ENTRY #15

3.3K 124 20
                                    

ENTRY #15

Deal

[JAKE:]

Fuck. Kung noong high school ay nakakaya pa naming magpaka-easy mode, sa college hindi. Punyeta lang. Halos magka-migraine na ako kakaaral at kaka-catch up sa mga lessons namin. Kahit nga yata ‘yong mga putang inang minor subjects na ‘yan, nakikipagsabayan din, e. Tss. Mapapamura ka na lang talaga ng wala sa oras. Since kakatapos lang ng huli naming exam ngayon, naisipan ko munang lumabas at pumunta sa canteen para bumili ng pagkain. Para man lang bago kami sumabak muli sa isa pang examination, may laman ang utak ko.

“Saan ang punta, Fafa Jake?” malanding tanong sa akin ni Simeon--- isa sa mga kaklase kong bakla.

Tang ina, oo nga pala. Nasabi sa akin ng mga kaklase kong lalaki na may gusto raw ito sa akin. Well, hindi naman ako nakaramdam ng inis, since kaparehas niya si Joel. Respeto ko na lang sa syota ko. Napailing na lang ako noon sa kanya, saka naglakad na palabas sa building namin. Nasalubong ko pa noon si Calvin sa labas ng room nila, habang tinatapos ang project nila for prelims.

“Busy?” mapang-asar kong tanong sa kanya.

Mainam na rin ito para na rin ma-divert ang atensyon niya. Nakwento kasi sa akin ni Joel noong minsan ang nangyari sa kanila ni Ciara. Kung ako rin naman ang nasa posisyon niya, ganoon din ang mararamdaman ko. Mahal mo, e. Awtomatikong masakit talaga. Pero anong magagawa natin? Alangan namang magpaka-The Script tayo---The Man Who Can’t Be Moved. Tss. Korni.

Sinamaan naman niya ako ng tingin. “Nope. I’m just playing around here.”

Sarcastic na pala siya ngayon. Tss. Iniwan ko na lang siya roon since mukhang ayaw niyang magpaistorbo. Malapit na ako sa canteen nang mamataan ko ang grupo nina Chloe na mukhang may pinag-iinitan na naman. Kawawang nilalang. Napag-initan ng wala sa oras. Imposibleng si Joel naman iyon since sagsag din ng exam ang isang iyon at hindi iyon mag-aaksaya ng oras na lumabas at tumambay sa canteen. Nagdire-diretso lang ako noon sa counter since wala naman akong balak kumain dito. Doon ako sa rooftop ng campus tatambay, ano. Mas tahimik doon. Akma na akong lalabas noon nang mamukhaan kung sino ‘yong binu-bully nina Chloe kanina. Tang ina! Umiiyak si Joel! At ang mas masaklap pa roon, si Max pa ang umaalo sa kanya. Awtomatiko akong napalakad papalapit sa kanila noon. Halos hindi ko na alam pa ang pinaggagagawa ko noon---to the point na natulak ko na palayo si Max kay Joel. Selos? Maybe. Boyfriend’s instinct.

“What the fuck!? Anong problema mo, pare?” paanas nitong daing.

Halata ang pagkabigla sa mga mata ng mga kasama nila noon. Mabuti na lamang at wala nang masyadong tao rito, dahil kung hindi, agaw-eksena kami.

Agad kong niyakap noon si Joel, saka humingi ng pasensya kay Max. May mali rin naman ako, e. Inalalayan ko rin siyang tumayo noon, kahit pa labag sa loob ko.

“Pasensya na,” nasabi ko lamang sa kanya, saka hinarap si Joel. “Okay ka lang ba? Hindi ka ba niya sinaktan physically.”

Imbes na sumagot ay niyakap ako nito ng mahigpit saka umiyak ng umiyak. Wala na rin akong naisagot noon, kaya inalo ko na lamang siya. Napansin kong naupo si Max sa kabilang bahagi ng mesa, katabi ‘yong kaklase nilang bading. Nang mahimasmasan si Joel ay agad nag-offer ng tubig ang kaklase nilng babae.Tinanguan ko lamang siya noon, saka ini-offer iyon kay Joel.

“Okay ka na ba?” tanong ko ulit sa kanya.

Tumango naman siya.

Agad kong binalingan ng tingin si Max.

“Sinaktan ba siya nina Chloe?” tanong ko rito.

Seryoso pa rin ito. “Physically or emotionally?”

Taming Mr. Homophobe 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon