e," patutsada naman sa akin ni Justin. "Mayroon na palang nagaganap na ganyan, tapos ano? Malalaman na lang namin kapag worst na ang lahat?"
"Oo nga, baks! Kainis ka! Makaiwas ka pa sa akin sa room, akala mo, may nakakahawa akong sakit!" dagdag pa ni Gabby.
Dahil doon ay hindi ko maiwasang hindi mapaluha. Kasalanan ko rin naman, e. Kung hindi dahil sa pagiging makasarili ko, hindi magkakagulo itong lahat ng 'to. Wala akong karapatan para magtanim ng galit sa mga kasama ko dahil nasasabi lamang nila ang lahat ng ito out of frustrations.
"S-Sorry," tipid kong sambit habang patuloy pa rin sa pagluha.
Naramdaman ko na lamang ang pag-aalo nila sa likod ko sabay yakap nila sa akin.
"Nandito lang naman kami para sa'yo, Joel. Hindi ka namin iiwan, tandaan mo 'yan," sabi ni Justin sa akin.
"Oo nga. Kaibigan mo kami kaya sana, huwag kang mahihiya sa amin," dagdag pa ni Bryan.
Somehow, gumaan din ang pakiramdam ko sa mga comforting words nila para sa akin. Good thing din at naliwanagan ako sa mga words of encouragement sa akin kanina ni Gavin. Buti na lang at nakinig ako sa kanya. Dahil na rin sa sobrang kasiyahan ay hindi ko na pinigilan ang sarili ko na yakapin silang lahat. Thankful ako sa kanila dahil kahit na naging immature ako sa mga problemang kinaharap ko ay hindi pa rin nila ako iniwan. Instead, binigyan nila ng kaliwanagan ang aking isipan sa mga bagay na gumugulo sa akin.
"Let's make a deal. Para sa lahat," biglang mungkahi ni Justin sa amin habang nasa kalagitnaan ng group hug.
Agad naman kaming umayos ng upo. "Ano namang deal 'yon, pare?" tanong naman ni Adrian.
Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Starting today, lahat ng problema nating lahat, ay dapat idulog sa bawat isa, especially kung may kinalaman ito sa barkada. Deal?"
Wala nang isip-isip pa...
"Deal!"
________________________________________________________
[JAKE:]
Ilang araw na rin ang lumipas mula nang makilala ko ang soon-to-be stepbrother ko—na walang iba kundi si Maxwell. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang tanggapin ang katotohanang iyon, na taliwas sa nauna kong pagsang-ayon noong hindi ko pa sila nakikilala. Of all the people, bakit siya pa. Bakit siya pang rival ko sa puso ni Joel? Alam kong wala na akong karapatan sa kanya after he call it quits, pero masisisi niyo ba ako kung mayroon pa rin akong nararamdaman para sa kanya? Hindi naman kasi iyon kadaling mawala. Katulad ng kung paano ako na-develop sa kanya. Hanggan ngayon, unaasa pa rin kasi ako na sana...sana ay panaginip lang ang lahat ng ito. Na sana ay magising na ako sa "bangungot" na ito.

BINABASA MO ANG
Taming Mr. Homophobe 2
Humor[COMPLETE | TMH Book 2 | TheBlogger Series #1] Ngayong nasa kolehiyo na sina Joel at Jake, alam nilang hindi magiging madali ang kanilang tatahaking landas, lalo pa't magkaiba sila ng kurso. Ibig sabihin, hindi na nila kontrolado ang oras ng isa't i...